Pagod akong nahiga sa higaan ko habang nasa isip parin ang nangyari kanina.
Muling bumalik ang isip ko nung oras na nakikipaglaban ako sa mga aswang.
Napaupo ako saka tinitigan ang mga kamay ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganun akong kakayahan.
Kahit noon pa man alam ko na iba ako, pero hindi ko naman inaasahan na sa ganitong paraan.
Naalala ko kanina, tila ba tumigil ang oras at naging tahimik ang paligid. Sa sobrang tahimik naririnig ko ang bulong ng hangin.
Muli akong pumikit saka pinakiramdaman ang paligid ko. Hinanap ko ang kapayapaan sa isipan ko hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagtahimik ng paligid ko at saka hinayaan ang sarili kong marinig ang akinh paligid.
Sa loob ng ilang segundo tila ba naging malinaw ang lahat sa akin.
Ang pagbanggaan ng mga sanga ng kahoy at tunong ng dahon habang ito ay sumasabay sa bawat ihip ng hangin.
Ang pagaspas ng pakpak ng ibong palipat-lipat sa sanga ng puno at daloy ng tubig sa sapa.
Kahit nakapikit ako at nakaupo sa aking silid ay nagawa kong lakbayin ang gubat sa pamamagitan ng aking isipan.
Hanggang sa tumungo ang pangitain ko sa bagay na labis na hinahangad na makita ng aking mga mata.
Si Victoria na nakatayo sa ibabaw ng bangin, nakatanaw sa maalong dagat.
Nakita ko kung paano siya dumilat at humarap sa aking pangitain.
"You found me."
Ingles yun pero intinding intindi ko. Alam niyang nakikita ko siya ngayon mismo.
"Hindi mo dapat ginagamit ang kakayahan mo sa isang walang silbing bagay Maya. Bumalik ka na. Magpahinga ka."
Pagkatapos nun ay bigla akong dumilat at naghahabol ng hiningang napahawak sa dibdib ko.
"Walang silbi?"
Tanong ko sa aking sarili.
Gusto ko lang naman siyang makita. Ano bang mali dun?
Kinabukasan nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya uminom ako ng Ibuprofen.
"Oh masakit ba ulo mo?"
Tanong niya.
"Opo, pero konti lang naman po "
"Oh magpahinga ka ngayong araw tutal day off mo naman."
Sabi niya saka ako niyakap.
"Mauna na ako."
Kumaway ako sa kanya na papasakay na ng tricycle papunta sa palengke at ako naman ay sinimalang maglinis ng bahay.
"Kumusta ka kaibigan?"
"Diyos ko po! Ano ba Jude..."
Bigla ba naman kasing lumitaw at nakaupo sa lababo.
"Humihina na ata ang third eye mo, di mo ko naramdaman eh."
"Sinarado ko ng panandalian, napagod ako ako kagabi."
"Kagabi? Bakit anong nangyari?"
Nag-aalala niyang tanong saka muling lumitaw sa sofa kung saan ako nakaupo.
"Mga aswang."
Sabi ko.
"Oo nga pala, narinig namin ang chismis tungkol sa napakaraming kaso ng pag-atake ng mga aswang ngayon."

BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasiPaano kung ikaw ang nakatakdang tagapagligtas ng sankatauhan laban sa kadiliman? tatanggapin mo ba?