Chapter 16

341 36 12
                                        



"Anak?????? Gising ka na????"

"Anak andito si Mama... Nak...."

Hinanap ko kaagad ang boses ni mama at sinubukang itaas ang isa kong kamay upang hanapin siya at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang mainit na palad niya na humawak ng mahigpit sa aking kamay.

Ramdam ko ang marahan niyang paghaplos sa aking ulo.

"Ma.... Mama..."

Tawag ko saka unti unting minulat ang aking mata habang umiiyak nnag dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking buong katawan.

"Ma... D-Di ako m-makahinga."



"Maam, tabi lang po..."

Boses ng isang babae saka ito nagmadaling isinuot sa akin ang mask upang ako ay makahinga.

Doon na ako naghabol ng hininga.

"Miss, dahan dahan lang ah. Dahan dahan lang ang paghinga."

Tumango ako saka sinunod ng sinabi ng nurse.

Maya maya ay kumalma na ako at doon na luminaw ang paningin ko.

Nakita ko si Mama n umiiyak sa tabi ko habang sinasambit ang isang dasal.

Nang matapos siya ay saka ko na sinubukang magsalita.

"Mama, anong nangyari...."

"Nak, naaksidente kayo ni Krisha. Nabangga yung sinasakyang niyong tricycle pauwi."

Nang mabanggut yun ni Mama ay doon na sumagi lahat sa isip ko.

Bumalik sa akin yung gabing naaksidente kami.

Lahat nang nangyari doon.

Pati na ang lalake.

"Ma..."

"Anak teka wag ka munang tumayo--"

"Ma... Si Krisha Ma... Nasaan siya?? Ligtas ba siya????

Noon ay tumango si Mama saka ako dahan dahang inalalayang makahiga.

"Oo anak, ligtas siya... Tanging sugat lamang sa ulo ang natamo niya at ngayon inoobserbahan pa. Ganun din yun driver anak."

"Nagtataka nga ang mga doctor dahil ikaw lamang ang napuruhan. Nabali ang isa sa mga tadyang mo kaya ngayon ay nahihirapan kang huminga."

Napapikit ako nang marinig yun. Hindi na baleng napuruhan ako. Basta alam kong ligtas si Krisha at ang driver.

Dahil hindi ko mapapatawad ang mga iyon kung sakaling may nasawi na isa sa kanila.

"Mabuti pa magpahinga ka muna ha? Wag ka munang mag-alala "








"Hindi raw maipaliwanag ng nga pulis kung papanong nabangga sila gayong wala namang bakas ng kabanggang sasakyan sa lugar."

"Ang sabi baka raw sa ismng poste pero masyadong malayo ang pagitan ng poste sa pinangyarihan ng aksidente."

"Kung ganun ano ba talagang nangyari?"

Boses iyon ni nanay.

"Basta ang sabi ni Krisha may kung anong bumangga raw sa kanila, yun lang ang naaalala niya dahil nawalan na siya ng malay. Ganun rin ang kwento ng driver. Ngayon si Amaya na lamang ang hinihintay na magbigay ng statement."

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon