CHAPTER 39

13.4K 257 14
                                    




Last update here on wattpad, happy weekend!





"Huwag mo lang siyang basta tingnan Carlos, buhay pa ang asawa mo." Sabi ni Wilde sa kaibigan ng makita niyang para itong maestatwa sa harapan ng walang malay na si Misty Faith.





At doon lang parang bumalik sa huwisyo si Carlos at dali-daling hinubad ang suot niyang jacket para itakip sa halos hubad ng katawan ni Misty Faith na nakahiga sa ibabaw ng lamesa. He hurriedly covered her body before he carried her. Masama niyang tiningnan ang dalawang naka-posas na tauhan ni Donya Emilia na hawak-hawak na ngayon ng mga pulis. At hindi niya na puwedeng palampasin ang tungkol dito lalo pa at may nangyaring masama na sa asawa. At kung alam niya lang na ganito pala ang mangyayari ay mas mabuti pa talaga na pinatay niya na lamang ang tatlong ito at nilibing sa loob ng hacienda niya.



Dinala ni Carlos ang asawa sa ospital at kahit sabihin na humihinga pa nga talaga si Misty Faith ay hindi niya pa din maiwasang mag-alala lalo pa at sa itsura nito ngayon. Putok ang labi nito at marami itong pasa sa katawan pero ang higit niyang kinakabahala ay ang punit-punit nitong damit na hindi niya alam kung ano ba talagang nangyari dito. Dahil ayaw niyang isipin na ginahasa ito at nahuli siya ng dating para mailigtas ito kanina. Pero huwag naman sana dahil kung gano'n talaga ang nangyari dito ay hindi niya mapapatawad ang sarili dahil hindi niya natupad ang pangako niya dito na walang mangyayaring masama dito habang nasa poder niya.



"I swear hindi ko na mapapalampas ang ginawa ni Donya Emilia." Ang galit na sabi ni Carlos matapos maipasok si Misty Faith sa loob ng emergency room. Hindi na talaga dahil sagad sa kasamaan ang matandang 'yon dahil sa ginawa nito sa asawa niya. Buong akala niya ay tahimik na ito matapos niyang makuha ang lupa nito dahil wala naman na siyang narinig pa muli dito pero hindi pa pala dahil may isasama pa pala. Parang naghintay lang ito ng pagkakataon para makuha si Misty Faith.



"Huwag mo munang isipin ang tungkol sa kanya, ang importante ay maging maayos muna si Misty." Sabi naman ni Wilde, maging siya ay nakaramdam ng takot ng makita kanina ang sitwasyon ng asawa ng kaibigan niya. Dahil aakalaain mo talagang wala na itong buhay, but he checked her pulse and she's still alive.



At 'yon din naman talaga ang iniisip ng haciendero, hindi niya alam na aabot sa ganito ang kasamaan ni Donya Emilia na pati ang buhay ng pamangkin nito ay talagang hinayaan na manganib ng gano'n na lang sa mga tauhan nito. At hindi din niya alam na nakawala na pala ang tatlong 'yon at sila din na naman mismo ang muntik ng humalay no'n sa asawa at gano'n pa din ang ginawa ngayon. "Make sure mamatay ang dalawang lalakeng nakita natin kanina Pare at pati na din si Donya Emilia ay dapat mahuli dahil siya naman ang puno't-dulo ng lahat ng 'to." Baling niya sa kaibigan dahil kung kinakailangan niyang magbigay ng award sa kung sino mang makakapag-turo kung nasaan ang matandang 'yon ay gagawin niya para mahuli lang ito agad.



"Don't worry ipapatrabaho ko 'to sa mga pulis." Sagot naman ni Wilde.





Halos isang oras din ang tinagal ng paghihintay ni Carlos sa labas ng emergency room, his friend Wilde leave him already and went to the police station. Dumating din ang mga tauhan niya dito sa ospital at gaya ni Jimuel ay binalita nito na namatay nga talaga kanina ang isa sa kumidnap kay Misty Faith matapos niya itong barilin. Pero imbes maging masaya ay nandito pa din ang takot sa loob niya dahil hindi niya alam kung ano ba ang totoong nangyari sa asawa niya. Tanging doktor lang din ang makakapagsabi kung ano na ba talaga ang lagay ng asawa niya.



"Doc kumusta na po ang asawa ko?" 'Yon agad ang sabi ni Carlos ng lumabas ang isang babaeng doktor sa emergency room tanda niya kase na ito ang sumalubong sa kanila kanina.




"Good evening." Panimulang bati ng doktor. "The patient is already fine and pinapalitan lang muna siya ng hospital gown sa loob bago siya dalhin sa magiging kuwarto niya."



Nakahinga ng maluwag si Carlos ng marinig 'yon. "P-Pero gusto ko sanang malaman kung hindi b-ba siya na---" Hindi niya matuloy ang itatanong dahil natatakot siya sa puwedeng marinig niya na isagot nito. Dahil kung oo ay hindi na talaga niya mapapatawad ang sarili lalong-lalo na ang mga taong gumawa nito kay Misty Faith.



"Kung ang iniisip niyo po ay nagahasa siya ay hindi po. She was not raped but she have multiple bruises on her body. At maging bakat sa leeg ng kamay ay mero'n din tanda na sinakal siya." Paglilinaw ng doktor dahil maging siya kanina ay 'yon din ang naisip ng makita ang pasyente pero hindi naman ito nagahasa at walang nangyaring gano'n.



"Thank God! Maraming salamat po Doc, maraming salamat po." Nakangiti ng sabi ni Carlos na nakahinga na talaga ng maluwag ngayon. Atleast alam na niyang okay talaga ang asawa at hindi naman pala sila nahuli ng pagdating kanina dahil nasaklolohan nila ito.



"Anyway hindi pa makakalabas ang pasyente ngayong gabi dahil may mga test pa ngang gagawin para sa kanya bukas ng umaga. But everything is all right and even the baby is well too, buti nga at makapit ang baby niyo at wala din nangyari sa kanyang masama."



"B-Baby? Anong baby Doc?" Napakunot noo na tanong ni Carlos. Don't tell me?



"Your wife is pregnant, 3 weeks to be exact. Oh wait hindi niyo alam pareho ang tungkol doon?" Balik na tanong ng doktor sa haciendero pero dahil hindi ito agad nakasagot ay alam na niya agad.



Misty is pregnant? At natural puwede talagang mangyari 'yon at hindi din naman imposible 'yon dahil kahit kailan naman ay hindi siya gumamit ng condom kapag nagtatalik silang dalawa. But knowing his wife is really pregnant made him feel realize those thing he said to his self before he meet her. At bakit hindi ba niya naisip na puwede nga talagang mabuntis niya ito? He never think this might happen even if he always have sex with her.



"I guess hindi niyo alam pareho ang tungkol dito but congratulations." Muling sabi ng doktor.



"Hindi talaga namin alam ang tungkol dito, but thank you for informing about this Doc. Hindi niyo alam kung gaano ako napasaya ng balitang 'to." Sabi pa ni Carlos na unti-unti ng napangiti ng malawak.

This is my completed story on vip group and Patreon apps!

This is my completed story on vip group and Patreon apps!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

##maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon