IV,

2.8K 44 5
                                    

IV

Knock

Napagod kami sa pagbisita kay tatay. Di namin alam kung saan siya tutuloy pero ang sabi niya sa Auntie muna namin siya.

mga 11pm na kami nakatulog nila Clare at Oprah. Clare lang talaga tawag ko sa'kanya kasi 11months lang naman yung pagitan namin. Si oprah naman, palayaw niya lang yun ang real name niya ay Orea Patricia. Katabi niyang matulog si Polly? ba yun? Di naman mahalaga.

Di ko kilala kung sino ang tatay ni Oprah kasi isang araw sinabi lang sa'kin ni Clare na buntis na siya. Mga dalaga pa siya nun 5 years ago, sa Biringan (probinsya)

Patulog na rin ako, nang maramdman kong umuulan.

Malamig kasi kulob ang buong unit. Bukod doon Tahimik kaya masarap matulog.

Yung buong bintana ay gawa lang sa salamin kaya makikita mo ang labas.

Pahiga na ko at papikit na ng marinig ko ang isang..

TOK.TOK.TOK

Isang katok? Pinakingan kong mabuti.

TOK.TOK,TOK

Tatlong beses siyang hihinto at magpapatuloy pagkatapos ng..

TOK TOK TOK

Sampung segundo? Tumingin ako sa orasan nasa 11:56pm na.

Kaya sino ang kakatok ng ganitong oras?

Hindi malinaw ang katok niya parang kulob, Hindi nang gagaling sa pinto.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko. Nagulat ako ng makita ko si Oprah, nakatayo malapit sa bintana.

Nakaturo siya sa labas kaya sinilip ko.

"n-netay?" nangangatog ko pang sabi.

Si netay kumakatok sa binatana, Pinabubuksan ang pintuan

Kaya agad akong lumabas, pero nung papalabas pa lang ako.

Nakahawak ako sa door knob, dun ako kinalibutan.

Tumakbo agad ako papasok ng kwarto ko, wala na rin si oprah sa sala.

Kasi naisip ko,

nasa second floor pala ako.

Lakas loob akong sumilip sa sala at tumingin sa binatana pero wala na si netay dun

namalikmata na naman ba ko? Ilang araw na to? May kakaiba na,

Hindi na to tama

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon