XVI
Pag Dilat
Dumilat ako mula sa pagkakahiga ko.
Walang mga Dugo,
Wala ang sugat ko,
Wala na rin ang mga babaeng naka itim na belo. Nasa kwarto pa rin ako kaso may isang lalake ang naka upo na sa upuan ko.
"sino ka?" tanong ko sa'kanya
"kilala mo sila?" unang tanong niya sa'kin. Medyo natakot ako dahil seryoso siyang nag tatanong sa'kin.
"sila?"
"Oo..yung totoong sila?" Nag salita na siya na parang bata ang boses at hindi eksakto ang boses niya sa kanyang edad.
"marami kang nakikita diba?" pagpapatuloy niya sa akin
"Oo..marami" Hindi niya ko tinitignan dahil ang layo ng tingin niya.
"ito kanino to?" Itinaas niya ang isang libro at sigurado akong yun ang tala arawan ni Lerma
"..alam mo bang nanirahan siya dito?" Napatitig ako sa sinabi niya. "Siya diba ang lola mo?"
Napa isip ako sa sinabi niya, Siya nga ba ang lola ko?
"Di ka sigurado?" tanong niya sa'kin
"oo , hindi" napayuko ako sa tanong niya at ilang segundong katahimikan.
"sa paningin mo sino siya?" isang diretso at walang buhay niyang tanong
"sa pagkakabasa ko.." inaalala ko lahat ng nabasa ko mula sa libro na hawak niya
"Isa siyang demonyo, demonyong nabubuhay sa mundo" siangot ko ang katanungan niya
"hindi...napilitan lang siya" Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya
"Alam mo ba kung sino ang tunay na nana elsa?"
Lumikot ang isip ko na parang gusto kong malaman
"Sino?" tanong ko sa'kanya
"..isa siyang simpleng madre.." sinumalan niya ang pag kwento na parang kinukwentuhan ang isang bata
"nadestino sa naka hiwalay na isla ng pilipinas..."
"...parang halos lahat ng bagyo ay nadadaanan to, Isang delubyo ang gumuho sa tarbaneu