chapter 19

147 6 0
                                    

Tulad ng inaasahan ay puro chismis na ang naririnig ko pagkalabas pa lang clinic.. Dahil nga sikat si Neon dito sa school at maraming humahanag sa kanya.. Yung iba naniniwala, yung iba naman hindi.. Kanya-kanyang opinyon.. Pahabaan ng nguso  yung mga marites kahit uwian na.. Ganyan yan sila pag chismis mabilis, pag maglilinis naman section F.. Kung sila kaya walisin ko at mabawasan naman yung nga kalat dito sa school.. Ang kalat talaga nila ang sakit nila sa straight kong hair charot... Sinamaan ko ng tingin si Marife isa pa tong bruha na toh  , ang sarap hilahin ng nguso niya sa totoo lang.. Tumabi siya kay Kimberly  dahil alam niyang babanatan ko talaga siya..

Dapat kasi nag #factcheck muna siya  diba? Sinabi ko na sa kanya na hindi si Neon ang tatay ayun ang bruha nanaig pa rin ang kapraningan.. Oh ano siya ngayon sira ang reputasyon ng Neon ko, kawawa naman.

"Tigilan mo nga ako Atasha kaka sama ng tingin mo sa akin.. Nagsorry na nga ako duon sa tao ee "..  Si nusuklay -suklay pa nito ang buhok na nililipad ng hangin..

Hihilahin ko na sana buhok niya ng iniharang niya sa  akin si Kimberly ang bilis maka-ilag..

" Gosh Marife, yan katangahan level mo yan , tignan mo ang nangyayari sa paligid mo.. Alam mo bang pwede kang ireklamo nong tao sa paninirang puri mo sa kanya? "..  Pinanlakihan pa siya ng mata ni Andrea  at humarang pa sa dadaanan ng nga estudyante maka-eksena dun ang baklang toh.

Sumimangot lalo si Marife..

" kaya nga  nag-sorry na nga ako sa kanya ee .. "..  Parang anghel na sambit nito  kala mo di makabasag pinggan.  Namaywang pa ito ayon akala mo may ari ng daan ang mga bakla..

" Yan bakla bait baitan ka ngayon jusko dai.. Kala ko upgraded na yang pagka -marites mo  lumala pala".. Dagdag ni Andrea habang bitbit-bitbit ang bag ko.  Nagsimula na kaming humakbang pababa ng hagdan..

Ngunit Humint0 ulit  ito sa paglalakad na nakanguso pa.

"Hay naku wag mo kaming artihan, ang laking chismis ang binunyag mo sa school malay mo ba kung tinatago yun ni Bianca tapos inusplok mo, naku Marife mayaman family non mamaya i -salvage ka"..  Nakaduro pa si Andrea habang nanenermon.. Galit talaga ang reyna ng mga bakla.

Tila namutla si Marife.. Alam na niya yata yung ginawa niya ee sa kanya pa naman mismo nanggaling ang nagkalat na chismis ngayon.. Kaibigan ko ba talaga siya? Hindi niya alam ang pagiging social na pagiging marites ee noh? ..

" parang di ko naman kayo friend niyan kung pagsabihan niyo ako.. Nagsorry na nga ako ee at staka nadala lang ako ng galit ko ee"..

Nakanguso pa ring sambit niya.

Nagsipaghalakhakan namin kami kasi naman yung mukha niya para ng iiyak.. Tapang-tapang  tapos ayun paiyak na..

"Halika na ikain nalang natin toh".. Inakbayan ko ito at inakay paalis..

" YESSSS!!! " ang bilis magbago ng mood  basta pagkain.. Sabay -sabay kaming bumaba ng hagdan..


" Tasha okay kana ba? " tanong ng isang kaklase ko.  Pumantay ito sa paghakbang namin.

"Ay oo dai, yan pa ba? Panong di magiging okay agad yan ee talandi yan.. "..

Walang prenong sambit ni Andrea..

" Huh? ".. Takang tanong ni Rico..

?

" Hay naku di kaya ng utak mo Rico kaya tumabi tabi ka siyan at nakaharang ka sa daan"..  Wika ni Kimberly..

"Grabe siya"..  Nakabusangot  na sambit nito.

" Ang arte kalalaking tao"..

Mabilis kaming nakarating sa Mcdo tulad ng napag-usapan namin.. Si Kimberly ang umorder pero siyempre ako magbabayad, tulad ng dati ay ang chicken alaking na favorite ko habang sa kanila naman ay burger at fries. May spaghetti pang kasama, diba hindi sila matakaw?  Butas na naman ang bulsa ko nakakaloka sila..

Crazy Stupid Love(short Story) Where stories live. Discover now