XXV
Pakiramdam
"a-aray.." Nagising ako habang ginagamot ni Joyce ang sugat ko sa tiyan.
"s-sorry...kung pilit kita" nakayuko siya habang ginagamot yun. Tutok na tutok siya sa ginagawa niya. "Ahh Ok lang yun" sabi ko sakanya.
Inilibot ko ang paningin ko ng makita kong nasa isang kwarto ako. Maraming pang gamot puro first aid kit.
"unit mo?" tanong ko saknya habang nilalagyan niya ng bandage yung tiyan ko. "ayan magiging ok na yan" sabi niya sakin saka siya nag smile.
"kamusta si aling salve?" tanong ko
"ayun iniwan ko habang nakatulog kakaiyak" sabi niya na napaka tamlay. "..tara balik tayo sa unit mo" pagpapatuloy niya
"alam mo may nakita ako kanina" sabi ko
Clueless siyang tumitig sa'kin na para bang gusto niyang malaman ang lahat.
"babae...kamukang kamuka ni Aling Salve...kaso"
"kaso?" pagtatanong niya
"..pat--" Naputol ang sasabihin ko ng maka rinig ako ng malakas na Katok
"Ano yun?!" Nagulat ako pero napatanong si Joyce. "teka nga lang.." tumayo siya kaagad saka pumunta sa pintuan niya.
"sino raw?!" pa sigaw kong tanong
Naka ramdam ako ng kakaiba ng...
"mamatay ka na!!.." isang pabulong na galit ang narinig ko. Hindi ako makagalaw at walang lumalabas na boses sa bibig ko.
Gusto kong sumigaw pero wala. Na uutal utal ako. Naramdaman ko yung...
kamay,
kamay sa leeg ko. Kamay ng isang babaeng puro dugo. "mamatay ka na!!.." galit na galit ang boses niya. Hinahawakan niya lang ang leeg ko
Naramdaman ko ang kakaibang uyog.
""agon?!" nag iba yung boses ng babae. Kilala niya ba ko?
"agon?!" kaboses niya si..
"JOYCE?!" nagising ako sa kama ko. Panaginip?
"kanina ka pa tulog?" sabi niya sakin
"Huh? hindi ba tayo nangaling kina aling salve?..yung unit sa baba"
Parang nabigla ata siya sa sinabi ko dahil tumahimik siya at napatitig lang sakin.
"s-si aling salve?" sabi sakin ni Joyce
"Oo..yung matanda na ginahasa daw tapos nag pakamatay yung..."
"matagal ng patay si Aling Salve" Napahinto ako sa sinabi ni Joyce sakin.
"p-pero.." Pipilit ko sana yung nang yari kaso umiyak na lang siya.
Naawa ako sakanya saka ko siya niyakap at...
iba
iba yung..
pakiramdam ko