Kinaumagahan nagising na lang ako sa marahang pagtapik sa akin ni Mama sa pisngi.
"Nak, di ka ba papasok sa trabaho?"
"Papasok po Ma. "
"Nak nagpuyat ka ba? Mukhang napuyat ka eh."
Saglit ako napakusot ng aking mga mata habang inaalala ang nangyari kagabi.
Ngunit mas pinili ko na lamang na huwag sabihin sa kanya dahil ms magandang wala siyang alam sa mga ganung bagay.
"Di lang ho talaga ako makatulog kagabi ma. Pero okay lang po ako."
Sabi ko saka na tumayo at nagdesisyong maligo.
Maaga pa naman at hindi naman ako malelate dahil wala namang traffic dito sa amin.
"O sya sige nagluto na ako agahan mo, mauna na ako sayo ha."
Sabi niya saka ako hinalikan sa noo bago umalis.
"Saglit Ma."
Sabi ko saka kinuha sa drawer ko yung pangontra ko na galing kay Lola saka ito isinilid sa kanyang bulsa.
Gusto ko lang makasigurado na ligtas si Mama dahil hindi mo naman sigurado ang paligid.
"Hay naku, akala naman kung ano. Alis na ako."
"Sige po. Ingat po kayo."
Patingin-tingin sa paligid akong nakaupo sa loob ng jeep habang nasa byahe. Simula nung nangyari kagabi pakiramdam ko ay merong palaging nakasunod sa akin.
Ilang saglit lang ay pumara na ako sa tapat ng kainan na pinapasukan ko. Kita ko sa labas na wala pang tao sa loob at tanging ang mga katrabaho ko lamang ang nandodoon.
Pagpasok ko kaagad akong binati ni Paulo at sinalubong ako ng yakap.
"Pau ah! Aba miss na miss mo ah."
Pang aasar ng mga kasama namin na ikinangiti ko lang.
"Ano ba kayo? Natutuwa lang ako na bumalik pa sya kala kasi namin di ka na papasok."
"Ahh kailangan ko lang kasi magpahinga. Nagkalagnat kasi eko."
"Ah ganun ba."
Pumasok na ako sa likuran at nagsuot ng apron at inayos ang maikli kong buhok. Hindi ko nga maitali dahil hanggang leeg lang ito.
Kaya iniipit ko na lamang ang mga humaharang sa mukha ko pati ang bangs ko para naman malinis tingnan.
Naging okay naman ang pagbabalik ko sa trabaho.
Naging abala kami sa buong araw dahil linggo nga ngayon at maraming mga namamasyal at nagsisimba.
Pagsapit ng hapon, nag aagaw na ang liwanag at dilim muli nanamang tinao ang aming restaurant.
Tapos na rin naman naming pagsilbihan ang mga customer kaya tumayo na lamang kami sa gilid upang maghintay kung sakaling may hihingin sila.
Tumabi noon sa akin si Paulo saka ako nipatingala sa kanya.
"Okay ka lang?"
Bulong niya kaya tumango ako.
Tahimik kaming dalawa sa gilid nang mapansin ko ang pag-ilaw ng peklat sa kamay ko.
Saglit akong natigilan nang makitang kulay pula ito at parang akala mo ay nagbabagang uling ngunit wala akong nararamdang hapdi.
Maya maya ay wala sa sariling napatingin ako sa bandang dulo ng kainan at doon nagkasalubong ang aming mga mata.

BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasiPaano kung ikaw ang nakatakdang tagapagligtas ng sankatauhan laban sa kadiliman? tatanggapin mo ba?