Pagkatapos kumain ay di parin mawala ang inis ko. Kahit ako mismo ay naiinis sa sarili ko kung bakit inis na inis ako sa katawagan niya na bigla nagpabago ng mood niya. Naiinis ako kahit hindi ko alam kung sino yun. Kailan pa ako naging selfish ng ganito?
"Ahhhhh"..
Ginulo gulo ko ang buhok ko dahil sa frustration na nararamdaman. Alam ko wala akong karapatan pero tao ako na nakakaramdam ng selos..selos na walang basihan, selos na hindi naman pwede.
Selos? Paano pala kung lalaki iyon o di kaya sanggano. Muli kong pinilig ang ulo.. Nakakabaliw pala talaga ang ganitong pakiramdam. " oh my gosh Atasha kailan ka pa nag-inarte ng ganito? Ano jowa lang ganon? Nagseselos? Mahiya ka naman sa katawang lupa mo"..mahina kong sambit sa sarili .
Nakaramdam ako ng paglubog ng sofa hudyat na umupo ito sa tabi ko. Huminga ako malalim dahil muling sumilay ang kaba ko sa dibdib... Ang ganda ganda ng view ng bahay na ito pero dagil sa pag-iinarte ko ay di ko ma-appreciate ngayon ang nakikita ko.
Napatingin ako sa katabi ko na natahimik na nakamasid sa akin. Siguro na we -werduhan na siya sa akin. Naka itim na plain tshirt na lang ito at gwapong -gwapo sa suot niya ngayon. Ano pa kaya kung wala siyang suot edi mas lalaong gwapo siya hehehehehe.
" uwi na ba tayo? ".. Mahina kong sabi.
Muli itong tumitig pero blangko na ngayon ang tingin na pinupukol sa akin. Tumango ito at tumayo at sabay na binitbit ang mga gamit ko. Ngayon ay bumalik na naman ang suplado niyang mukha. Signature niya yan ee, baka kasi may lakad pa siya kaya madaling madali siya na makauwi ako. Nakakaabala na yata ako, muling nabuhay ang lungkot sa puso ko. Kani-kanina lang ay ang saya -saya ko ngayon naman ay para akong batang nagmamaktol dahil naagawan ng candy. Tama nga ang sabi-sabi pag sobrang saya, andiyan agad ang kasunod na lungkot.
Pinapanuod ko lang siyang ipasok ang mga gamit ko sa kotse niya. Bakit pa niya ako pinapunta dito kung ngayong nagmamdali siya..? Ano yun? Mukha na ba akong gutom na gutom kaya pinakain niya lang ako dito?
Binuksan niya ang pinto sa front seat pero hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Suplado pero gentleman parin naman, galit dapat ako diba? Pero heto ako pinupuri ko parin siya sa isip ko. Ang rupok ko day...
Habang nasa byahe kami ay walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa labas habang siya naman ay seryosong nagmamaneho ng kotse niya. Naririnig ko pa ang madalas na pagbuntong hininga nito. Nakahaba lang ang nguso ko dahil sa pagkakahuli ko sa kanya na nakamasid sa akin. Feeling ko may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip lang siyang magsalita.
Wala naman dapat ako ikagalit pero ewan ko ba hindi ko mapigilan ang sarili. Nagfefeeling maganda lang naman ako dahil na surprise ako sa ginawa niya kanina at mali din na nag-expect ako ng sobra dahil lang sa mis na miss ko siya at dahil din umasa ako sa mga salita niya. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at duon ko na lang tinuon ang atensyon ko sa labas kahit hindi ko masyado maaninag ang paligid.
Kanina gandang ganda ako sa view, sobrang na appreciate ko ang kalikasan.. Kahit sigyro mga tuyong dahon kanina gandang ganda ako.. Kahit may madaan kaming kanal baka bangong bango pa ako pero ngayon ay lahat ng sigla ko natulog sa katawang lupa.. Nahihiya na sila sa sobrang pagkainarte ko na kahit walang label ee nagmamaktol ako.
" ayyyy peste ka!!!!!! "..
Pasigaw kong sambit ng nag-preno bigla ang sasakyan. Huminto kasi ito sa kalagitnaan ng daan. Nagulat naman kasi ako sa layo na ng narating ng isip ko . Hindi ko alam kung saan na umabot pero tiyak makakapunta na naman akong mars sa dami ng iniisip ko. Napabaling ako sa kanya habang hawak -hawak pa rin ang dibdib sa kaba. Nagpalinga -linga ako sa paligid dahil baka may nasagasaan kaming engkanto, kapri, aswang at kung anu-anong lamang lupa. Pero mukhang wala naman dahil kalmado naman ang katabi ko at nakakunot pa rin ang nuo. Pinaglihi kaya siya sa kunot ng nuo ng nanay niya?
YOU ARE READING
Crazy Stupid Love(short Story)
RomanceAtasha Shin live with her evil step mother and step sister. Her father was always busy with work while her mother suddenly disappeared after she escape. She's always beating by her father when he lost all his money in gambling. Despite of that she'...