chapter 23

121 5 0
                                    

Hays... Nakakapagod, buti na lang masaya.. Naglinis lang ako ng katawan at sumalampak sa higaan. Niyakap ko yung dalawang unan ng may kumatok sa pinto. Hindi iyon si Papa kaya tiyak akong si Tanya iyon. Ano na naman kaya ang trip ng babaeng iyon? . Ilang linggo ko na ding hindi nakikita si Tita.  Pero mas better peaceful ang buhay pag di ko nakikita ang pagmumukha niya heheheehehe.. Sana tamaan din siya ng himala para baka sakaling bumait bait din siya baka sakaling maging maganda pa aiya sa paningin ko kahit slight lang diba?

"It's open".. Sigaw ko, bigla namang bumukas ang pinto. Dumungaw sa akin ang mukha ni Tanya at gulo -gulo ang buhok nito. Ano na naman kaya ang pinaggagawa ng babaeng toh?

" Shin, dito muna ako buksan natin yung pinto papuntang terrace mo heheheheh"... Hindi pa ako nakapagsalita ay nauna na siyang pumunta duon.. Habang ako nakadapa at nakadantay sa aking makapal na unan. "Pwede bang magpalit nalang tayo ng kwarto? Total sayu naman yun ee heheeheh".. Sinamaan ko siya ng tingin at humagikgik lang ito..

" Talian mo nga yang buhok mo, sabog na sabog na yan oh, pakilock na rin ng pinto inaantok ako"..

Umupo ito sa sahig at nilapag ang mga libro duon at nagsimula na namang magkamot ng ulo..

"Na lock ko na yun at staka walang papasok sa atin dito.. Tayo lang kaya yung nandito".. Bigla itong bumuntong hininga.

" Ano ba yan, pupunta ka lang dito para magkamot o di kaya bumuntong hininga ".. Humikab ako at lalong niyakap ang unan. Hinayaan ko ang cellphone kong mahulog sa sahig. Wala namang silbi, napapagod lang ako kaka backread tapos mang stalk.. Tag natin ang tropa nating marupok.

Muli itong bumuntong hininga at lumapit ng pwesto palapit sa akin.

" Shin pwede magtanong? Hehehehe".. Nakadekwadrong umupo ito sa sahig.

Inihilig ko ang ulo sa unan at staka dumungaw sa kanya.

"Ano na naman yun? Iniistorbo mo ang masarap kong pagkakahiga". Muli akong humikab at kinusot ang mata.

" hmmmmm, ".. Seryoso itong tumingin sa akin. " medyo personal ang i ask ko sayo huh? But if your not comfortable, you can say no okay? I'm just curious lang naman".. Mahaba niyang paliwanag, nabuhay naman ang pagkakusyusidad ko sa gusto niyang itanong.

Nakita ko pa ang pag-alinlangan niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.. Masisipa ko talaga siya pag ganito curious din ako. Tulad ng sinabi ko ay madalas na siyang tumatambay dito sa kwarto ko. Malambing siya, minsan may pakasumpungin. Ngayon ko siya nakilala ng husto ng lagi na siyang sumasabay sa circle of friends ko.

Hindi rin naikwento ni Marife kong anong napag-usapan nila at kung paano sila nagkabati.. Magkakaibigan nga kami pero siyempre ni rerespect din namin ang desisyon ng bawat isa. Ang importante sa amin okay na siya.

"Ba't ka nagpapanggap na mangmang? I mean na bobo ".. Nawala ang antok ko sa tanong niya kayq pinangunutan ko siya ng nuo.

" Ano naman ang ibig mong sabihin duon na matalino ako? .. I fake a laugh.. "San mo ba nakukuha yang mga ganyang bagay, kaka drama mo yan noh? ".. Nagkamot lang ito sa ulo.

" Para ka namang sira ee, siyempre nakita ko yung mga awards mo sa taas ng cabinet naiwan mo yata duon.. Mga academics awards yun imposible namang di sayu yun ee ang laki ng name mo duon.. Wag mong sabihin dahil sa mga friends mo".. Hindi yun ang reason, gusto ko yung sabihin sa kanya pero hangga't wala siyang alam hindi siya madadamay sa galit ni Papa. At baka masabi pa niya sa mama niya..

Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan pero mabuti na yung nag-iingat.Ang gusto ko lang isipin ni Papa ay hindi ako interesado sa kompanyang iniwan sa akin ni lola.  Nong nakatakas si Mama ay kabilin bilinan niyang magpanggap akong walang alam at mangmang para sa kaligtasan ko. Hindi ko man maintindihan pero sinunod ko parin ang gusto niya. Ngayong napapamulat na ako sa mundo ay naiintindihan ko na kung bakit iyon binilin ni Mama . Sakim si Papa sa pera dahil ako mismo saksi sa ugali na mayroon ang papa ko.

Crazy Stupid Love(short Story) Where stories live. Discover now