Chapter 11

579 61 19
                                        

Matapos ang insidenteng yun. Hinatid na ni Krisha ang mga pinsan niya. Saka ako nagtanong kung nasaan na si Tina. Nalaman kong bumalik na ito ng manila na noo'y tumawag raw sa mga kasamahan.

Palaging sinasabi sa akin ni Krisha na kakaiba raw ang pakiramdam niya kay Tina na ikinibit balikat ko na lamang.

Ilang araw pa lang akong nag-umpisang magtrabaho sa isang fast food chain na bente quatro oras nakabukas.

Gusto ko kasing mag-ipon muna habang hindi pa nagsisimula ang pasukan sa kolehiyo.

Maganda ang trabahong nakuha ko, yun nga lang. Nailagay ako sa night shift, dahil nga sa baguhan pa lang ako.

Mabait ang amo naming babae na halos kaedaran lamang ni Mama. Mukha namang mababait ang mga kasamahan ko at sa ilang araw pa lamang na kasama ko sila ay nakasundo ko na silang lahat.

Sa gabi ay pito lamang kaming nagtatrabaho. Dalawa sa kusina, isa sa counter at apat na serbidor.

Si Stanley at Kevin ang nasa kusina. Ako, si Maika, Ria at Paulo ang nasa labas. Si ate Shiela sa counter

Masasabi kong hindi naman gaanong matrabaho kapag gabi, iilan lang ang customer at karamihan take out lang.

Paminsan-minsan lang may kumakain, at sila yung mga tabahador sa katabing mga establisyemento na maagang pumapasok.

Yung iba naman mga kabataan na naglalakwatsa kapag gabi, yung iba mga bumabyahe ng malayuan at kailanganang magpahinga sa pagmamaneho at kumain.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa mga bakanteng upuan dahil wala namang kumakain.

"Maya, unang trabaho mo ba to??"

Tanong sa akin ni Paulo saka ako tumango.

"Puro pala tayo baguhan."

Komento ni Alice na may hawak na ballpen at papel kung saan isinusulat ang mga order.

Habang si Maika ay nakatukod ang kamay sa ilalim ng kanyang baba at nilalabanan ang kanyang antok.

Si Ria, nasa tabi ni Paulo abala sa paglalaro sa kanyang telepono.

"Alam niyo ba yung kwento dito sa baranggay na to??"

Biglang sabi ni Paulo na nakakuha ng atensyon naming lahat.

"Anong kwento naman??"

Noo'y tanong ni Alice saka lumipat sa pwesto kung nasaan kami.

"May baliw raw rito na palakad-lakad at pinaghihinalaang isang tiktik. Actually isang pamilya raw yun na nakatira sa taas ng bukid."

Isang malakas na tawa naman ang ginawa ni Alice na ipinagtaka naming lahat.

"Kalokohan mo Paulo. Naniniwala ka talaga don??"

Sabi nito saka naiiling na bumalik sa kinauupuan niya.

"Edi wag kang maniwala, tss dagitin ka sana."

"Sa taba kong to? baka siya pa dagitin ko ehh."

Saka natawa si Ria at Paulo. Habang ako seryoso lang. Iniisip ko kasi kung totoo ba ang kwentong yun.

Kahit kasi maraming nakatayong building rito ay napapaligiran parin kami ng kabukiran.

Isa pa, isa itong probinsya kaya hindi mawawala ang ganong kwento.

"Sabi ng lola ko, yung mga tiktik raw baliktad ang paa... at nakatingkayad kapag naglalakad. Kaya imbes na paabante ang lakad ay patalikod. Meron daw itong taga bulag, kaya kung wala kang kakayahang makakita ay hindi mo talaga sila makikita."

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon