III,
Aba"tagu-taguan...maniwala ang buwan..."
"uuhhhhhmmm..." Nagising ako kay Oprah. Nag lalaro siya ng tagu-taguan sa umaga?
Kaso parang gabi na rin dahil sa kulob at madilim na condo unit ko.
Bakit nga ba ko lumipat dito? Ayyy Oo nga pala, Hindi nga pala namin bahay yung dati naming bahay.
Kaya ito NO CHOICE!
"OPRAH?!!" tawag ko sa'kanya. Habang palakad ako papuntang sala.
"aayy shit! ano ba yan?" Muntik na kong matalisod dahil kay bally ba to? Yung bear ni Oprah.
"oprah?! kakain na!" Umeecho yung boses ko. Tahimik pa rin hanggang ngayon.
May mga kapaitbahay din kami kaso tahimik din sila.
"Tito? naglalaro pa kami ni bolly"
Nakita ko siyang nagtatago sa likod ng pinto.
"andoon si bolly mo, Sa sala"
"tito siya kaya ang taya.."
"Oprah, look...."
Lumuhod pa ko para maging ka level ko siya habang nag uusap.
"Hindi yun pupunta dito.."
"No tito, look oh"
"AAAAYY SHIT!!" Nagulat ako kasi si Bully ba? Yung bear niya nasa Likod ko na.
"Ok taya na ko" sabi ni Oprah saka siya tumakbo
Tinitigan kong mabuti yung bear niya, Parang pang tao yung mata niya.
Nakakatakot, pero namalikmata ba ko? Ako lang ba o kumurap talaga yung bear?
Kinusot ko ng ilang beses yung mata ko.
TOK TOK
"TAO PO!" sigaw nung nasa labas
"teka lang!" sagot ko naman. Agad akong pumunta sa pinto para tignan kung sino yung kumatok.
"clare?"
"agon?"
"aaaahhhh I miss you.. si oprah?" Nayakapan kaming dalawa dahil namiss namin ang isa't isa
Niyakap niya rin si Oprah ng pag kakita niya.
"oh ate napabigla ka ng uwe? may problema ba?"
"aaahh wala naman, kaso s-si tatay..ngayon ata ang labas niya"
"tapos?"
Sa totoo lang ayokong makita ang tatay ko kaso kailangan dahil tatay namin siya.
"puntahan natin?"
"yun ang dahilan mo kaya ka umuwe?"
"hindi naman, aayusin ko pa yung requirements ko"
"so magtatagal ka? Chocolates ko?"
"Hahahaha nag papackage na ko kaso next week ang dating. Ang dami kasi'
Nag kwentuhan lang kami ni Clare, hanggang sa pagpunta sa kulungan ni tatay.
Nakita na namin si Tatay,
"a-agon? c-clare?" Naluluha niya pang sabi saka niya niyakap si Clare
pero ako nakatingin lang sa'kanila.
"tay? bakit ba?" tanong ko sa'kanya
Simula nung bata ako hanggang ngayon paulit ulit kong tinatanong kung papano nagawa ni tatay yun sa nanay namin?
Pinatay niya ang nanay namin.
"A-anak k-kasi..... yung gabing yun..." Naluluha niyang sabi habang hinawakan niya ko sa balikat.
"aalis na daw siya... sinasama siya ng lola niyo sa biringan kaso a-ayoko...k-kaya.."
"KAYA?!" napataas ang boses ko
"agon!" sinaway ako ni Clare sa pagtataas ng boses ko.
"k-kaya ko siya napatay..."
"...at tanda mo nung araw na yun..." Pagpapatuloy niya
"a-agon... dahil sa bigat ng katawan ng nanay niyo inaba ko siya sa likod ko, Pinasan... para madala sa ilog...."
"at tapos?" naiiyak ako sa pag kwento niya
"...tapos kinabukasan akala ko nakita mo ang lahat..... kasi buong araw mo kong tinititigan...bata ka pa nun kaya di mo pa alam..."
Oo nga bata pa ko nun mga 5? or 6?
"...kaya tinanong kita kung bakit ganun ka makatingin... ang sabi mo..."
"sabi ko?" tanong ko sa'kanya
"ANO?" naiiyak na rin ako, dahil maaga kaming naulila.
"...sabi mo...(saka siya yumuko) bakit buong araw kong aba ang nanay mo..."
Doon kami napahinto. Kahit si Oprah napatingin sa'kin. Ano yun? Kahit nung bata pa ko
namamalikmata na ko?