CHAPTER 01

27.2K 382 15
                                    



To Ms. Misty faith Hoskin from Australia, thank you for letting me use your name on this story!😚



Hacienda Elizondo..

"No. no, no! Hindi mo puwedeng gawin 'to Carlos, wala kang karapatan na angkinin ang lupa na pagmamay-ari ko." Ang malakas na boses na sabi ng singkuwenta'y otso anyos na si Donya Emilia sa binatang kaharap niya. Para ngang mapipigti ang ugat nito sa leeg habang galit na galit. Hindi kase siya papayag na makuha o bilihin sa ano mang presyo ang sampung ektaryang lupain niya. 

Carlos blew his smoke before he looked the old woman in front of him, ang lakas din talaga ng apog pumunta ng matandang 'to sa hacienda niya samantalang hindi naman niya ito iniimbitahan na pumunta dito. 



"Wala ka namang magagawa pa Donya Emilia, isa pa kakarampot lang naman kung tutuusin ang lupa na pinagmamalaki mo o baka gusto mong ipaalala ko sa 'yo kung magkano ang utang mo sa akin." Napaka-kampante na sabi ng binata, nagpadala kase siya ng mga tauhan sa kabilang hacienda para masabihan ito na kailangan na niyang makuha ang lupa sa susunod na Linggo. Mero'n siyang plano doon at hindi naman niya puwedeng hintayin na lang ang Donya kung kailan ba nito gustong magbayad sa kanya. 




"M-Magbabayad ako Carlos basta bigyan mo lang ako ulit ng kaunting panahon para makapag-bayad sa 'yo." Biglang nag-iba ang tono ng boses ng Donya dahil wala naman siyang hawak na labing limang milyon na pang-bayad dito. Nagastos na niya ang pera at wala na siyang mapapang-bayad dito kahit na magkano.




"Wala ng palugit pa, tama naman na siguro ang limang buwan na palugit na binigay ko sa inyo. May pinirmahan ka din na kontrata sa akin na oras na hindi mo mabayaran ang utang mo sa akin ay makukuha ko ang hacienda niyo." Sabi ng binata, tuso na kung tuso pero hindi naman siya ang lumapit dito para makuha ang katabing hacienda niya. Ang Donya mismo ang humingi sa kanya ng tulong at dahil alam niya din namang hindi naman nito 'yon mababayaran ay pinautang niya pa din. He want that 15 hectares of her land, hindi man 'yon gano'n kalaki pero puwede niya pa din 'yon pagtaniman ng mga gulay o prutas na ine-export niya. Isa pa ang katabi kaseng lupa ng matanda ay kanya na din naman kaya gusto din talaga niya 'yon makuha.



Bumuntong hininga ng malalim ang Donya, alam niyang hindi lang tuso ang binata na kaharap niya dahil ganitong-ganito din ang ginagawa nito sa ibang may-ari ng lupang nagkaka-utang dito. Pero hindi siya papayag, hindi niya ibibigay ang gusto nito. "M-Makinig ka muna Carlos, aaminin ko nalugi ang perang nahiram ko sa 'yo na ginamit ko sa negosyo. Pero hindi naman kita tatakbuhan, at isa pa may ibibigay ako sa 'yo kung gusto mo." 



Pinatay muna ni Carlos ang hawak na sigarilyo sa ashtray na katabi niya. "At ano naman 'yon? Lupa ang gusto ko Donya Emilia at hindi kung ano lang. 15 million ang utang mo sa akin at kung tutuusin dapat may tubo pa nga sana ang perang pinahiram ko sa 'yo."



"May asawa na ang dalawa kong anak na babae, p-pero mero'n akong pamangkin si Misty at kung gusto mo siya na lang ang kunin mong pang-bayad sa utang ko."



Nagulat naman si Carlos sa sinabing 'yon ng matanda, hindi siya makapaniwala na talaga pa lang masama ang ugali ng babaeng ito. Kilala niya ang dalawa nitong anak na binanggit pero sa bayan na ito mismo ng Colores nakatira. At isa pa pera ang inutang sa kanya, tapos pamangkin nito ang ibabayad sa kanya? Aba hindi siya papayag! "Nope, hindi ako papayag. At saka ano bang gusto mong gawin ko sa pamangkin mo? Gawin kong katulong dito? Pag-trabahuhin ko sa hacienda? Madami na ako no'n kaya lupa na lang ang ibigay mong kapalit sa akin Donya Emilia ng sa gano'n ay tapos na ang usapan na 'to." 




"Pero m-magandang bata si Misty Carlos at tiyak ako magugustuhan mo ang pamangkin ko, maraming nang-liligaw sa kanya na tiga bayan pero wala pa siyang naging nobyo kahit kailan. K-Kung gusto mo puwede mo siyang pakasalan o kaya naman tama ka pag-trabahuhin mo na lang siya dito sa hacienda mo." Sabi pa ng Donya na para bang laruan lamang ang sinasabi niyang pamangkin niya na handang ibigay sa binata. 



He darted a angry looked at her, hindi na talaga siya papayag sa susunod na papasukin sa hacienda niya ang babaeng 'to. Hindi na nga makabayad ng utang ay gusto pa yatang ibugaw sa kanya ang sinasabi nitong pamangkin sa kanya. "Makakaalis ka na dito Donya Emilia, hihintayin ko hanggang Sabado ang perang inutang mo sa akin kung hindi ako na mismo ang pupunta sa bahay mo sisiguraduhin ko ngayon pa lang na magsasama na ako ng mga pulis at abogado." 




