XXI,

1.2K 14 0
                                    

XXI,

Ikatlo

"ayos ka lang ba? nako wag mong intindihin yung mga yun...sa lugar na to wala kang dapat kilalanin at wala ka ring dapat alalahanin"

sabi sakin ng matandang kasabay ko paakyat at sa pagbili ng bakery. Maayos naman pala dito, Malinis dahil may mga helper.  May mga guard din.

"taga ikatlo ka rin pala?" sabi niya sakin

"Opo" naka smile ako sa'kanya habang naglalakad.

"Hijo, doon ako.." tinuro niya yung tumbok ng Floor.

"aaahh oh sige po salamat sa kwentuhan.." sabi ko

"Hijo, wag mo silang pansinin..yung iba dito nakikitira lang...at dito.." tinuro niya yung katabi kong kwarto.

"...hayaan mo na lang sila" sabi niya sa'kin saka siya ngumiti.

Hinayaan ko muna siyang makalakad bago ako pumasok. Papasok na dapat ako ng matanaw ko yung matandang babae..

"L-lola--" mabulol bulol ako sa sasabihin ko ng makita kong may saksak ng kutsilyo sa likod yung matanda at andoon pa rin yun.

Unti unting lumingon sa'kin ang matanda. Saka ko nakitang wala ng mga mata ang matanda at dugo ang dumadaloy sa espasyo ng mga itim niyang mata.

"AAAAAAAAAHHHHHHH"

Naramdaman ko ang pag hinga ko habang naka higa sa kama ko.

"pana ginip.." yun lang ang tangi kong nabanggit ko.

6 AM na rin pala ng umaga.

Binuksan ko ang bintana upang maka silip naman ang araw. Buti pa dito maganda ang sinag at ilaw.

Tanaw mo ang kalsada habang umiinom ng kape. Di ko pa rin malimutan yung matanda.

SSSCCCCCREEEECCCCCCHH~~

pag preno nung sasakyan sa kalsada at kitang kita ko yung babaeng nasagasaan. Hati yung katawan niya.

Napapasilip na lang ako sa bintana at ayokong lumabas man lang. Nakita kong nahati ang katawan niya. Bewang ang nahati sakanya. Pinag kaguluhan siya agad ng mga tao.

Yung iba nag usap lang.

Yung iba naman kumuha ng picture.

Sinarado ko kaagad ang bintana at mamaya kung ano pa ang makita ko.

TOK~

May naririnig akong tunog?

TOK~

Ano yun? Parang tunog ng pag katok...

Binuksan ko kaagad ang binatana. Wala na yung aksidente. wala na rin yung mga tao.

TOK~

sinarado ko ang bintana sa sobrang kaba at takot ko.

Yung tunog? galing sa...

TOK~

SA SAHIG!!

TOK~~

PALAKAS NA NG PALAKAS!!

TOK~~

lumingon ako sa likod at..

"aa--hh-" di ako maka sigaw sa sobrang takot.

Yung babaeng nasagasaan kanina papalapit sakin habang putol ang katawan at  gumagapang gamit ang mga siko niya.

Punong puno siya ng mga dugo. Nakakatakot, nalag lag ko pa yung hawak kong baso na may kape.

"s-si--"

Napapikit na lang ako ng mapunta siya sa harapan ko. Kitang kita ko ang parte ng muka niya na lasog lasog. Biyak biyak.

"AGON?!"

naramdaman ko ang pag uyog niya sa'kin.

"AGON?!!!"

lumakas ang hawak niya sa'kin

"AGOONN??!!" nagulat ako ng...

"CLARE?!" agad ko siyang niyakap. Sa takot ko kanina.

"a-ayoko na rito clare.." sabi ko saka siya umiyak. Nagyakapan lang kami ng mahigpit.

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon