XV
Kapatid"Agon?!" parang si Clare ang boses niya ngayon.
"AGON?!!" naramdaman ko ang malakas niyang uyog sa'kin kahit na di niya ko hinahawakan.
"TAMA NA!!" pag mamaka awa ko sa'kanya.
"Hoy agon!" agad akong nagising sa pagkakahiga ko ng makita kong si Clare nag aalala habang katabi ko.
"kanina ka pa binabangungot.." sa dala ng emosyon ko ay napayakap ako sa'kanya habang umiiyak. Ayokong pati ang kapatid ko ay mawala sa'kin.
"w-wag p-pati ikaw...*sob* i-ikakamamatay k-ko.." habang naramdaman kong umiiyak at yakap niya rin ako.
"TAMA NA YAN!" isang malakas na hamapas ng pinto at sunod sunod na tao ang nag sipasukan sa kwarto ko.
Si nana elsa habang hinawakan nila ang kapatid ko.
"A-AGON!! A-AGON!!" papalag pa sana ako ng maramdman kong sinaksak ako ng isa sa mga babaeng naka belong itim.
"UUgghhhh...c-cla--" Di ko kinaya ang sakit at kirot ng tiyan ko. Nakita ko ang sunod sunod na dugong lumalabas sakin
"A-apo!!... t-tama na" sabi ni Nana elsa. Lumalabo na ang paningin ko. Nanglalambot na ko, nanghihina.
Hinawakan ko sa paa si Nana elsa habang buong lakas akong umiyak. Hindi ako makapag salita dahil sa sobrang kirot. Para akong naususnog na di ko maintindihan.
"L-lola.." sinubukan kong bangitin yun pero tinitigan niya lang ako at ngumiti na parang nasisiyahan pa.
Bakas sa muka niyang kahit matanda na ang kaligayahang nakuha niya.
"ARAY!" nabigla ako ng bigla niya kong sipain sa ulo na nag dahilan upang tumalsik ako.
"Tama na po yan!!" Pinipigilan ng mga babae ang kapatid ko habang nag susumigaw at humihingi ng tulong.
"C-clare.." unti unti na kong nahihilo para na kong mamatay. Napaka sakit ng sugat ko.
Napahiga na lang ako habang isinandal ko ang ulo ko sa kama. Nairinig ko silang nag darasal ng kakaibang salita.
Lumalabo na,
Nanghihina na ko,
ramadam ko ang kamay ko na pinang takip ko sa tiyan ko. Tinignan ko pa to, Sobra na sa dugo.
Nalasahan ko pa ang pawis ko na tagaktak na bumabagsak sa labi ko.
"A-apo.." nakayuko siyang lumapit sa'kin
"paalam.." hinawakan niya ang noo ko at saka niya ito ibinaba patungo sa mata ko upang mag dahilan ng tuluyan kong pagpikit.