Sabay-sabay kami na pumasok . Napaaga kami masyado sa room.. Paano ba naman ang lakas naman humilik ni Andrea kahit nasa baba siya nakahiga rinig na rinig pa rin namin ang hilik niya.
"Wow dai ano paputian ng legs? Gusto ko din ng ganyang uniform ee pwede kayang palit tayo huhuhu"...
Ani Andrea..
" Ba't mo sa akin tinatanong baks? Mukha ba akong principal? ".
" Ay malabo dai, ung utak mo ga munggo lang. "
Maka munggo naman toh. Buti nga sakin mongo pa sa kanya sesame seed..hehehehhe...
Start na kasi yung pagsuot namin ng summer uniform .. Light Yellow na blouse na may blue design sa magkabilang gilid may bulsa ito sa kaliwang bahagi at may ribbon sa gitna , naka-tuck in ito sa skirt namin na above the knee pero depende sa tangkad mo kasi umaakyat pa yung palda.. Pwede mag stockings, medyas na mahaba pwede ding hindi mag - cycling ka nga lang. Yun nga ang ginawa ko ang init kaya noh.. Parehas kami ni Marife na hindi na stockings pero si kimberly nagsuot ng medyas.. Fashion pa rin daw kahit pinagpapawisan na yung legs niya.
" Wow Atasha upgraded? Sana all naka rebond"..
Maya said. Bagay na bagay sa kanya ang uniform, ang cute niya tignan hehehehe.. Sabi ko sa inyo ee halos lahat dito sa section F ay napupunta ang magaganda kasi nga daw ganda lang ang ambag.. Puro paganda lang daw kami, hindi naman noh Fashion kasi yun palibhasa puro malalaking salamin lang ang alam nilang fashion hehehehe..
" Bagay ba sa kanya Maya? Ang galing ko noh"..
Nakita kong nagpalobo pa ng ilong si Kimberly kaya natawa ako.
"Ano kinuha lahat ng credit baks? Wag ganon. ".
Wika ni kimberly.
" ay diyan ka pala Ginang kim, napagod ka rin pala sa kakasuklay kagabi "..
" HAHAHAHAHA"
Tawa namin ni Marife.
" wow tumatawa ang dalawang broken"..
"Wow hintayin mo pag na inlab ka dai tignan natin kung hindi rin masira yang pagmumukha mo"..
" No way ".. Napaka bitter, may panginig -nginig pang nalalaman.
Para itong nandiri ng magsalita.
.After a days sinasadya kong iwasan si Neon tulad nga ng bagong rebond kong buhok ay dapat bagong buhay na din ako.. Kahit malayo papuntang canteen ay umiikot ako ng ibang way wag lang makadaan sa room ni Neon.. Kumakain din kami sa labas ng mga kaibigan ko dahil may alam naman kaming karenderya.. Una ayaw sumama ni kimberly pero nong natikman niya yung luto ay siya na ang nagyaya sa amin.. Richkid kasi ang babaeng yan di lang halata hehehehehe.. Katulad kong richkid pero hindi mahawakan ang sariling pera.. Magtataka kasi ang ama ko kung saan ako kumukuha ng pera kong gagastos ako ng bongga.
Minsan nadadaanan ko pa siya pero agad ako nagtatago wag niya lang ako makita.. Para akong eng-eng diba? Nakatingin ito sa malayo, Minsan palinga-linga pa ito, malungkot yung mata , pareho kaming nasasaktan at hindi ko siya madadamayan. Dahil masakit din sa akin na nasasaktan siya pero iba yung dahilan. Pero ano nga ba ang karapatan ko para mag-inarte ng ganito? Sinabi niya lang sa akin na hinahanap -hanap niya ako o ang presensiya ko pero wala namang patutunguhan iyon.. Para siyang bituin mahirap abutin,..
Pinatawag kaming lahat sa covered court dahil may I aanounce daw sa aming Senior high School, dati nagdidiwang ako pag -ganitong pinapatawag kami lahat kasi walang pasok tapos makikita ko pa si Neon. At boboysitin ko na naman siya. .. Masaya pa ako dati sa ganon nong hindi ko pa maamin sa sarili ko na nahuhulog na ako sa sarili kong bitag. Nagpasya kaming mga section F na sabay-sabay ng magtungo sa covered court.. Habang patungo duon naisipin pa nilang mag tren.. Diba?? Ang galing nila? Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante. Yung iba nakikisaya sa amin, samantalang may mga anti-social na para daw kaming mga bata... Masyado nilang ini-istress sarili nila....
YOU ARE READING
Crazy Stupid Love(short Story)
RomantikAtasha Shin live with her evil step mother and step sister. Her father was always busy with work while her mother suddenly disappeared after she escape. She's always beating by her father when he lost all his money in gambling. Despite of that she'...