  Wala namang nagawa ang Donya at umalis na sa mansyon ni Carlos, sa tinagal-tagal niyang nakatira dito sa bayan ng Colores ay ngayon lang siya napadpad sa baluarte ng hacienda Elizondo pero sisiguraduhin niyang hindi ito ang magiging huli. 





Hacienda Trinidad..

"P-Pero Tiya hindi ko po magagawa ang inuutos niyo sa akin." Natatakot na sabi ko habang kaharap si Tiya Emilia, siya ang nag-iisang kapatid ng mama ko na namatay na noong sampung taong gulang pa lang ako. At nagulat na lang ako ng pumasok siya dito sa kuwarto ko. Hindi naman kase siya nagagawi dito kaya naman alam kong importante ang sadya niya.



Agad naman nilapitan ni Donya Emilia ang bente dos anyos na pamangkin at mabilis hinawakan ang panga nito. "Susundin mo ang sinasabi ko sa 'yo Misty, ako na ang nag-aruga sa 'yo simula ng mamatay ang mama mo kaya dapat lang na suklian mo naman ang mga naitulong ko sa 'yo."



Napahawak na lang ako sa pisngi ko ng bitiwan niya, hindi ko talaga lubos maisip na uutusan niya ako ng gano'ng klaseng bagay. Oo alam ko namang hindi maganda ang pakitungo sa akin ni Tiya Emilia at lagi na lang siyang nakasigaw sa akin pero naiintindihan ko naman 'yon. Maaga kase nagsipag-asawa ang mga pinsan ko na sila Micah at Erica at hindi man lang ang mga ito nakatulong para mapalago at manumbalik muli ang hacienda simula ng mamatay si Tiyo Ronaldo.


"Pupuntahan mo si Carlos bukas na bukas ng umaga Misty at wag kang mag-inarte kung anong gusto niyang gawin sa 'yo. Isa pa tingin ko naman ay baka pag-trabahuhin ka lang niya doon o kaya naman gawing katulong sa mansyon niya. Mayaman si Carlos at alam kong hindi ka naman matitipuhan no'n." 



Wala akong pake kung hindi ako no'n matipuhan pero hinding-hindi ko talaga susundin ang sinabi niya. Kilala ko si Carlos Elizondo dahil matunog talaga ang pangalan niya hindi lang dito sa bayan ng Colores dahil kilala siya sa buong probinsiya namin.



"P-Pero T-Tiya hindi ko po talaga kaya, hindi ko po kayang pumunta doon at isa pa kung sakaling mapunta naman sa kanya ang lupa na 'to ay sigurado namang gagamitin din niya itong sakahan. Saka puwede naman po tayo tumuloy kila Erica diba kapag kinuha niya ito."



Isang malakas na sampal tuloy ang pinadapo ng matanda kay Misty na halos mayanig nga ang mukha nito sa lakas no'n. "Tanga ka ba talaga o hindi ka lang talaga nag-iisip na babae ka? Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao kapag nawala sa akin ang hacienda na 'to? Kukutyain nila ako at pagtatawanan!"



Mangiyak-ngiyak naman ang dalaga sa ginawa na 'yon ng kanyang Tiya, kahit ilang beses na siya nitong napag-buhatan ng kamay ay hindi pa din talaga siya nasanay. Kung tutuusin ay wala naman talaga itong karapatan sa lupa na 'to dahil ang mga magulang niya talaga ang siyang nagpundar no'n. Pero ng mamatay ang mama niya ay ang Tiya niya na ang namahala sa buong hacienda hanggang angkinin na nito 'yon ng tuluyan. "A-Ayoko po talaga gawin ang gusto niyo dahil baka mapahamak lang ako doon." Umiiyak na niyang sabi, alam niyang salbahe ang may-ari ng kabilang hacienda kaya bakit niya gugustuhin na mapunta doon?




Muli tuloy nilapitan ng matanda ang pamangkin at dahil nakaupo ito sa kama ay sa buhok niya naman ito hinawakan. "Gagawin mo Misty dahil oras na suwayin mo ako puwedeng-puwede kita ipalapa sa mga tauhan dito sa hacienda kapag napikon pa ako."



"T-Tiya.." Nahihintakutan ko siyang tiningnan, bakit ba nagagawa niya sa akin ang ganito? At alam ko ang ibig sabihin ng ipalapa at 'yon ay ipagamit sa mga malalapit niyang tauhan dito sa hacienda. At natural ayokong mangyari 'yon at alam kong sinabi niya lang 'yon para matakot ako at sundin siya. Pero oo madali lang niyang magawa 'yon dahil ilang beses na din niyang ginawa sa mga dating kasambahay na nahuhuli dito na nagnanakaw.



"Matulog ka ng maaga dahil ipapahatid kita bukas sa hacienda Elizondo, at huwag mo ng dagdagan pa ang problema ko. Ikaw ang ipapang-bayad ko sa kanya Misty kaya wala ka ng magagawa pa!" 'Yon lang at binitiwan na ng Donya ang buhok ng pamangkin at umalis na sa maliit nitong kuwarto. 



#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon