Chapter 19

276 30 14
                                    




Ilang araw na pagkatapos pumutok ang balita mula sa magkakaibang lugar, ang mga pagpatay at mga natatagpuang mga bangkay sa kung saan saan.

Magkakaiba man ng pinanggalingan ay iisan lamang ang paghahalintulad nila. Wakwak ang mga katawan, nawawala ang mga lamang loob at halos mamuti na sa kawalan ng dugo.

Naging maigting ang seguridad ng paligid. Naglunsad ng curfew sa bawat sulok ng Pilipinas, alas sais ng gabi ay bawal nang lumabas.

Gabi gabi ang pag patrolya ng mga pulis ngunit marami pa rin ang matitigas ang ulo kaya hindi pa rin nawawala ang mga biktima ng krimen.

Ang sabi'y serial killer raw pero kung ako ang tatanungin, alam naman nating hindi.

Sino namang may katinuang kaisipan ang gagawa nun, isa pa maniniwala ako kung sa iisang lugar lamang nangyari.

Kalat sa buong Pilipinas ang insidente kaya hindi lamang iisa, kundi marami ang pumapatay.

Katabi ko si Krisha habang nunuuod sila ng kuha ng isang concern citizen at saka ito pinost online.

Nandito kami sa canteen at kumakain.

"Grabe oh, tangina nakakasuka."

Saad ni Jasper.

"Baka naman human trafficking."

Komento ni Max.

"Oo nga eh. Kinuha ba naman lamang loob."

Dagdag pa ni Krisha na hindi man lang natinag sa pag kain ng dinuguan.

"Uy baka mamaya tao na pala yang kinakain mo."

Kaagad namang tumawa ang tatlo saka ako napatingin kay Tarrah na seryoso ang mukhang nakatanaw sa malayo.

"Ikaw Amaya ano sa tingin mo???"

Baling nila sa akin at ganun na rin si Tarrah na naghihintay rin ng sagot.

"Tao kaya may gawa nito or aswang???"

"Hindi ko alam, itatanong ko sa kanila kung sakaling makasalubong ko."

Sabi ko saka sila nagsitawa.

"Kung kailan seryoso ang usapan saka ka nagbibiro, siraulo ka ata Ehh "

Sabi ni Krisha saka ako kinurot.

"Wala naman akong alam."

Sabi ko.

"Uhmm guys, gotta go masama ata pakiramdam ko. "

Sabi ni Tarrah na kaagad tumayo at umalis.

"Oh san ka pupunta??"

Tanong sa akin ni Krisha.

"Susundan ko siya."

Sabi ko.

"Ahhh sige, baka buntis na yung jowa mo ah."

Pabirong sabi nito saka ako umirap.

"Hindi naman kami."

"Asus papunta na yun dun."

Iniwan ko na nga ang bruha. Kung ano anong kalokohan ang naiisip ehh.

Kaagad kong hinanap si Tarrah at natagpuan ko itong nakaupo sa loob ng bakanteng room.

Nakatanaw siya sa bintana at base sa paggalaw ng balikat niya, mukhang umiiyak siya.

"Tarrah."

Tawag ko saka ito natigilan saka pinunasan ang luha niya at lumingon sa akin na halata namang sapilitan ang pagngiti.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon