CHAPTER 37

14.3K 263 8
                                    







Hindi matawaran ang galit na nararamdaman ni Carlos ng malaman ang nangyari kay Misty Faith. Kabilin-bilinan pa naman niya hindi lang sa asawa kung hindi sa mga tauhan niya mismo na hindi ito puwedeng umalis ng siya lang o ni wala man lang kasamang tauhan niya na may baril. Pero hindi, dahil umalis pala si Misty Faith na kasama ang dalawa niyang kasambahay at driver. Agad siyang umuwi sa hacienda ng tawagan siya ng kasambahay na si Esther kanina at ipaalam nga sa kanya ang nangyari.




His wife got kidnapped, at sa mismong harapan pa ng hacienda niya nangyari ang insidente. And now he's here on the police station and talking with the chief  police. 

"Hindi niyo puwedeng hindi makita ang asawa ko." May diin na sabi ng haciendero, his driver was dead. Dahil binaril pala ito ng kumuha kay Misty kanina at kung sino ang maaaring gumawa nito sa asawa niya ay mero'n naman na siyang ideya. Wala siyang alam na kaaway pero alam niyang ang puwede lang gumawa nito ay walang iba kung hindi si Donya Emilia. 



"Don't worry Mr. Elizondo may mga pinadala na akong tauhan sa hacienda niyo para mag-imbestiga." Sabi naman ng hepe ng police station. 



Pero parang hindi kuntento si Carlos sa sinabi ng hepe sa kanya, he want to know where his wife now. Kung ano bang ginawa sa asawa niya ng mga kumuha dito at kung ligtas ba ito. Dahil kung alam niya lang mangyayari ito ay pinilit na lang sana niya itong sumama kanina sa kanya. Kaya naman tinawagan na din niya ang kaibigan na si Wilde para magpatulong dito. 



    Samantala nagising naman si Misty Faith sa isang hindi pamilyar na lugar sa kanya. Hindi man niya alam kung nasaan ba siya ay kilala naman niya kung sino ang mga tao na nasa harapan niya. At walang iba kung hindi ang Tiya Emilia niya at pati na ang tatlong tauhan nito na muntik ng gumahasa sa kanya. 


"T-Tiya.." Tawag ko sa kanya, pero dahil nakatali ang mga kamay ko sa upuan na kinakaupuan ko ay hindi naman ako makaalis. 



Nakangising tumayo si Donya Emilia mula sa kinakaupuan at saka nilapitan ang pamangkin. "Buti naman at gising ka na, at huwag mo akong matawag-tawag na Tiya dahil hindi naman kita kadugo Misty Faith." Sabi niya ng nasa harapan na siya nito. 


"Pakawalan niyo po ko dito, a-ano bang kailangan niyo ha? Bakit niyo 'to ginagawa sa akin?" Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Ginalaw-galaw ko ulit ang kamay ko na nakatali pa din pero hindi talaga siya maalis dahil mahigpit ang pagkakatali no'n. 


Agad hinawakan ng Donya ang pisngi ni Misty Faith. "Anong ginagawa ko ha? Sa tingin mo ikaw ba ang dapat magtanong sa akin niyan? O ako ba dapat?" Sabi niya dito at diniinan pa lalo ang pagkakahawak sa pisngi nito. "Ikaw ang malas sa buhay ko Misty Faith dahil kung hindi dahil sa 'yo nasa akin pa ang hacienda hanggang ngayon! Wala ka talagang silbi na bata ka! At hindi sana mapupunta 'yon kay Carlos kung sinunod mo sana ang inuutos ko sa 'yo! Pero anong ginawa mo ha? Imbes na tulungan mo ako ay talagang nagpakasal ka pa sa kanya." Litanya niya dito, tuloy pinag-tatawanan siya ngayon ng mga nakakakilala sa kanya sa bayan ng Colores dahil wala na siyang kahit ano. At ang natitirang lupa na mero'n sana siya ay nawala pa at tuluyan ng nakamkam ni Carlos Elizondo. "Ayos lang sana na magpakasal ka sa lalakeng 'yon pero sana hindi mo nakalimutan ang sinabi ko sa 'yo, ang pinag-usapan nating dalawa. 'Yon lang naman ang hinihiling ko diba? Kausapin mo si Carlos para hindi niya muna makuha ang lupa sa akin pero hindi ka sumunod!" At sa sobrang galit niya nga ay sinampal niya ito ng malakas, hindi lang isang beses kung hindi dalawa pa. Sinabutan din niya dito sa sobrang galit niya, dahil wala na. Walang-wala na siya at pati ang mga anak niya ay nadadamay sa nangyari sa kanya. 




Pigil-pigil kong huwag mapaiyak dahil masakit 'yong sampal sa akin ni Tiya Emilia. "Pero huwag niyo din kalimutan ang inutos niyo sa mga tauhan niyo na gawin sa akin. Na kung hindi siguro ako nakatakbo sa hacienda nila Carlos ay baka natuloy o nangyari ang plano nila sa akin. Ang plano niyo, kaya patas lang tayong dalawa Tiya dahil gano'n din ang nararamdaman ko sa inyo. Kung kayo ay galit sa akin gano'n din ako sa inyo."

"At talagang sumasagot ka pa ha!" Muling sinampal ng Donya si Misty Faith ng malakas sa pisngi nito na kinaputok ng labi nito. "Dahil nararapat lang 'yon sa 'yo  Misty. Alam mong magagalit ako sa 'yo kapag hindi mo natupad ang inuutos ko sa 'yo. Matigas ang ulo mo at talagang hindi ka man lang nagpatinag, inutusan kita ng maayos. Kausapin mo lang si Carlos at kung kinakailangan ay akitin mo siya para hindi niya muna makuha sa atin ang hacienda pero simpleng utos lang ay hindi mo nasunod!"



"Pero wala na kayong magagawa dahil na kay Carlos na ang hacienda. Isa pa alam ko na din ang totoo ngayon, alam ko na hindi ka naman pala tunay na kapatid ni Mama kaya kung tutuusin ay wala kang karapatan sa hacienda dahil ikaw ang hindi naman pala namin kadugo." Lakas loob kong sabi sa kanya tutal hindi ko naman alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay dito. 

At dahil sa sinabing 'yon ni Misty Faith ay parang mas lalo lang nagalit ang Donya. Nandoong pag-sasampalin niya ito at sabunutan. At dahil nakatali ang mga kamay nito sa upuan ay hindi din ito makaalis doon. "Wag mo na akong dramahan pa Misty dahil sisiguraduhin kong hindi ka na mapapakinabangan pa ni Carlos pagkatapos ng mangyayari sa 'yo ngayon." Binalingan niya ang tatlong tauhan na nasa likod niya lang. "Tanggalin niyo ng tali 'yan at kayo na ang bahala kung anong gusto niyong gawin sa babaeng 'yan. Babuyin niyo para hindi na mapakinabangan pa ng Elizondong 'yon."

#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon