XVII,

1.5K 25 2
                                    

XVII

Pag Dilat .2

"...parang halos lahat ng bagyo ay nadadaanan to, Isang delubyo ang gumuho sa biringan marami ang namatay, araw-araw dahil hindi umuusad ang bagyo..."

Nakikinig ako sa bawat kwento niya na para bang naiisip mo lahat ng pinag dadadaanan nila.

"...humingi sila ng tulong sa itaas...kaso wala...nag hinatay sila ng sampung araw..hindi man lang humina ang bagyo ngunit mas lumakas pa ito.."

Pagpapatuloy niya.

"...kaya dumigin sila sa kadiliman, Humingi ng tulong at Humingi rin ng kapalit... upang maisayos ang lahat dapat daw ay may ialay sa kadilim-diliman..at ang napili ang nag iisang birhen at madre sa islang to..Si Elizabeth Alosado Azares o mas kilala mo bilang si Nana Elsa..."

"Ano na po ang nangyari?" tanong ko sakanya

"bumalik ang lahat...pero hindi sa maayos na paraan... walang sasamba sa kinkilala mong diyos kundi sa kadilim-diliman lang sasamba at sa nag iisang asawa nito na si Nana elsa... sa paniniwala nila Babae ang pinaka makapangniyarihang nilalang sa mundo..."

Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.

"...bumubuhay ng tao ang mga babae, sila ang pinaka makapangyarihan kaya pinapatay ng babae dito ang mga lalaking ayaw sumamba sa'kanila...walang kang pagpipilian"

Sa pagkakataong yun lumingon siya sa'kin at tumayo. Hawak niya ng kambing na may pagkahaba-habang sungay at itim na mata.

"kilala mo ba ito?" hinimas niya ang ulo ng kambing saka ito tumingin sa akin. Nakakatakot ang titigan siya.

"siya ang sinasamaba nila.." saka ko nasilayan ang muka niya na isang....





demonyo

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon