IX,

2.2K 26 1
                                    

IX.
Ang Pagmulat I

Hinahanap pala nila ako kanina pa dahil naka handa na raw ang hapunan at gusto ni Nana na mag kakasama kami.

"Apo, s-saan ka nang galing?"  tanong sakin ni Nana kahit na uutal-utal siyang tanungin ako.

"dyan lang po" nakakhiya kasi lahat sila naka upo na at mag sisimula ng kumain

May mga kaibigan si Nana elsa sa paligid niya. Mga babaeng naka itim na belo. Yung pang simba at naka gray silang suot na may gintong sinturon sa bewang.

"kain na" Kumain kami ng tahimik nasa gitna si Nana at katabi niya kami ni Clare, sina netay at Oprah naman ay nasa mag kabilang tabi namin.

Anim na babae sa teryo ang naka titig samin habang kumakain, nakaka ilang kasi di ako sanay.

"Nana.." banggit ng isang babae saka niya inilapit yung kambing kanina, nakatali pa rin.

"gusto mo bang kumain?" naka ngiti pang tanong ni Nana sa kambing saka niya ito pinakain ng hilaw na karne.

"kumain ka lang dyan.." Binuksan ng mga naka belong babae ang kandilang gray na hawak nila.

Patuloy pa rin ako sa pagkain kaso nakaka ilang at di ako komportable.

"Apo, kumain ka lang para lumakas ka" naka titig siya sakin, ngumiti naman ako sa'kanya bilang sagot

"maaga kayong mag si tulog dahil aalis tayo mamayang gabi" sabi niya ito saka siya umalis pagkatapos niya himasin ang buhok ko

"yung mga gamit mo andoon sa kwartong yun" sabi sakin ni teryo doon sa pintuang itim na may krus na gray

"aahh sige"

Matapos ang pagkain namin dumiretso na kami sa kwarto namin.

Ang dilim ng kwarto, I mean ng buong bahay dahil walang kuryente. Kanina pa nga nag rereklamo si Clare kasi lowbat na ang Iphone niya.

"tito...hanapin mo ko" si Oprah ang kasama ko sa kwarto dahil magkasama na si Clare at Netay

"haayyy nako Ornusa Patricia wala ako sa mood" sabi ko na lang kaso mapilit siya inunahan niya ko sa loob at saka siya nag tago.

Halata naman kung saan siya nag tago kasi tumunog yung lumang aparador.

"enough na Oprah..halika na rito" kahit papano pala maliwanag dahil sa mga butas ng bubong at sira ng binatana, Liwanag ng buwan tulad ng condo ko.

"halika nga rito" pumunta na ko sa aparador na katabi ng kama namin

Hindi ako kaagad nakagalaw ng buksan ko dahil may batang lalaking tumakbo palabas ng aparador na tumagos sa katawan ko

Lumingon ako at lumingon din siya wala siyang mga mata.

"BULAGA TITO!"

"AAAAHHH OPRAH!" napasigaw talaga ako ng hawakan ako ni oprah na nang galing din sa loob ng aparador

"nakita mo ba yun oprah?! nakita mo ba yun?!"

"Opo tito, siya po ba?" lumingon ulit ako kaso parang may tumakbong tao na umiiwas makita

"s-sino daw siya?"

"siya raw may ari nito" ipinakita niya sakin si Bolly the bear

"Huh?! eh diba bigay sayo yan ng mama mo?"

"Opo" inosente siyang ngumiti sa'kin

Hindi nako namamalikmata noon, sigurado ako sa nakita ko.

Sigurado ako.

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon