chapter 28

122 4 0
                                    

After a weeks tulad nga ng sinabi ni Neon na manliligaw siya, lagi siyang nakaabang sa akin, kahit nga mga kaklase kong lalaki ay di na makalapit sa akin..i find it cute though kahit yung mga kabardugalan kong mga kaklase na boys ay madalas nakataas na ang kilay.. Lagi rin siyang sumasabay sa amin sa pagkain ng lunch, haba ng hair right?

Natakpan ang mga issue sa school dahil hindi naman totoong siya ang ama ng pinagbubuntis ni Bianca.. Naka homeschool ito, iba talaga pag richkid.. Kaya din naman namin yun kaso baka magtaka naman ang daddy at pagbuntungan na naman ako ng galit niya. Dahil sa sobrang trauma ko sa ama ko, pagnakikita ko pa lang siya ay nanginginig na ang buing kalamnan ko.. I can't handle screams, violence sa school dahil nag titrigger ito ng anxiety ko pero ayaw ko ipahalata iyon sa mga kaibigan ko.  Ilang weeks ng hindi umuuwi  si daddy kaya naging  payapa  ang pag-uwi ko.  Nakakausap ko rin ang abogado ni  lola pero through cellphone lang dahil maraming matang nakabantay sa kanya. Ano pa kaya kung makita ako?

Sinabi niya rin sa akin na ipagpatuloy ko daw ang ginagawa ko hanggang nasa tamang edad na ako.

After two days ago lang naging kami Ni Neon.. Patatagalin ko pa ba? Ee duon din naman ang punta yon.. Masaya ako sa kanya  bakit pa ako magpapakipot? Ayokong umabot sa mga buwan at years na ligawan nayan rapos magkakasawaan lang din naman.  Dahil sa araw -araw kong kasama si Neon ay mas nakikilala ko ito at nadidiscover ang siya na di ko alam sa pag -stalk ko lang sa kanya.  Madalas kaming nagkakausap sa cellphone pag kauwi at minsan nagugulat ako na nakaakyat n siya sa terrace ng kwarto ko. 

Pagpasok ko pa lang ng school ay nagsipag gilid na ang mga kaklase ko.. Ano na naman kaya ang paandar ng mga toh.. Mga kulang talaga sa aruga. Nalaman siguro nila na kami na ni Neon  ee two weeks pa lang nanligaw yun sa akin tapos ayun sinagot ko agad . 

"Padaanin ang may pinakamahabang buhok sa section F.. " ani Andrea na may bagong hairdo.. Nakabangs ito mukha na tuloy siyang kabayo hehehehhee, pero joke lang yun bagay naman sa kanya heheheheh..  Siguro pag malaman niya kung ano iniisip ko sa kanya baka masapak niya ako ng kabilaan. Bigla bigla pa naman siya nageevolve

"Sana all may Neon.. ".. Sigaw ng kaklase ko.

" how to be you po"..

"Pa share naman ng  gamot mong gamit"..

" anong gayuma gamit mo Tasha "..

" wow sana all  may jowa ng section A. "..

" hingian mong copy sa exam"..

"Oo nga para perfect score"..

"#dream come true"..

" prayer reveal naman diyan. "..

Mga peste.

Pinaikutan ko sila ng mata at pinakyuhan ko  sila isa isa. Mga walang hiya paano nila nasasabi ang ganong bagay? Paano nila nasasabing ginayuma ko si Neon ko? Hehehehe..Wala ba silang tiwala sa charm ko? Mga mahihinang nilalang.... pinakyuhan ko  rin ang  isa kong kaklase ng nasa tabi ng pintuan ng maaninag ko si  Neon na nakapamulsa at nakasandal sa pintuan namin.. Nakatutok sa kanya ang daliri ko  , sa pagkakaalam ko kasi  Melvin yung nanduon ang balahura kong kaklase.. Medyo naman ako pero malay ko ba na nanduon pala siya heheheheh...

Agad ko namang binaba ang kamay ko at itinago iyon sa likod ko at tumikhim.. Nagsipaghagikgikan naman ang mga kaklase ko, yung iba naman ay hawakhawak pa ang tiyan sa sobrang kakatawa.. May ibang naluluha pa.. Tumatagos kasi ang tingin sa akin ni Neon kaya napakamot ako sa ulo.. Sorry na po tao lang at nagkakamali din..

Hagikgikan ang mga demonyeta kong mga kaibigan.. Lalo ko silang sinamaan ng tingin pero mas lalong lumAkas ang pagtawa nila.. Di ko pa naibaba ang backpack ko pero lumapit na lang ako kay Neon.. Hindi ako makatingin ng deristso sa kanya.. Shackss ang freshness ba naman kasi niya ngayon hehehehehe..

Crazy Stupid Love(short Story) Where stories live. Discover now