CHAPTER 41

15.1K 311 19
                                    





"Misty naman halika na umuwi na tayo sa hacienda." Parang nagmamakaawang sabi ni Carlos habang nasa tapat ng bahay ng kapitan na si Jesylyn at nakatingin sa bintana. Limang araw buhat ng makalabas si Misty Faith mula sa ospital ay sinabi na niya ang totoo dito, pero hindi niya alam na magiging ganito pala ang mangyayari kung saan lalayasan siya nito mula sa hacienda niya. Hindi naka-rehistrado ang kasal nila kaya naman ng malaman nito 'yon ay agad itong nag-alsa balutan at nakitira nga dito sa kaibigan nito sa bayan.



"Ayoko, hindi ako sasama sa 'yo dahil hindi naman kita kaano-ano." Matigas kong sabi sa kanya at saka sinara ang bintana. Totoo naman hindi ko naman pala siya kaano-ano dahil hindi naman pala talaga kami totoong kasal kaya meaning hindi ko siya asawa. Oo kinasal kami pero hindi naman pala talaga 'yon totoo dahil inamin niya sa akin na hindi naman niya pina-register ang kasal naming dalawa. So akala pala niya gawa-gawa ko lang 'yong paghabol sa akin ng mga tauhan ni Tiya Emilia sa akin kaya ako nakarating sa hacienda niya? Na hindi naman talaga totoo 'yon? Na baka plano talaga namin 'yon ng tiyahin ko para mahulog siya sa akin? Kaya siguro siniguro din niya na peke ang kasal namin dahil nga iniingatan niya ang kayamanan niya. Puwes baka ako na mismo ang maglibing sa kanya ng buhay sa hacienda niya!





Wala naman magawa si Carlos kung hindi mapasandal na lang sa hood ng sasakyan niya, siguro maghihintay pa siya ng ilang araw bago niya makausap ng matino si Misty. Ayaw niya namang pilitin ito dahil nga buntis at baka kung ano pa ang mangyari sa anak nila. Tatawagan niya na lang ang kaibigang si Wilde para tanungin kung anong oras ba 'to uuwi ng sa gano'n ay may kasama siya dito. 





     "Uy friend umuwi ka na kase sa hacienda, hindi ka ba naaawa kay Carlos? Tatlong araw na 'yan nagkakampo dito sa bahay." Sabi naman ni Jesylyn ng makitang bumaba ng hagdan ang kaibigan niya. 



"Hindi na ba 'ko puwede dito?" Mahina kong tanong sa kanya, alam kong nakakaabala din talaga ako sa kanya pero ano bang magagawa ko? Siya lang naman ang puwede kong lapitan sa ngayon. Actually nagpapatulong nga ako sa kanya makapag-hanap ng trabaho para naman. 





"Hindi sa gano'n siyempre welcome ka dito sa bahay ko no." Mabilis na sabi ni Jessy. "Pero kase kinausap ka naman niya diba? I mean oo inamin na ni Carlos 'yong kasalanan niya sa 'yo at tinama naman na niya 'yon dahil pina-register niya na din ang marriage certificate niyo so meaning Misis Elizondo ka na din naman talaga. Saka iniisip ko lang kase na buntis ka diba at baka makasama 'yan sa magiging baby niyo."



Napaisip ako sa sinabi niya, tama si Jesylyn, pina-rehistro naman na ni Carlos ang kasal namin at talagang sa marriage certificate galing sa NSO ay kasal na nga talaga kaming dalawa. But it was late, ngayon niya lang ginawa pagkatapos niya sa aking aminin ang totoo. "Pero hindi naman na maganda kung sasama pa ako sa kanya diba? Hindi maganda na sa una pa lang ay nag-sinungaling na siya sa akin dahil mauulit lang 'yon ng mauulit dahil nagawa niya na sa akin sa umpisa pa lang. A-At nakakatakot 'yon diba dahil puwede siya ulit sa akin mag-sinungaling."



Matipid na nginitian ni Jesylyn ang kaibigan may pagka-siraulo man siya minsan kausap pero siyempre mas laging nangingibabaw sa kanya na maresolba ang problema. At kung nagagawa niya nga 'yon sa baranggay na nasasakupan niya ay siyempre gagawin niya din sa kaibigan niya. "Naiintindihan naman kita Misty at kahit ako din naman siguro ay magagalit kapag ganyan ang ginawa sa akin, pero iba na kase nga 'yon dahil magkakaanak na kayo. Carlos want to prove to you his self, na nagkamali man siya noong una at sabihin na nating may pagka-gago siya dahil sa ginawa niya sa 'yo pero friend siya pa din ang ama ng pinagbubuntis mo. Kaya para sa akin 'yong magiging anak niyo muna ang isipin mo dahil alam kong ayaw mo naman lumaki na walang kikilanin na ama 'yan." Mahabang paliwanag niya dito. 



Tama si Jessy pero nakakatakot lang kase magtiwala ulit dahil nagawa ng mag-sinungaling sa akin ni Carlos, at siguro kung hindi pa ako buntis ay wala din siyang balak sabihin sa akin ang totoo. Sigurado ako na hahayaan niya lang na maniwala ako na kasal naman kaming dalawa at totoo kaming mag-asawa kahit hindi naman pala talaga. Pinagkatiwalaan ko siya pero niloko naman niya ako at siguro nga tatanga-tanga ako sa parte na 'yon.



"Wala ng manggugulo sa 'yo Misty dahil wala na ang tiyahin mong kamag-anak ni satanas kaya alam kong magiging masaya ka na dahil 'yon naman ang deserve mo." Dagdag pa ni Jesylyn, siya talaga ang unang umaway kay Carlos ng magsimula itong mag-camping sa labas ng bahay niya lalo na ng malaman niya ang totoo. Natural kay Misty Faith talaga siya papanig kahit pa sabihin na marami na siyang hininging tulong kay Carlos. Ilang beses na nga niya din itong pinapadampot sa mga baranggay tanod niya pero ang siste aalis saglit tapos babalik na naman. Isa pa talagang mukhang sinusuhulan pa ng kapitbahay niyang si crocs si Carlos dahil lagi niyang nakikita na ito ang kasama ng asawa ng kaibigan niya sa labas ng bahay niya. 



Wala na talagang manggugulo sa akin dahil nakakulong na si Tiya Emilia at sa patong-paton na kaso na hinain sa kanya ay sigurado akong mahihirapan siyang makalabas. "Sige lalabasin ko siya para kausapin." Sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo, nakakahiya din naman talaga kay Jesylyn dahil parang siya ang nahihirapan sa problema ko. Wala naman siyang kasama dito sa bahay pero siyempre busy din siyang tao at madami din isipin dito sa baranggay nila. 



   Agad napaayos ng tayo si Carlos na nakasandal sa hood ng sasakyan niya ng makitang lumabas si Misty Faith. Mukhang kakusapin na siya nito dahil ngayon lang siya nito nilabas mula sa bahay ng kaibigan. 



"Wala ka ba talagang balak umalis dito? Gabi na at maaga matulog mga tao dito." Mataray na sabi ko sa kanya, may karapatan naman akong magtaray dahil may kasalanan siya akin. 



"Hindi naman ako inaantok at lalong hindi din naman ako nanggugulo dito." Ani ni Carlos na para bang gustong hilahin si Misty Faith at yakapin. "Uuwi  lang ako kapag kasama na kita."



"Pero nag-sinungaling ka sa akin Carlos at galit ako sa ginawa mo." Pagdidiin ko sa kasalanan niya, hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko no'ng sabihin niya sa akin na hindi naman naka-rehistro ang kasal namin dahil ayaw ko pa maniwala no'ng una. Pero totoo, he lied to me at pinag-mukha niya akong tanga. 



"I know and that was the biggest mistake I did in my life Misty, at kung kinakailangan kong humingi sa 'yo ng tawad araw-araw ay gagawin ko. I just want to go home with you, and I know hindi mo naman hahayaan na lumaki ang anak natin na wala siyang kalalakihan na ama." Sabi pa ng haciendero, natatakot kase siya na umuwi sa kanila dahil baka kapag wala siya dito ay biglang umalis si Misty Faith at taguan siya. And she can easily do that and je don't want that to happen. 



"Sige sasama na ako sa 'yo." 



Parang nagliwanag ang mukha ni Carlos ng marinig 'yon. "Really bati na tayo?" Tanong niya pa dito na nilapitan na ito. 



"Oo pero sa isang kondisyon." Sabi ko naman, ano 'yon gano'n-gano'n na lang? Aba hindi ako papayag no!



"Basta hindi ka makikipag-hiwalay sa akin at sasama ka na sa akin ngayong umuwi kahit anong kondisyon pa 'yan." 



I smiled to him. "Sabi mo 'yan ha, sige." At saka ko sinipa ang pagkalalake niya sa inis ko. 


#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon