chapter 1

1K 11 0
                                    


Trigger warning: This story contains violence and profanity.

Lakad takbo ang ginawa ko papuntang school.  Para na akong aswang dahil sa buhok kong kulot na na parang dinaanan ng bagyo. Kung bakit ba naman kasi hindi tumunog ang alarm ng cellphone ko. Ayon binato ko nga yung alarm clock at wala naman pala siyang pakinabang.  Minsan nakakapagod din pala maging kabayo, dati isa akong pagong pero dahil late na ako ay nagtatransform ako. 

Ni hindi ko na nga natignan kung magkapareho ba ang pares ng medyas na nakuha ko sa cabinet. Ang importante hindi paulit -ulit ang suot kong medyas. Hehehehe. Nang sa wakas ay makarating ng classroom  ay parang pinuputol ang hininga ko. Pero masyadong exag yun kaya joke lang. Hingal na hingal talaga ako  lalot nat calculus  ang unang subject. Hindi kalang sa bilihin mapapamura pati na rin sa pinaka-hate kong subject ang calculus. Hindi ko kasi alam kung saan hahanapin ang x. Pwede bang sa alphabet ko nalang kunin yun? Pinilig ko ang ulo sa naisip.  Pumasok ako sa room at masama talaga ang tingin ng teacher ko.

"Good Morning po". Nakangisi pa ang iba kong kaklase. Idi-dirty finger ko nga sana ee kaso baka isipin niyang siya iyon hehehe.

" Ano Atasha, late nalang ba  lagi ang ambag  mo sa grades mo? tanong sa akin ng titser kong sobrang nipis ng kilay.  Kung tataas ba naman ang grades ko sa pagiging late di dapat honor student na ako.

"So.. rry..  po mam.".  Pumunta ako ng desk ko at narinig ko pang nakabungisngis na naman ang mga kaklase ko.

" sege Atasha, sorry din yung isusulat ko sa grades mo".  Naghagikhikan ang mga kaklase kong kulang sa aruga.

"Yan diyan kayo magaling sa kalokohan akala niyo naman ay kay tataas ng grades niyo ee puro naman kayo mga pasang awa."

Sermon ng bakulaw naming titser. Galit na galit na naman siya. Nang makaupo ay kunwari ko pang binuklat ang libro ko sa calculus kahit hindi ko naman alam kung saang parte na ng kalawakan ang tinuturo ni mam.  Bakit ba pinanganak akong bobo di ba pwedeng both?  Para naman mapansin naman ako ni Neon ang taas kasi ng standards.

" Hoy Tasha ano nagpuyat ka naman sa kakascroll  ng  profile ni Neon noh? "  bungad sa akin ni kimberly  .  Ang aga -aga ay nakikimarites na.

" Hindi auh slight lang hehehehe". Nagulat kami ng biglang may tumamang eraser sa mesa ko buti nalang hindi tumama sa akin. Napaangat ako ng tingin sa nakasalubong na kilay ng titser. Grabe siya kung natamaan ako non. Ang sarap niya din batuhin ng blackboard ee.

" Kayong dalawa lumabas kayo kung ayaw niyo sa klase ko" .  Sigaw samin ng teacher namin. Napayuko na lang kami sa hiya. Nakita ko pa ang kaklase kong hawak ang tiyan sa kakatawa. Tuwang -tuwa talaga siya, kabagin ka sana. Sinamaan ko pa ng tingin pero tumawa pa lalo ang loko. Nang matapos ang sunod sunod na subject ay nagsipag tayuan na ang mga kaklase ko habang si Kimberly naman ay lumapit sa akin.

" ano hindi ka ba mag lalunch? Ano diet pa rin?". tanong sa akin ni kimberly. 

" Ano pala desisyon kana ngayon?". Tumayo ako at kinuha ang bag. " Ano Marife tutunganga kalang diyan? Chat ka na naman ng chat diyan sa boyfriend mong hindi ikaw ang gusto". Si Marife yung kaibigan kong martyr harap -harapan na ngang niloloko ee mahal pa din daw. Sinamaan niya ako ng tingin. Tatawa tawa naman si kimberly  kala mo nakakarelate ee takot naman magjowa.

" pasmado talaga yang bibig mo Atasha . Ikaw nga di kinacrush back ng crush mo. ". 

" Ano ka ba no need, makita ko lang siya araw -araw ee busog na agad ako. Kita mo di ka lang ma replayan ng jowa mo pasinghot singhot kana agad diyan".

" gaga ka talaga". Hinila nito ang buhok na kakatali ko lang.

" so ano magkwekwentuhan nalang tayo dito? " sabat naman ni kimberly, babaeng talaga toh breaktime lang yata ang binabantayan. Hindi ko alam kung natutunaw pa ba ang mga kinakain niya. Paano ba naman kase kahit nagkaklase pasimple itong kumakain ng chips.  Palabas na kami ng room  , iisang direksyon lang naman ang tatahakin ng mga estudyante sa ganitong oras.

Crazy Stupid Love(short Story) Where stories live. Discover now