Chapter 20

80 10 2
                                    

"Gorio, nalalapit na gabi ng kadiliman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gorio, nalalapit na gabi ng kadiliman. Hanggang kailan tayo maghihintay sa pagbabalik ng gabay?"

"Padre, ginagawa ko naman ho ang makakaya ko. Subalit mahirap ang inatas niyo sa aking misyon. Wala akong kahit na anong hawak na maaaring makapagturo sa akin kung sino ang gabay na tinutukoy sa propeseya."

"Lumalaganap na ang krimen sa buong mundo. Sa bawat araw na lumilipas tila ba lalong dumidilim ang ating mundo. Nakikita ko na Gorio, nararamdaman ko... Nalalapit na."

Halos manindig ang balahibo ng matanda habang nakikinig sa garalgal ba boses ng pari.

"Bukas, darating si Avellena upang tulungan tayo sa paghahanap sa gabay. Salubungin niyo siya sa paliparan at ihatid ng ligtas dito sa simbahan."

Si Avellena, ang madre na nagkaroon ng kakayahang makakita ng mga pangitain at siya rin ang unang nagsambit ng balitang ang gabay ay nandirito lamang sa Pilipinas.












Avellena


Sa loob ng ilang taong paglalakbay ko kung saang lupalop ng mundo upang ihatid ang mabubuting salita ng Diyos ay nagpapasalamat ako na natutunan ko ang bawat lenggwahe ng iba't ibang bansa.

Dahil papano ko ipapaintindi sa kanila ang gustong iparating ng ating mahal na Ama kung hindi nila ako maiiintindihan.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng paliparan habang naghihintay sa taong inatasang magsundo sa akin.

Hiningi nila ang presensya ko upang tulungan silang mahanap ang gabay na akin rin namang ikinalulugod na tinanggap.

Dahil ako man ay hindi pinapatulog ng mga masamang pangitain.



Makalipas ang ilang minuto ay pumarada sa harap ko ang isang kotse at lumabas mula roon ang dalawang lalake at mula sa likurang bahagi naman ang isang matandang lalake na may katikasan pa rin ang katawan.

Di tulad mung huli naming pagkikita, may lumalim ang mga guhit niya sa mukha. Senyales na nagkakaedad na ang taong minsan kong nakasama sa isang exorcism noon.

"Tatay Gorio."

Tawag ko, saka ako nito sinalubong ng yakap.

"Mabuti't napaunlakan mo ang aking hiling Avellena. Lubos na kailangan ko ng iyong tulong ngayon."

"Wala hong problema, hindi rin naman ako pinatatahimik ng mga panaginip ko. Pati ang pag exorsismo ko ay naaapektuhan na rin."












"Noong nakaraang buwan lamang ay isang kaso akong nahawakan, batang babae edad pito."

"Nagawa kong mabawi ang kanyang kaluluwa sa demonyong sumapi sa kanya pero alam mo ba ang huling sinabi sa akin ng demonyo??"

"la oscuridad aún está por llegar, él se levantará"

"Darkness is yet to come, he will rise. "

"Bukod dun, ang hinaharap pa nating peligro sa kalusugan ng lahat nang dahil sa lumalalang Cholera Virus sa West."

"Ang mga lumalalang gyera sa pagitan ng iba't ibang bansa."

"Ang lahat nang ito at ang paglitaw ng mga kampon ng demonyo ay isang senyales lamang na muli nanamang masasaksihan ng ating daigdig ang kadiliman at walang makakapigil doon."

"Ang kailangan natin ay matibay na pananalig sa kapangyarihan ng Diyos at gabay na siyang maghahatid syang magiging ilaw natin sa tatahakin nating daan."



Mahigpit na hinawakan ko ang rosaryong nakasabit sa aking leeg.

"Kaya nga hiningi namin ang tulong mo."


Nilapag niya ang Tarot sa harap ko saka ako napailing.












Makalipas ang ilang oras ay naghintay ako hanggang sa masilayan ko ang kabilugan ng buwan.

Nakaupo ako sa sahig ng silid kung saan nila ako patutuluyin, saka ko inilapag sa gitna ng ginuhit kong bilog at mga marka ng pangkat ng bituin upang malaman ko kung anong buwan ba ang kanyang kapanganakan.

Pikit mata kong binalasa ang mga baraha ng tatlong beses habang sinasambit ang mantra nito ng paulit-ulit.

Sunod namang ginawa ko ay hinati ko sa tatlong grupo at inilatag ang nasa ibabaw ng mga ito.

Nang matapos ang aking dasal ay muli kong binuksan ang aking mata at doon ko nakita ang tatlong baraha na aking nabunot.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang tatlong baraha.

Sunod kong sinambit ang dasal na magpapakita sa akin kung saang pangkat ng bituin ba nabibilang ang taong tinutukoy ng baraha.




Nang matapos ang aking pagbabasa ay muli na akong lumabas at tinungo ang silid kung saan sila naghihintay ng resulta.

Naupo ako sa harap nila na ngayon ay tahimik lamang na nagsititig sa akin.


"Babae, pinanganak sa buwan ng oktubre... Madali lamang natin siyang mahahanap sapagkat siya ay higit na naiiba sa lahat. May matalas na kaisipan at tapang na hindi matutumbasan ninuman."







"Pero sa dami ng babae na pinanganak sa buwan ng oktubre, paano naman natin malalaman kung siya ngang gabay."


"Naniniwala ako na tutulungan niya tayong ituro ang gabay. Nararamdaman ko na... Malapit lang siya."


Saad ko, saka sila nagkatinginan.



























Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon