XVIII,

1.2K 17 0
                                    

XVIII

Malapit Na

Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Mula sa pag gising ko sa kama namin sa kwarto,

Nakita ko kaagad si Clare na nakahiga sa bandang paanan ko. Tulog.

"c-clare.." hinimas himas ko ang buhok niya.

"Agon?..Ano ayos ka lang ba?" Tanong niya sa'kin

"ayos lang kahit namamanhid pa yung ibang parte ng katawan ko" sabi ko

Niyakap niya ko ng mahigpit. "a-aray ko"  napansin ko yung tiyan ko. May sugat pa rin.

"sorry..don't worry agon within this week aalis na tayo dito" para na kaming nakakulong dito ni Clare.

Ako na nakahiga at injured, Si clare na walang laban sa mga tauhan ni Nana elsa.

Papano kami makaka alis dito? si nana elsa pa pala..

"clare..." mag sasabi na sana ako kay clare kaso may kumatok sa pintuan

"..w-wag kang lalapit kay nana elsa.." sinabi ko sa'kanya ng pabulong

"ssshhh..agon, wag kang maingay..ako ng bahala" saka siya ngumiti sa'kin na alam kong kakampante na ko dahil alam niya na ang gagawin niya.

Binuksan niya ang pinto at isang babaeng naka gray ang tinatawag siya. Mukang pinapatawag siya ni Nana elsa.

"Clare.." tinawag ko siya bago pa siya umalis.

"..I know" ngumiti siya at isinara ang pinto.

nakaramdaman ako ng kilabot habang nakahiga. Isinandal ko ang ulo ko sa unan.

"Agon?!" Napa angat ako ng marinig ko ang boses ni Clare.

Nataranta akong buksan ang binatana na gawa sa kawayan. Buong lakas kong ginawa yun kahit na lam kong sa ilang saglit lang tutulo ang dugo sa tiyan ko.

"AGON?!" mas lumakas at parang natataranta. "CLARE?!" sigaw ko habang sumisilip sa labas ng binatana.

Nagulat ako,

Nang makita ko ang yung babaeng kumuha kay oprah....

"CLARE?!!" sumigaw ako at saka tumingin ang babae. Nakakatakot ang itsura niya, Biyak biyak ang muka na kulay gray at walang mga mata.

Lakas loob akong sumigaw "clare?!!" Napatigil ako ng marinig kong may nagbubukas ng pinto

"SINO YAN?!" natataranta na ko

"AGON?!" napatingin ako sa labas ng marinig ko na naman si Clare

"CLARE?!!" saka bumukas ang pinto ng pagkalakas lakas

"AGON?!!" sabi sa'kin ni Clare na nasa pintuan

"..sinong hinahanap mo dyan?"

Lumingon ulit ako sa bintana at wala ng tao o kung ano pa ang nasa labas.

Ano ba yung mga narinig ko kanina? Niyakap ko kaagad si Clare. Naramdaman ko ang pag haplos niya sa likod ko.

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon