V
ala-ala"tagu-taguan...maniwala ang buwan...wala sa likod..hihihi"
Nagising na naman ako sa ingay at likot ni Oprah.
"habulin mo ko!" narinig ko yung pagtakbo saka sumara ang aparador.
Sigurado akong doon na naman nagtago si Oprah, si Clare kaya? tulog pa. Dumiretso ako sa kwarto ni Clare at nakita kong natutulog siya. Ang kwarto niya ay malapit sa kusina kung saan nasa kusina ang CR.
Pumunta na ko sa stove para mag luto, Laking gulat ko ng magbukas yung lalagyanan sa ilalim at nakita ko si Oprah.
"AAAAwww shit...Anong ginagawa mo dyan? tinakot mo naman ako"
"sssshhhh...wag kang maingay tito, baka makita na niya ko"
"Nino?"
"siya oh.." saka siya tumuro sa likod pero wala akong nakita. p-pero...
"O-oprah?! ano yun?" Nagulat ako ng may marinig akong tumakbong yapak.
"siya po yun" Kinalibutan ako lalo na sa kakaibang ngiti ni Oprah
"s-sino?"
"basta tito...makikilala mo rin siya" Para niya kong tinatakot nung sinabi niya sa'kin yung huling mga kataga.
"Knock, knock" Narinig kong may kumakatok sa pintuan namin.
Pagbukas ko ng pinto, si netay pala.
"HI babe" bati niya sakin habang nakangiti
"...kumain ka na?" tanong ko sa'kanya
"uuhhhmmm...Oo" parang malungkot niyang sabi
"Oh anong problema?" tanong ko
"kim"
Isang banggit niya palang alam ko na. Sa isang linggo ang 1st death anniv. niya simula nung nawala silang dalawa ni netay sa Tarbaneu, Kapatid niya si Kim. Bago pa man naging kami ni netay. Kami pa ni Kim ng namatay siya.
Nakita ang katawan niyang durog durog sa banggin na halos di na makilala sa biringan nung nagbakasyon kami doon."ano uuwi tayo ng biringan tanong ko sakanya
"ikaw..kung gusto mo"
Ako gusto ko para makita ko na rin ang Lola ko sa Biringan, Si Nana Elsa
"sige...sama na rin natin sila Clare"
Handa na ba kaming umuwi ng Biringan?