XIV,

1.7K 18 0
                                    

 

XIV

Sulyap

"Agon?" natatakot akong nakatayo sa may bangin habang sila ay nag darasal.

Naririnig ko ang bawat pag sigaw nila. Lalo na ang isang sigaw na pamilyar sa'akin.. Isang boses na narinig ko makalipas ang isang taon

"AGON?! TULUNGAN MO KO!!" sigaw ng nag mamaka awang babae sa bangin. Sumulyap ako doon upang makita ko siyang naka sabit sa isang sanga at malapit ng mahulog.

Unti unting gumalaw at dinala ang buong katawan ko malapit sa bangin.

"AAAAHHHHH!!!" napahinto ang lahat ng sumigaw si Nana elsa. Lumabas sabay sabay ang latay niya sa katawan na may kasamang malalaking dugo. Balde baldeng dugo.

"AGON?!! TULONG?!" tila ako nakalutang dahil gumagalaw ako na hindi. Gusto kong sumigaw pero wala akong magawa. Mapuputol na ang sanga

"AGON?! ANO BA?!" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Si netay...

"KIM! KIM! AMIN'A ANG KAMAY MO!" sumisigaw siya habang inaabot ang kamay ni Kim. Wala akong magawa dahil hindi ako maka kilos.

"WAG!!" sa pagtatarantang yun. Napahinto si Netay. Kahit na ang pag iyak niyan ay napahinto na.

"Tama na.... Tama na, Ate" pag kasabi ni kim ng mga katagang yun. Agad siyang bumitaw sa sanga at...

"AAAAAAHHHHHHHHHHHH!!" tumalon din si Netay habang niyakap niya si Kim.

Saka sila lumaho ng parang bula. "Masakit ba?" isang boses ng lalaki na tila nang gagaling sa ilalim ng lupa.

"M-masakit ba na paulit-ulit na to?" Si nana elsa na umiiyak na rin ng dugo.

"masakit na mamatay sila paulit-ulit sa isip mo! at makikita mo yun dahil sa sumpa!! sumpa ng

mga mata mo!!"

Ang tawa ni elsa ay parang isang demonyo, nakakatakot parang hindi siya.

Ibang lola ko ang nakikita ko. Hindi siya ito, ibang-iba..

Hindi siya ang Nana elsa na nakilala ko. Sino ba tong nasa harapan ko?

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon