Chapter 21

127 19 0
                                        

Napasigaw ako nang biglang lumitaw sa harap kong isang matangkad at matipunong lalake.

"Wag naman ho kayong nangugulat".

"Amaya, baka naman pwede mo na akong paunlakan ngayon."

Napahinga ako ng malalim saka napatingin sa paligid.

Dinala ko siya sa abandunadong gym upang dito kami mag-usap.

"Ano pong gusto niyong malaman? Sasagutin ko ngayon mismo."

Saad ko.

"Hindi pwede, gusto kang makilala ng Kapitan."

"Ayoko po, hangga't maaari ayoko pong madawit sa kahit na anong problema lalo na ngayon. Ilang beses nang muntik mapahamak ang kaibigan ko."

"O sya sige, tungkol ito nung gabing naaksidente kayo ng kaibigan mo. Hindi lang yun ordinaryong aksidente hindi ba?"

"Sabihin mo sa akin ang buong pangyayari nung gabing yun."

"Aswang rin naman ang sumalubong sa amin noon, pero... May kasama silang isa pang nilalang."

Nung una ay nag-alangan akong sabihin sa kanya. Dahil baka maging katawa-tawa lamang ako sa harap niya.

"B-Bampira... "

Tahimik lamang siya nung una saka ito tumayo sa harap ko.

"Kung ganun tama nga ang hinala namin, kaya malalakas ang loob ng mga aswang ay dahil may mas makapangyarihang nilalang ang nag-uudyok sa kanila."

Noo'y napahinga ako ng malalim. Kung ganun naniniwala rin sila sa pag-iral ng mga ito.

"Pero nagtataka rin ako, sa katauhan mo. "

"Papanong binuhay ka niya? "

Nagkibit balikat na lamang ako upang magkunwaring wala akong alam. Ayokong banggitin sa kanya ang alam ko dahil ayoko nang maging mas komplikado ang lahat.

"Sana magkaroon ako ng pagkakataong maipakilala ka sa aming grupo. Higit na makakatulong ka, lalo na sa bawat araw na limilipas. Pakiramdam namin mas lalong lumalakas ang mga kampon ng kung anong nasa likod ng mga ito."

Hindi ako sumagot, dahil hindi ko rin alam kung anong dapat kong gawin.

Umuwi ako ng boarding house dala ang binili kong ulam namin ni Krisha.

"Tagal mo naman nagugutom na ako eh. "

Sabi nito saka kinuha ang plastic na hawak ko.

Habang kumakain hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

"Wag ka ngang tumitig ng ganyan tumataas balahibo ko eh. "

"Bakit? Masama ka ba titigan? "

"Pag ikaw kasi parang kinakabahan ako eh. Ang talas mo pa naman tumingin. Ano ba kasi yun? May bumabagabag ba sayo? "

"Wala. Tapos ka na ba? Akin na yang pinggan mo't ako na maghuhugas. "

Inabot niya rin naman ito saka na ako lumabas bitbit ang sabon at pinagkainan naming dalawa.

Nasa labas kasi ang lababo sa may gilid lamang ng dorm.

Habang naghuhugas ako ay siya namang biglang paghapdi ng peklat ko sa kamay na umuusok pa dahil ito ay basa.

Napatingin ako sa may gilid at doon nakita ang anino ng kung sino.

"Tarrah? "

Tawag ko saka ito nagpakita at nakaukit sa mukha nito ang isang ngiti kaya kita ko ang pangil niya.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon