chapter 22

136 6 0
                                    

Ilang linggo ng matapos tumawag si Neon at hindi na nasundan iyon. Two weeks akong lutang kahit sa practice pero mabilis ko naman makuha iyon dahil nga rin sa nakahiligan ko.. Two weeks na rin ang nakalipas ng mag-usap sina Tanya at Marife, siyempre mahabang paliwanagan iyon sa dalawang marites sa tabi ko. Mas naging close sa amin si Tanya at palagi siyang sumasama sa mga gimik namin. Akala ko nga kontrabida siya sa buhay ko yun pala defense mechanism niya lang iyon. Madaldal din siya at duon ko nakita ang ibang side niya kaya pagmagkasama kaming lima kulang nalang ukupahin namin ang daan. Mabilis ding lumipas ang mga rumors sa paligid, hindi ko alam kong anong nangyari pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Napabuntong hininga ako, hindi ko nga lang mabilang kung pang -ilan na iyon. Nandito kami ngayon sa covered court at nagpa-practice. Sa makalawa na ang runway kaya puspusan talaga ang paghahanda. Dahil nga sa sabi -sabing mga kilalang mga panauhin daw ang pupunta. Yung iba naman sa mga college student ay nagdedecorate ng stage. Final practice namin ngayon kaya rest namin bukas, beauty rest nga daw. Sana naman maging maayos na ang lahat.

Umupo kami sa hagdan ng covered court. Excited ako na kinakabahan, kinuha ko ang bottled water na nasa tabi ko at binuksan ang takip iyon at staka ininom. Yung iba kong classmates ay pinagtatanggal ang heels na suot. Once in a lifetime opportunity lang ito kaya hindi dapat pinapalampas. Siguro naman ay hindi makakarating ito kay papa dahil school event naman ito at wala itong pakialam sa akin.

"Nakakapagod pa la ang pagmomodel na ito , nakakangawit".. Rinig kong wila ni Rica at sumalampak sa dulo ng hagdan at staka hinubad ang high heels na suot. May pa ka chinita itong si Rica at matangkad din. Kung titignan sa section F may isa ito sa pinakamagandang mukha. Yun nga lang mag pa ka kitikiti ito. Kaya kami nababansagang ganda lang ang ambag ee puro may depekto ang mga utak namin lahat hehehehehe.

" Pero aminin mo dai nakakaexcite diba? ".. Malawak na ngiti ni Andrea.

" ay sa true baks, excited na akong pumunta sa atage tapos puno yung crowd. Is that exciting? "

"Gaga binalik mo lang sa akin ang tanong ko "..

Sabay na humalakhak ang dalawa parang mga aning. Magkakasundo talaga ang mga kabaliwan nila.

Habang ako wala sa mood kasi yung taong inaasahan ko ang dalawang linggo ng walang paramdam. Muli akong bumuntong hininga. Paano kahit saan ako tumingin mukha ni Neon ang nakikita ko. Kahit pagpikit yata ay naalala ko ang gwapo niyang mukha.. Sana wag naman pati sa bowl diba? Muli akong bumuntong hininga at kinuha ang cellphone na nakatabi sa aking bag.

Binuksan ko ang messenger at nakitang online ito pero hindi man lang na seseen Nakailang backread na rin yata ako. Nakailang message na ako pero kahit okay ay wala man lang message.. Muli akong bumuntong hininga. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang aking nararamdaman. Kailangan ko na rin yatang mag -upgrade pwede bang unlove na lang? Nakakapagod din kaya maging aso . Nakakapagos na mag -evolve. Baka mamaya maging linta na rin ako sa sobrang kabaliwan ko sa kanya. Sino ba namang kasing hindi, diba? Aminin man natin o hindi may isa talagang taong hahanap hanapin ng puso natin.. Feeling ko ngayon ko na naiintindihan ang nararamdaman ni Marife. Pwede bang i search na lang sa google how to unlove a person? Baka isagot sa akin.

Manigas ka.

Asa ka.

Magdusa ka.

Marupok ee.

Muli akong napabuntong hininga sa naisip.

" wow huh, daig mo pa yung may sampung anak kung makabuntong hininga ka diyan".. Kinuha ni Kimberly ang mineral water na nangangalahati na sa kamay ko.. Mabilis niya itong tinungga. "Ano si Neon pa rin? Ba't hindi mo kasi tawagan o i chat ".. Sabay kalkal ng tissue at pinunas sa mukha ko.

Crazy Stupid Love(short Story) Where stories live. Discover now