Chapter 17

228 25 3
                                        

Makalipas ang ilang araw, bumalik muli sa normal ang lahat.

Ngunit naging mas maingat na ako.

Nagsimula na rin kaming mag-aral sa kolehiyo Krisha.



Sabado ngayon at buong araw lamang ako nasa bahay at gumagawa ng gawaing oang eskwelahan.

Gabi na nang mabulabog kami ng sunod sunod na pagkatok sa aming pinto kaya kaagad akong bumangon sa higaaan at nakasalubong ang aking ina na ganun rin ang pagtataka.

"Ma ako na."

Bago ko pagbuksan ang kung sino na nasa labas ay nagtanong muna ako.

"Sino ho sila?"

"Cecilia! Si Ka Semion ito. Pwede bang pagbuksan mo kami ng pinto???"

Nang marining ni mama ang pangalang yun ay kaagad niyang binuksan ang pinto at bumungad sa amin ang matanda at sa likuran niya ay isang ale na may yakap yakap na dalagita sa kanyang mga bisig na namumutla at nanghihina.

Noon ay napangiwi ako sa umaalingasaw na mabahong amoy, hindi ko alam kung saan nanggagaling pero ramdam ko ang bigat ng ulo ko habang nakatitig sa dalaga.

Kulam?



"Ka Semion?? Anong nangyari? Sino sila? At anong kailangan niyo??

"Cecilia, pasensya ka na pero kailangan ko ng tulong mo. Ang ina mo lang ang may kakayahang manggamot sa ganito kalakas na kulam."

Kaagad na napatingin ako sa dalaga. Kung ganun tama nga ako.

"Ka Semion, hindi mo pa ba alam? Pumanaw na ang ina ko."

"Oo alam ko, pero imposibleng wala siyang napasahan ng kakayahan niyang manggamot."

"Parang awa niyo na ho, tulungan niyo ang anak ko. Nagmamakaawa po ako."

Sabi ng Ale na halos ay lumuhod na sa harap namin kaya kaagad akong lumapit rito at tinulungan silang makapasok ng bahay.

"Pasensya na pero hindi ko namana sa kanya ang kaalaman niya. Wala ho akong kakayahan."

Noo'y napatingin sa akin ang matanda.

"Siya? Apo siya ni Ka Rosa hindi ba?"

Hinawakan ko ang kamay ng dalagita saka ito dumilat at nanlilisik ang matang nagpupuyos ng galit na tumitig sa akin.

Ngunit hindi ako bumitaw, bagkus ay nakipagtitigan lamang ako. Hanggang sa siya na mismo ang bumitaw.

"Saglit lang ho."

Umalis ako saka kinuha ang San Benito na kasama sa mga naibigay sakin ni Lola.

"Anak, alam mo ba ang ginagawa mo??"

"Opo."

Sagot ko saka ngumiti. Siya naman ay tumabi at tahimik na naupo sa tabi ng albularyo.

Muli kong kinuha ang kamay ng dalagita saka inipit sa pagitan ng kanyang hintuturo at hinlalaki ang San Benito.

Hindi ko man dinidiinan ay kaagad na napaigtad sa sakit ang dalagita at ang kaninang nanghihina ay nag-umpisa nang manlaban kaya kaagad na lumapit si Mama at ang albularyo sa kanya at pinagtulungan siyang hawakan.

"Aaaarrgrghhh!!!! Aray!!!"

"Bitaawan mo ako!!!!!!"

"PAPATAYIN KO SIYA!!!"

Sa kabila ng pagsisigaw niya ay nagpatuloy lamang ako sa aking pagsambit ng dasal sa kanya.

"ARAY!!!! ARRGGHHH!!! ARAY KO!!!"


Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon