" Dai mauna na ako duon kasi baka bigla dumami ang tao ,hayaan mo na ang bruha na yan. Di naman siguro ikaw ang pinunta dito"..
Di na ako hinintay ni Kimberly at bigla ito tumakbo papunta kay manong. Kaya binilisan ko din ang lakad ,kanina ko pa sinasabi mga bi ,gutom na talaga ang alaga ko sa tiyan. Ang dami kasi sinasabi ng teacher namin kanina , hindi lecture huh? Kundi sermon ang bungad niya sa amin. Bakit daw ganito yung test , ganyan . Ba't niya pa tinatanong ? Matatalino nga kami ee . Kaya ayun nagutom ako sa haba ng tinuro niya sa amin..
Deadma ko si Bianca ,di naman siya makakatulong sa nararamdaman kong gutom. At staka kahit alam ko ang nagyari sa kanya ,di naman kami close para makipagchismisan ako sa kanya. Di pa nga ako nakalapit ee umaasim na agad ang mukha niya. Lalampasan ko sana siya ng bigla nitong hinila ang kamay ko at binitawan din ng makuha niya ang atensiyon ko.
Ang galing niya noh? Yung pagbitaw niya kasi sa akin ay kala mo may kung ano akong virus sa katawan ee mas maganda pa nga kutis ko sa kanya kung wala lang mga pasa hehehehe...Napansin ko rin na may nakaabang na car na medyo malapit sa kanya..
Edi wow siya na may car..
Napabaling ako sa kanya at tinignan siya ng nagtataka. Siya naman ay masama kung tumitig sa akin. Siya na nga tong nanghablot siya pa may gana magalit ..Ganito ba talaga pagbuntis? Hirap spelingen ng mood.
Humarap ako sa kanya habang hawak hawak ang phone ko. Ngayong nasa malapitan ay kitang -kita ko na ang eyebags nito sa mukha. Mukha nga siyang stress pero nakuha niya pa ring tarayan ako.. kaya walang duda nature niya na talaga ang ganito.. kung hindi lang siya buntis baka bumaliktad na yung ulo niya patalikod ...char lang hehehehehe...
"Anong problema mo?".. Nainis ako kaya pataray ko na siyang tinanong. Ano nga ba naman ang problema niya at bigla bigla nq lang siya manghihila ng braso? Hindi naman kami close para kausapin niya ako.
Dahil medyo nasa kalayuan ang waiting shed sa gate ng school ay kunti lang ang estudyanteng dumadaan dito. May mangilan ngilan na dumadaan pero wala naman pakialam sa amin.. Siguro mga ibang year level .Yung dalawa lang talaga kanina ay mga section C yun kasi mahahaba nguso nila..
Basta section C kasi mahaba ang nguso alam niyo na ang ibig sabihin non.
"Nasaan si Neon?".. mataray niyang tanong sa akin.
"Bakit mo sa akin tinatanong? Di ba nakakausap mo siya? Ba't di siya ang tanungin mo? Basta-basta ka na lang manghihila ng braso para lang tanungin ako niyan? Gusto mo bang hanapin ko siya sa bag ko?"..
Pabalang kong sagot . Lalong kumunot ang nuo niya.
"At bakit naman hindi ee lagi ka nga nakabuntot sa kanya ,kulang na lang itali mo ang sarili mo sa kanya. Halos lahat sa campus alam na alam kung paano mo landiin si Neon"..
"And so? Ano ba pakialam mo sa amin? Sa amin ng BOYFRIEND ko? Kasalanan ko bang nagpalandi din siya sa tulad ko? "..
Diniinan ko talaga ang word na boyfriend para naman magets niya na hindi lang ako basta nakabuntot kay Neon. Naawa ako sa sitwasyon niya pero ngayon binabawi ko na.
Hindi parin kasi siya nagbabago . Mas lalo pa yatang lumala ngayon. Pinipigilan ko pa nga yung bunganga ko ee kumbaga 1/4 pa lang yung mga sinasabi ko sa kanya hehehehhe...
" Boyfriend? Ee ikaw lang naman pilit ng pilit ng sarili mo sa kanya. Baka ginamitan mo lang siya ng medicine kaya pinatulan ka"..
"Paulit -ulit ka rin ee noh? Anong medicine? Gayuma yun arte mo!! Hanapin mo yung BOYFRIEND ko duon wag ako yung bwinebweset mo. At staka Pakialam mo ba? Para kang sirang plaka. May sasabihin ka paba? Sinasayang mo ang precious time ko!"..
YOU ARE READING
Crazy Stupid Love(short Story)
Любовные романыAtasha Shin live with her evil step mother and step sister. Her father was always busy with work while her mother suddenly disappeared after she escape. She's always beating by her father when he lost all his money in gambling. Despite of that she'...