CHAPTER 26

15.8K 254 9
                                    





Happy valentines! Sa mga nag-order ng book ni Senator nextweek po ang dating niya. And may copy din ng Call me Mayor book 02. Self pub books is open for installment! Just dm me on my fb page.







Naiinis na nilapag ni Carlos ang asawang si Misty Faith sa kama nila, at matapos niayng maihiga ito doon ay saka niya binuksan ang aircon doon. Nakapameywang niyang tiningnan ito pagkatapos. "Lasingera.." Sabi niya pa bago hinubad ang suot nitong sandals, hindi niya inaasahan na uuwi itong ganito dahil wala naman sa itsura nito ang mukhang umiinom ng alak. At kung alam niya lang ay siya na lang sana ang nakipag-inuman dito at dito na lang din sila sa hacienda niya nag-inom. 


Maya-maya naman ay nagising si Misty Faith ng maramdaman niyang may basa at malamig na kung ano sa katawan niya at pagdilat niya nga ay nakita niya na nakaupo sa tabi niya si Carlos at pinupunasan pala siya nito ng hawak-hawak nitong basang bimpo. 


"Pinupunasan lang kita kaya matulog ka na lang diyan ulit at bukas na lang tayo mag-usap." Sabi pa niya dito ng makitang gising ito, sunod naman niyang pinunasan ang kabila nitong kamay dahil tapos na siya kanina sa isa. 


Dahan-dahan naman akong tumayo, so nakauwi na pala ako? At nakatulog pa yata ako kanina sa sasakyan ni Jesylyn! At siguro binuhat ako ng Elizondo na 'to papasok dito sa kuwarto namin. "Hindi na ako inaantok." Sabi ko sa kanya. 


"Pero gabi na at alam kong lasing ka kaya ang mabuti mong gawin ngayon ay matulog na lang ulit." Seryosong sabi pa ng haciendero kahit naman nagtalo sila kaninang umaga at nasapak siya nito ay hindi naman niya ito hahayaan ngayong lasing ang asawa niya. Kaso nga heto at nagising pa habang pinupunasan niya ang katawan nito. 


"Hindi naman ako lasing." Sabi ko naman at buong lakas ko siya hinila hanggang sa mapahiga siya sa kama. Oo buong lakas dahil alam kong kaya niya akong balyahin sa laki ng katawan niya. Pero mukhang iba nga yata kapag nakainom dahil nakaya ko siya ngayon.


"Misty!" Sigaw ni Carlos sa pangalan nito pero hindi pa nga siya nakakahuma sa ginawa nitong paghila sa kanya pahiga sa kama ay umupo naman ito sa ibabaw niya. 




"Naiinis ako sa 'yo Carlos akala mo ha." Sabi ko sa kanya sabay tukod ng dalawa kong kamay sa dibdib niya. Hindi ko pa din nakakalimutan 'yong nakita kong bakat ng lipstick sa damit niya ng umuwi siya kagabi at kayang-kaya ko hagilapin 'yon ngayon sa laundry basket para ipakita sa kanya kapag tinanggi niya!





Babangon naman sana si Carlos pero mas lalo lamang diniin ni Misty Faith ang katawan nito sa kanya kaya naman wala na din siyang nagawa kung hindi humiga na lang dahil baka kapag naglikot siya ay malaglag pa ito sa kama. 



"Sabihin mo nga sa akin nakipag-sex ka ba sa ibang babae kagabi? At huwag kang magsisinungaling sa akin."




Imbes na mainis ay natawa naman si Carlos dahil alam niya na ang pinuputok ng butsi nito ngayon. "Hindi ako nakipag-sex sa ibang babae okay, why? Don't tell me 'yon ang dahilan kung bakit nag-inom ka kasama ang kaibigan mo kanina at lasing ka ngayon." 




Sumimangot naman ako, anong akala niya sa akin maglalasing ako dahil sa kanya? Hinampas ko nga siya sa dibdib niya sa isiping 'yon. "Hindi no, at bakit ko naman gagawin 'yon aber?" Mataray kong tanong sa kanya. "Matagal lang kami hindi nagkita ni Jessy kaya pumayag ako na inumin namin 'yong alak na niregalo sa kanya."


"Pero 'yon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit ka naglasing Misty." Sabi pa ni Carlos, he want to teased her for awhile lalo pa at ngayon ang unang beses niya na nakita itong lasing na ganito. 



M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon