chapter 15

248 8 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok, hindi na rin ako dumaan sa kabilang hallway.. Wala na rin namang dahilan para dumaan ako duon at  wala ding dahilan para iwasan ko si Neon..  Parang dream come true diba? Di ko aakalain na darating ang araw na magugustuhan din ako ni Neon..  Feeling ko talaga magpapa tarpaulin na talaga ako ng mukha niya.  Pakanta -kanta pa ako habang naglalakad sa hallway.. Siyempre good mood kaya ako today hehehehehe..

Dahil una si Neon ang dahilan.

Pangalawa si Neon pa rin ang dahilan.

At pangatlo siyempre si Neon parin ang dahilan..

Hehehehehe..

Wag na kayong magtanong kung may pang-apat dahil  alam niyo naman na ang sagot hehehehhe..  Hay  feeling ko talaga ang saya-saya ko today, feeling ko nginingitian ako ng lahat ng madadaanan ko kahit ang ilan sa kanila ay mga inggitera lang naman... Kita mo yan yang iba nakataas pa ang kilay ee fake lang naman.

Hindi na tuloy ako makapaghintay sa lunch break.. Pero kailangan ko munang sabihin sa mga kaibigan ko baka magulat naman sila.. Sasabay kaya siya sa amin o kaming dalawa lang? Pero okay na kahit ano hehehehehe...  Ano kaya magiging reaction ng mga kaibigan ko? Naiimagine ko palang parang mag world war 3 na pero Exxagerated naman masyado heheheh..

"Wow parang ang ganda ng gising ng impakta"..

Bungad sa akin ni  Andrea..

" Medyo  ikaw ba hindi? "...

" Medyo pa ba sa lagay na yan ee kanina pa kita tinatawag pero para ka lang tanga na  pangiti -ngiti habang naglakakad.. Pakanta -kanta pa parang tanga lang... "

"
Naku hula ko hindi maganda almusal mo"..

" Naku bakla naimbyerna ako"..

Hindi siguro nakapagkilay kaya bad  mood na naman ang bakla. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa hallway papuntang room namin..

" oh? Anyari ba? Ang aga-aga nakahaba ang nguso mo. "

" kasi naman dai.... Remember  yung  ni indiana jones ko? Kung anuanung pinagsasabi sa akin sa messenger, tapos sa iba ko pang social media account.  Tapos nagpadala pa sa bahay ng kadiring stuff.... Ang scary niya dai.. So freak"..

Niyakap pa nito ang sarili.. Mukhang nakakatakot nga..

" Huh? Paano niya naman nalaman  kung saan ka nakatira, binigyan mo ba siya ng ibang information  ? "..

" Know of course, babakla -bakla ako pero alam ko yung limit ko noh... "..

" so ibig sabihin ay kilala ka niya personally, may galit sayo or baka nandito lang din yun sa school "....

" naisip ko nga rin yan dai  , humanda sa akin yun gugutay-gutayin ko yang katawan niya "...

" parang mas natatakot pa ako sayo kesa sa kanya"...

"  Diba? Alam mong ayoko sa lahat ay naiistress ang beauty ko by the way bat nga pala dito ka dumaan? "..

" dahil ito ang mas pinakamalapit na daan? "

"Hindi yun bruhilda ka may hindi ka sinasabi sa amin ee "..

" Hehehehehe... "..

" para kang tanga diyan , ano nga... "...

Kwenento ko sa kanya ang  nangyari  kahapon at mga pinag-usapan namin detailed by detailed..

" talaga?!!! "..

" oo nga "..

" talagang -talaga ? "..

" OO nga, kahit ako hindi pa rin makapaniwala ngayon bakla"...

Crazy Stupid Love(short Story) Where stories live. Discover now