Chapter 13

371 51 23
                                    

Kaming mga panggabi ay magkakasamang lumabas ng aming restaurant. Kanya kanyang paalam.

Tanging kami lang ni Paulo ang uuwi sa malayo dahil ang iba ay may boarding house na tinutuluyan malapit dito.

Pasimple akong tumingin sa paligid ngunit wala akong nakita na kahit isa.

Pero amoy na amoy ko ang nakakasulasok nilang amoy na para bang nabubulok na isda. Napakalansa na halos masuka na ako.

"Naamoy mo ba yun?"

Tanong ni Paulo na mabilis kong pinisil sa braso upang ipaalala na hindi dapat siya nagsasalita.

Muli akong nagsulat sa papel saka ito ibinigay sa kanya.

Nandito sila. Inaantay na makaalis tayo. Sigurado ako susundan nila tayo. Mag-dahan dahan ka lang.

Sige, wag mo akong iwan please.

Sagot niya sa ibaba ng sulat ko.

Tumango na lamang ako saka niya pinaandar ang motor at ako nama'y umangkas na.

Dahan dahan lamang ang patakbo niya gaya ng sabi ko, nung una hindi ko pa sila masyadong maramdaman.

Ngunit nang makapasok na kami sa daan kung saan wala nang kabahayan at puro puno ang nasa paligid ay doon ko na sila muling naamoy.

Biglang naging mainit ang hangin at namayani ang katahimikan sa paligid na kahit kuliglig ay wala akong marinig.

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa balikat ni Paulo upang gamitin ang pampakalma kong dasal na kaagad namang tumalab sa kanya.

Noon naramdaman ko ang dahan dahang pagtigil ng motor sa kadahilanang may nakaharang sa aming daraanan.

Tatlong anino na nakatayo sa gitna ng kalsada.

Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang natumba ang motor at huli ko nang nakita ay ang papalipad na si Paulo na tangay ng isang may pakpak na nilalang.

"MAYA!!!!!!!"

Sigaw niya kaya naman kaagad akong  napatayo saka sinundan silang papasok ng madilim at masukal na gubat.

Rinig ko ang sigaw niya na alam kong hindi parin nakakalayo kaya kaagad akong dumapa sa lupa at nag-usal ng dasal.

Dasal kung saan kokontrahin ng hangin ang direksyon kung saan sila patungo.

Hinugot ko ang aking punyal saka ko pinadugo ang aking palad at pinahid ang sarili kong dagta sa talim ng punyal.

Tumakbo ako ng mabilis habang sinusundan ang direksyon na ibinubulong sakin ng hangin nang biglang may humarang sa akin.

Tinangka niyang sakalin ako ngunit nahawakan ko ang kamay niya saka ako bumaling sa kanyang likuran at tinarak ang hawak kong punyal sa kanyang balikat.

Isang nakapangingilabot na sigaw ang pinakawalan niya habang nakangisi kong idiniin ito na ikinaluhod niya habang hawak ko parin ang nakapilipit niyang kamay.

"Dadalhin mo ako kung saan niyo siya dinala."

Utos ko.

"Hindi!!!! Hahahahahaha mamamatay ang usyuserong yun!!! Hahahaha pagpipyestahan namin ang mga laman niya habang nakalambitin siya ng buhay sa sanga ng isang puno!!!----"

Hindi niya na natapos ang kanyang sinasabi nang hugutin ko ang kutsilyo saka ito iginilit sa kanyang leeg.

Tumalsik pa ang dugo niya sa mukha ko na aking pinunas gamit ang kamay ko.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon