CHAPTER 03

18.1K 361 15
                                    


Daily updates, kukunin ni Lord 'yong magmamadali sa story na 'to.





"Yon lang sinabi ko sa 'yo Misty pero hindi mo pa nagawa!" Galit na turan ni Donya Emilia habang hawak-hawak sa buhok ang pamangkin at hila-hila ito papunta sa isang kuwarto dito sa bahay niya. 




"P-Pero Tiya hindi ko naman kasalanan 'yon, a-ayaw lang talaga pumayag ni Carlos sa gusto niyo dahil pera daw ang kailangan niya." Sabi ko naman sa pagitan ng pag-iyak ko, masakit sa anit ang pagkakasabunot niya sa akin at kapag pumalag pa ako ay alam kong mas masasaktan lang ako lalo. 




"Ponyeta Misty inakit mo sana ang Carlos na 'yon para wala na tayong problema!" Binuksan ng Donya ang isang pintuan at itinulak papasok doon ang dalaga. "Wala ka talagang silbi na bata ka at humanda ka lang sa gagawin ko sa 'yo mamaya dahil hindi ko 'to palalampasin!" Yon lang at isinara niya na ang pintuan.  




"Please Tiya Emilia buksan niyo po 'yong pinto parang awa niyo na. Tiya! Tiya!" Umiiyak na sabi ko habang ginagalaw-galaw ang door knob ng kuwartong pinag-dalhan sa akin. Nagalit siya ng umuwi ako dito sa hacienda, pero ano bang magagawa ko kung ayaw naman talaga ni Carlos? Galit na galit sa akin si Tiya na para bang ako pa ang may kasalanan ng nangyayaring ito sa kanya kahit wala naman akong kasalanan kung tutuusin. 




Pero wala ng nagawa si Misty kung hindi mapaupo na lang sa sahig, naalala niya pa kanina na maski ang dalawang kasambahay dito ay wala din nagawa ng makitang sinasaktan siya kahit naaawa ito sa kanya. Nandoong sabunutan at sampalin siya ng tiyahin dahil wala daw siyang silbi at hindi man lang nakatulong. Pero mas natakot siya ng sabihin nito na humanda siya mamaya, hindi naman siguro tototohanin nito ang sinabi sa kanya kahapon na ipapalapa siya sa mga tauhan nito diba? O dapat hindi na lang siya bumalik pa dito dahil alam naman niya kung tutuusin ang mangyayari sa kanya pero bumalik pa din siya. 





   Uhaw at gutom ang nararamdaman ni Misty dahil hindi niya na alam kung anong oras na ba, pero isa lang ang sigurado gabi na dahil kita niya 'yon sa maliit na bintana dito sa loob ng kuwarto. Sinubukan na din niyang buksan 'yon kanina pero kahit mabuksan pala niya ay hindi naman siya magkakasya doon. Hanggang sa makarinig siya ng naglalakad sa labas ng kuwarto at huminto 'yon sa labas ng pintuan. She felt relieved in instant dahil mukhang palalabasin na siya ng Tiya Emilia niya. Pero nawala ang panandaliang saya niya at napalitan ng takot ng makita kung sino ang nasa labas. At wala 'yong iba kung hindi ang tatlong tauhan ng Tiya Emilia niya. 




"T-Teka saan niyo ako dadalhin? Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko ng hawakan ako ng dalawang lalake sa magkabilaan kong kamay. Pilit akong pumiksi sa pagkakahawak nila pero tinalian naman ng isa pa ang bibig ko. 




Dinala si Misty Faith kung saan nilalagay ang lahat ng nakukuhang mga damo at dayami para sa mga baka na narito sa hacienda. Malapit lang din 'yon sa mismong bahay kung saan sila nakatira ng tiyahin, tanging maliit na ilaw lang ang bukas sa loob pero ang takot na nararamdaman ng dalaga ay hindi mapatid-patid. 




"Matagal ko na talagang pinagnanasahan itong pamangkin ni Donya Emilia eh." Sabi ng isang lalake doon na malaki ang katawan saka walang sabi na binagsak nila sa ibabaw ng mga nakasalansan na damo ang dalaga. 




Kilala ko sila, sila ang masasabi kong malapit na mga tauhan ni Tiya Emilia, at matagal na din silang naninilbihan dito sa hacienda. "P-Please m-maawa kayo sa akin, k-kung ano man ang balak niyo wag niyo ng ituloy pa." Napausog ako at kahit nalagyan na ng damo ang damit na suot ko ay wala na akong pakealam pa. Wala na nga din akong suot na tsinelas na nahubad ko kanina habang dinadala nila ako dito at pilit akong kumakawala sa kanila. 




M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon