CHAPTER 32

13.7K 260 7
                                    



Hi para sa mga bumili ng book ni senaotr, luis and my hottie tambay this weekend po ang dating nila.





"Sino 'yon?" Tanong ko kay Esther ng makita ko sa labas ng bahay na may kausap si Carlos na babae at kausap niya 'yon habang nakasakay ang babae sa isa pang kabayo. Nag-swimming ako sa likod kaya kaya hindi ko alam na nandito na pala si Carlos at may kasama pala. 


"Ah si Senyorita Clara po 'yan, taga do'n po 'yan sa hacienda ng mga Trinidad sa San Felipe." Sagot naman ng kasambahay na abala na naglilinis sa loob ng bahay. 


Tumango-tango naman ako, taga San Felipe? So sa kabilang bayan pa pala. "Eh anong ginagawa dito? Kanina pa ba sila nandito ni Carlos?" Tanong ko ulit. 


"Kaibigan po 'yan ni Senyorito pero mukhang may gusto nga po 'yan kay Senyorito Carlos dahil madalas 'yan magpunta dito tapos ayan po oh may dala siyang pasalubong kanina." Tinuro pa ni Esther ang naka-bilaong pagkain na nasa lamesa pero hindi naman na 'yon nilapitan ni Misty Faith para tingnan pa. 


Napasimangot naman ako, hindi ba alam ng babaeng 'to na may asawa na si Carlos? At ako ang asawa niya? Narinig ko pa ang pagtawa ni Carlos habang nakikipag-usap sa babae at para bang nainis ako. Galing ah, parang binata at walang asawa man lang. 




"Wag po kayo mag-alala Ma'am Misty kayo naman po ang asawa ni Senyorito saka madalas din naman po talaga 'yan dito magpunta." Paliwanag naman ni Esther ng mapansin na parang nakakunot noo ang asawa ng Senyorito niya. 


Pero maya-maya lang ay narinig na nila ang pag-alis ng dalawang kabayo na sinasakyan ng dalawa at mukhang mag-iikot ang mga ito sa hacienda. Doon naman na binuksan ni Misty Faith ang pintuan at tinanaw pa talaga ang asawang si Carlos. 


"Baka po mag-iikot lang sila sa hacienda, ganyan naman po ang ginagawa nilang dalawa kapag nandito po si Senyorita Clara." Sabi pa ni Esther. 




"Gano'n ba sige pupunta din muna ako sa kuwadra at titingnan ko muna si Snow white." Paalam ko kay Esther, alas kuwatro na din naman ng hapon at alanganin ng matulog kaya do'n na lang muna ako sa kuwadra. 



"Sige po Ma'am sabihin ko na lang po kay Senyorito na nandoon kayo kapag hinanap niya kayo mamaya."


  Naglakad na si Misty Faith papuntang kuwadra, dalawang Linggo na ang nakakalipas simula ng bilhin ng asawa niyang si Carlos ang puting kabayo na pinangalanan niya ngang Snow white. At nitong mga nakaraang araw nga ay madalas siyang mag-practice sa pangangabayo dahil nagpaturo din talaga siya sa asawa niya. At mukhang magkasundo din talaga sila ni Snow white dahil hindi ito kailanman naging agresibo kapag sinasakyan niya. 


"Kayo po pala Ma'am Misty, magandang hapon po." Bati ng kanang kamay ni Carlos na si Jimuel. 


"Nandito ka pala, magandang hapon din." Sabi ko naman. "Puwede ko bang ilabas si Snow white?" Tanong ko, baka kase kakakaen lang ng kabayo kaya nandito din si Jimuel. Pagka-gano'n kase ay hindi puwedeng sakyan ang kabayo. 




"Opo Ma'am wala pong problema." Ani ni Jimuel na agad pumunta sa kulungan mismo ng puting kabayo na si Snow white, sinundan naman siya ni Misty Faith. "Kayo lang po ba ang nandito? Hindi niyo po yata kasama si Senyorito Carlos." 


Sumunod lang ako sa kanya habang nilalabas niya si Snow white dito sa kuwadra. Busy 'yong Senyorito niyo sa bisita niya at mamaya lang talaga 'yang Carlos na 'yan sa akin. Gusto ko sanang sabihin pero siyempre nahiya naman ako. "Oo ako lang, nag-iikot daw si Carlos sa hacienda sabi ni Esther." Nakangiti kong sagot, si Jimuel ang isa sa nakakita sa akin sa hangganan ng hacienda Elizondo at hacienda namin noong muntik na akong pag-samantalahan ng tauhan ni Tiya Emilia kaya naman malaki din ang utang na loob ko sa lalakeng ito. At buti nga hindi sila nagdalawang-isip na tulungan ako at patayin pang-samantala ang kuryente sa electric fence sa mga pagitan ng dalawang hacienda.  



"Sige po Ma'am pero kaya niyo na po ba talaga 'to mag-isa? O dito po muna ako at para mabantayan ko kayo habang nangangabayo." Tanong pa ni Jimuel na inalalayan si Misty Faith na makasakay kay Snow white. 


"Kaya ko na 'to saka hindi din naman ako lalayo at alam ko din naman na may ginagawa ka pa sa kuwadra." Hinimas ko ang ulo ni Snow white, napakaganda at napaka-kinis talaga ng balat niya. Noong mga unang araw nga niya dito ay maaga ako gumigising at pinupuntahan siya gusto ko kase na masanay siya sa akin. 




"Sige po Ma'am basta wag na lang po kayo lumayo ha at dito na lang po kayo mangabayo sa labas ng kuwadra." 



"Oo, sige Jimuel salamat." At saka ko hinila ang tali ni Snow white natuwa naman ako ng lumakad na siya habang sakay-sakay na ako. 





  Mag aalas singko naman ng hapon nakabalik si Carlos sa bahay niya at hindi naman na doon nagtagal pa ang bisita niyang si Clara na ipapakilala niya sana sa kanyang asawa pero hindi na nangyari dahil wala pala si Misty Faith doon. 



"Kung nandito lang si Misty kanina gaya ng sabi mo, eh nasaan na siya? Bakit wala dito?" Naka-pameywang na tanong ng haciendero sa tauhan niyang si Jimuel, mag-aalas sais na at halos isang oras na niyang hinihintay ang asawa niya na umuwi pero wala pa din ito hanggang ngayon. Kaya naman pumunta na siya ng kuwadra pero maging ang kabayo na si Snow white ay wala pa din dito. 



"Oo nga po, 'yon nga po ang sabi ni Ma'am Misty kanina Senyorito diyan lang daw po siya sa labas pero baka po nag-ikot-ikot siya." Kakamot-kamot na sagot ni Jimuel. 



Muling tumingin si Carlos sa labas ng kuwadra dahil hindi niya mapigilang mag-alala, kaya nga umuwi na sila ni Clara kanina sa bahay niya dahil umambon-ambon na kanina noong nasa taniman sila ng mga mangga. Tapos heto na nga at madilim na ang langit at mukhang babagsak na talaga ang malakas na ulan ano mang oras. 



"Ilabas mo ulit si Bangis at hahanapin ko si Misty Faith, pati 'yong ibang tauhan radyuhan mo nga kung nakita ba nila ang asawa ko." Ani ni Carlos ng balingan niya si Jimuel, naiisip niya na baka kung ano ng nangyari sa asawa niya kaya hindi pa nakakabalik hanggang ngayon. At isa pa hindi pa din naman ito gano'n karunong sa kabayo, oo marunong na itong sumakay at maamo sa kanya si Snow white pero paano kung biglang maging agresibo ang kabayo? Paano na lang. 



Dali-dali namang nilabas ng tauhan ni Carlos ang kabayo nito na kakabalik lang sa kuwadra, agad sumakay doon ang haciendero at hinila ang renda ng kabayo at pinatakbo agad ng matulin para hanapin si Misty Faith. 

#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon