chapter 32

100 5 0
                                    

Halos di ko na marinig ang ingay na nanggagaling sa sala. Mas nangingibabaw kasi ang kabog ng tibok ng puso ko . Dahan-dahan akong umakyat papuntang kwarto ko . Sana pala duon na lang ako dumaan sa terrace pero baka mahuli naman ako mahirap na..

Kung pwede lang maging invisible ,sana nga ganon na lang. Kinagat ko ang ibabang labi ko para maibsan ang kabang nararamdaman. Nalalasahan ko na nga ang dugo sa sobrang kaba ,malayo naman yun sa bituka ,puso at apdo ,isama mo na ang kidney ko pati ngala-ngala.

Nagpapasalamat ako dahil busy sila sa masinsinang pag-uusap nila kaya di nila ako napansin hehehehehe..Gusto ko awardan ang sarili ko. Matagal kong hindi nakita si daddy pero sana hindi na lang siya bumalik. Nagkakaroon kasi ako ng peace of mind .

Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa malambot kong kutson..Nakakahinga na rin ako ng maluwag .  Duon ko lang naramdaman ang pagod at sakit katawan pati ulo. Nakakapagod pala ang araw na ito pero hindi iyon ang dahilan.  Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko para tignan kung may message si Neon pero mas nauna pang magtext ang smart sa akin.

Buti pa siya updated. Pero I fully understand naman na mas kailangan siya ni Bianca .

Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong makatulog para maibsan ang sama ng pakiramdam ko.

Napamulat ako at kinapa ang cellphone na pinagmulan ng pag-vibrate. Pinindot ko ang button ng hindi tinitignan ko sino ang sa kabilang linya.

" I'm sorry"...

Rinig ko sa kabilang linya. Para siyang pagod sa paraan ng pagsasalita niya.

"I want to spend more time with you but ito pa ang nangyari"..

Nakikinig lang ako sa bosses niya. Nakakarelax parang nawawala lahat ng mga alalahanin ko sa buhay. Parang lahat ng sakit sa katawan ko ay umurong. Hindi yata paracetamol ang kailangan ko kundi Neoncetamol hehehehhe...

"Can I see you tomorrow?"..

Napangiti ako, siyempre gustong-gusto ko. Kahit gaano ako ka abala ay gagawa ako ng paraan makasama kita.

Gusto ko yung isatinig sa kanya kaya lang ayoko naman makaramdam siya ng pressure dahil sa akin. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Sa tingin ko kasi he felt pressure kung sasabihin kong gustong-gusto ko siyang makasama pero dahil sa madami siyang iniisip about sa family niya ,isinantabi ko muna.

I sigh.

Ang serious masyado ng iniisip ko ,parang hindi bagay sa akin.

"Yeah ,see you tomorrow , are you tired? It sounds like your tired".

I heard him sigh. Nahahawa na yata siya sa akin.

"Are you okay ? "..

Kanina hindi ngayon magaling na magaling na hehehehe..

"Sorry kung nakadagdag ako...."

"Stop it Atasha."

He cut me off.

"You never be a burden to me. Is that what you trying to say?"

I chuckled.

" Di mo sinabi na may lahi ka pala ni Madam Auring , ka anu -ano mo siya? Akala ko kasi  dati gwapo ka lang"..

I heard him laugh and that's good. Di ko alam na kilala niya pala si Madam Auring.  Ni understimate ko yata siya hehehehe.

"You really light up my day, thank you for coming into my life"..

Crazy Stupid Love(short Story) Where stories live. Discover now