Dumating ang araw ng lunes, araw na magkukunwari na naman akong bobo. Masakit pa rin kaya ang nalaman kong about kay Neon ko, nakakainis lang diba? Yung tipong wala naman akong karapatan pero heto ako nasasaktan. Hays ... ano bayan nagdadrama na naman ako. Bakit kaya ganito ang pakiramdaman ko? Ni pagausuklay tinatamad ako, pati narin sa paglalakad. Para akong lantang gulay, nakakausap ko na nga si Neon pero hindi naman ako masaya mas lalo lang ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya. Heto na ba yung sinsabi nilang broken hearted? Nakakainis lang ano? Huminga ako ng malalim, para lang akong tuod habang naglalakad kase naman ee ba't ko ba kasi naalala ang picture na yun..
Kinamot -kamot ko pa ang ulo ko kasi naman sobrang nakakainis na. May pa dabog- dabog pa ako habang pumaspasok ng room.
" Hala siya, last minute na nga dumating tapos ganyan pa".
Dinig kong sambit ni Rico.
" wala ako sa mood, wag ako"..
" Tuwing lunes ka na lang ba wala sa mood Tasha? Pansin ko lang. "
" Bahala ka mag-imagine Rico J. Puno baka nagkataon lang yun".
Natawa naman ang mga kaklse kong nakikinig sa bangayan namin.
" hala.. grabe siya.. Baka 17 palang ako. Hinambing mo pa ako senior na".
" Hindi ko tinatanong ang edad mo magkakaedad lang tayo dito ang gusto ko tigilan mo ako kung ayaw mong ihagis ko sayu yung desk ko. "..
Natakot naman siya sa banta ko kaya bigla nalang siya umupo.
" Maganda nga napaka -sadista naman".
Dinig ko pang bulong niya.
Nagpangalumbaba akong umupo sa desk ko. Hindi pa nagsisimula ang klase ay parang pagod na pagod na ako. Biglang pumasok ang teacher namin kaya natahimik yung mga kaklase ko. Naudlot pa yung pakikipagchismis ni Andrea sa akin. Binati namin ang teacher namin..
" Thank you sa pag -participate sa paglinis ng school natin. Dahil sa Wednesday ay dadating ang mga visitor natin. I need you guys to wear a complete uniform. Sa mga girls please talian niyo naman yung mga hair niyo lalo na ikaw Atasha"..
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Napanguso lang ako kasi yotoo namang sabog na sabog yung buhok ko dahil kulot ako. Staka natural na bagsak ang buhok ko di nga lang ako nagsuklay dahil tinatamad ako.
" And for the boys , haircut please.. May 2 days pa kayo para sa haircut niyo at tanggalin niyo yang mga piercing niyo. Hindi siya nakakagwapo okay?... "..
Narinig ko pa ang reklamo ng ilan sa mga classmates ko.
" Wear your complete uniform hindi yung may sari-sarili kayong uniform. Dahil magsa summer na, i didistribute na yung summer uniform niyo.
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Ramdam mo na kasi ang init ngayon. Aalis ka sa bahay ng bagong ligo, pagkarating mo naman ng school para ka ng inanakan ng sampu sa sobrang haggard.
"Popogi ba kami diyan sa bagong uniform na yan mam? "
Tanong ni Erwin sa teacher namin.. Napaphagikgik na pa yung iba puro kalokohan talaga. Napataas naman ako ng kilay sa kanya.
"May -pinagbabagayan yun Erwin depende sa mukha. Sa salamin ka na lang magtanong baka mahirapan si mam sumagot sayo"..
" HAAHAHHAHAAHHAHA"...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"..
nakita konpang pinakyuhan ako nito. Nginisihan ko lang siya, paano pulang-pula na yung mukha niya.
YOU ARE READING
Crazy Stupid Love(short Story)
Любовные романыAtasha Shin live with her evil step mother and step sister. Her father was always busy with work while her mother suddenly disappeared after she escape. She's always beating by her father when he lost all his money in gambling. Despite of that she'...