Alters
Naalimpungatan ako at napahinga ako ng malalim nang makita ang paligid ko at kung saan ako nakahiga.
Rinig ko ang paghuni ng mga hayop sa paligid, dama ko ang hangin na nanggagaling sa mga punong kahoy.
Napahilamos ako sa aking mukha mang dahil sa pagkadismaya.
"Lucy, bakit ka nanaman dito natulog??"
Sambit ko sa sarili.
" hinahanap ko kasi si Doggy ehh"
Sagot ng sampung taong gulang na si Lucy sa akin.
"Urgh bakit kasi hindi niyo pa sabihin sa kanya ang totoong nangyare kay Doggy! Sebastian! Let me be front! I'll just teleport us sa bahay."
Ani Niña
"Hindi pwede. Ano ka ba Nin... siguradong masasaktan siya."
Ani Poebe.
"Huwag na kayong magtalo. Umalis na lang tayo sa lintik na lugar na to."
Yun ay si Ruby. Siya ang pangalawa sa akin sa system. Ngunit nangunguna lamang siya kapag masyado nang sobra para kay Gail ang nangyayari. Siya kasi ang pinakamalakas at pinakamatapang sa amin.
Gagawin niya ang lahat maprotektahan lang kami, physically. Handa siyang pumatay dahilan kung bakit malimit lang siyang lumabas. Dahil sa panganib na dala niya.
Ako si Sebastian, ang nag-iisang lalake sa mga alters ni Gail. Ako ang tagapangalaga sa kanyang physical na pangangatawan.
Habang si Niña ang nakatoka sa social activities ni Gail at sa mga usapang pambabae.
Si Poebe naman ang nangangalaga sa mental na kalusugan ni Gail, pinanatili niyang sa kanya lamang ang mga masasamang nangyare noon kay Gail. Pati na rin ang espiritual na paniniwala.
Si Ruby, siya ang mother figure naming lahat. Nabuo siya noong nangungulila sa pagkalinga ng ina si Gail.
Lahat nang mahihirap na pinagdaanan ni Gail simula pagkabata ay siyang ininda ni Ruby.
Habang si Lucy, siya ang pagkabata ni Gail na hindi niya kailanman naranasan. Si Lucy ang nagtutupad ng mga bagay na hindi naranasan ni Gail noon nang dahil sa malupit niyang magulang.
Lahat kami ay nabuo lamang sa isipan ni Gail. Isang ideya na naging katauhan sa isip niya. Lahat kami ay may kanya-kanyang papel sa kanya.
Anim kami kasali na si Gail. Pero ang hindi niya alam ay marami pa kami.
Ang iba ay nakatago lamang sa kasuluk-sulukan ng bahay. Yung iba hindi anyong tao, isang kaluluwa o isang anino.
Una ay ang kambal na sina Syd at Yul.
Kapwa sila multo. Mga namatay na alter ni Gail nang dahil sa hindi na sila kailangan ni Gail.Hindi naman masama ang loob nila dahil habang lumalaki si Gail ay dumadagdag ang mga alter niya at kaakibat nun ang paglaho ng iba.
Nakadepende kasi kung sino ang kailangan niya.
Palagi lang silang nasa bahay, nakikipaglaro kay Lucy. Sila ang taga alaga niya.
Pangalawa ay si August, sabihin na nating siya ang ideal type ni Gail. Nabuo siya noong teenager pa lang siya. Kaso habang lumalaki si Gail, nagbabago rin ang mga gusto niya. Hanggang sa hindi niya na napapansin si August. Hanggang sa naging isang mist na lang sya.
Pinakahuli ay si Sin.
Si Sin, hindi namin alam kung ano ang totoo niyang itsura. Hindi rin namin siya nakakausap.

BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyPaano kung ikaw ang nakatakdang tagapagligtas ng sankatauhan laban sa kadiliman? tatanggapin mo ba?