CHAPTER 05

17.2K 357 15
                                    





Last update for this week, happy weekend! My hunky uncle is now on going on Patreon and vip group. This is pay to read story.






"Are you insane? Dapat hindi mo siya tinulungan Carlos, or dapat pinaalis mo na siya agad kanina ng magising siya." Sabi ng kaibigan at kuwarenta anyos na si Wilde. 



Humithit muna ng hawak na sigarilyo si Carlos at saka bago nagsalita. "She need help and I guess wala naman siyang ibang mapupuntahan kung paalisin ko naman siya dito." 



"Still, baka magka-problema ka lang niyan sa huli. Saka hindi pala biro-biro lang ang mga balita sa Donya Emilia na 'yan at talaga din naman pa lang masama ang ugali." Wilde shook his head, he's a congressman on their town Colores and Carlos is one of his dearest friend. Parang kapatid na ang turingan nila sa isa't-isa at ayaw niya lang syempre na magka-problema ito. 




"Don't worry paaalisin ko din naman siya dito sa hacienda kaya wala ka dapat ipag-alala." Ani ni Carlos, pero sa totoo lang ay parang nakonsensiya siya sa nangyari sa dalaga. Kung siguro pumayag siya sa pinunta nito dito kahapon ay hindi siguro 'yon mangyayari dito. But it doesn't mean na hindi na siya maniningil sa Donya dahil ngayong alam niyang masama at hayop pala ang ugali nito ay lalo lang niya itong sisingilin sa utang nito sa kanya. 


"Siguraduhin mo lang pare, baka mamaya ikaw pa ang mapasama niyan sa huli." Sabi pa ni Wilde na napapailing na lang sa desisyon ng kaibigan. 



    Para namang mas lalong hindi naging komportable si Misty Faith ng hatiran pa siya ng pagkain sa loob ng silid. Pero hindi na din siya nahiya dahil gutom na din talaga siya, maghapon kahapon siyang hindi nakakain kaya naman kumakalam na din talaga ang sikmura niya. 


"Akala po namin hindi totoo ang chismis na masama pala ang Donya Emilia na 'yon, pero ngayon naniniwala na kami." Sabi ng kasambahay na si Esther. 

Tipid akong ngumiti, parang nakakahiya talaga at nandito pa ako dahil parang alam dito sa hacienda ni Carlos ang nangyari sa akin kagabi. Pero kung sa bagay malalaman at malalaman din talaga nila lalo pa at hindi naman talaga siya ang nakakita sa akin sa hangganan kung hindi ang mga tauhan niya. At oras na gumaling ako ay gusto ko silang makilala at mapa-salamatan sa pagtulong nila sa akin. 



"Siya nga po pala Ma'am may mga pinabili po pala kanina si Senyorito na mga damit para sa inyo. Teka po at kukunin ko."


Umalis si Esther at saka lumabas ng silid, habang nagpatuloy naman si Misty Faith sa pagkain. Ang sarap ng sinampalukang native na manok na ulam niya at para ngang mauubos niya ang isang mangkok na ulam na dinala sa kanya. May lagnat pa din siya at makirot pa din ang sugat sa paa at pati na ang buong katawan niya pero kampante naman siya na gagaling din agad. 




"Kami po ni Miriam ang bumili niyan Ma'am sa bayan kanina, at sana po magustuhan niyo." Sabi ni Esther na inabot sa dalaga ang isang plastic bag, binigyan sila kanina ng Senyorito Carlos nila ng pera at inutusang bilhan ng damit si Misty. 



"W-Wag niyo na po akong tawaging Ma'am, Misty na lang po o kaya Faith." Magalang kong sabi, kinuha niya ang pinag-kainan ko at saka ko tiningnan ang plastic na inabot niya sa akin pagkatapos. Kilala ko ang supot na ito at ito 'yong nag-iisang branded at mahal na shop sa bayan ng Colores. Iba't-ibang klaseng damit ang naroon pero may mga pang-bahay at saka may mga dress din. Mero'n din akong nakitang tsinelas na parang ang mahal naman sa halagang 999 pesos. Pati underwear at saka bra ay mero'n din, pero hindi ko naman kailangan ng bra dahil hindi naman ako nagsusuot no'n. 

"Yon po kase ang bilin sa amin ni Senyorito Carlos, Ma'am daw po ang itawag namin sa inyo."



Pero hindi ako sanay na tawaging gano'n. "Maraming salamat po dito." Nginitian ko siya, parang ibang-iba ang mga kasambahay dito sa hacienda Elizondo dahil mas mukhang masayahin sila at hindi katulad ng sa amin na parang laging stress at inis sa buhay dahil din sa ugali ni Tiya Emilia.


"Naku kay Senyorito po kayo magpa-salamat Ma'am at siya po talaga ang nagpabili niyan. Oh sige na po at dadalhin ko lang po ito sa kusina. Magpahinga na po muna kayo diyan para gumaling kayo agad." Paalam ng kasambahay at saka kinuha ang tray na pinag-kainan ni Misty Faith. 



   Hapon na bumalik si Carlos sa kanyang mansyon, hindi naman talaga gano'n kalaki ang bahay niya dahil bungalow house 'yon. Pero kase malawak at talaga nga namang nasa mismong gitna ng hacienda nakatirik ang bahay niya. His house is made of woods and cement, meroong walong kuwarto doon na hindi din niya alam hanggang ngayon kung bakit ba gano'n kadami ang pinagawa niya. Gusto niya din presko at maraming bintana ang buong bahay niya na nasunod naman. Iba ang tinutuluyan ng mga kasambahay niya at mga tauhan dito, pinagawan niya ito ng sarili-sariling mga kuwarto na para sa mga lalake at babae. Hindi naman 'yon malayo dahil katabi lang din halos ng mismong bahay niya. Nakagawian lang talaga na tawaging mansyon ng mga tauhan niya ang bahay niya dito sa hacienda. Matapos niyang makababa sa kanyang kabayo ay kinuha naman 'yon ng isa sa caretaker ng mga alaga niya. Saka siya pumasok sa loob ng bahay. 


"Carlos.." Nagulat pa ako ng bigla na lang siyang pumasok sa loob ng kuwarto at hindi man lang talaga kumatok. And speaking of kuwarto, kanya pala talaga ito mismo at dito talaga siya natutulog. Kaya pala ganito kalaki at may sarili pa talagang banyo.



"How are you? May lagnat ka pa ba?" Ani ni Carlos na nilapitan ang dalaga at dinikit ang palad sa noo nito. "May lagnat ka pa nga, uminom ka na ba ng gamot?" Wala ng pasakalye na tanong niya agad dito.


I nodded, he's very intimidating. Parang hindi siya puwedeng biruin o kaya naman magbiro sa kanya dahil napaka-seryoso ng itsura niya.


"May mga pinabili akong damit para sa 'yo kanina. Binigay na ba?" Tanong pa ulit ng binata, mukhang kagigising lang dalaga pero ang kaso may lagnat pa din pala ito hanggang ngayon.


"Oo, salamat nga pala doon." Nahihiya kong sabi, hindi ko alam kung pinakita ba muna sa kanya ng mga kasambahay niya sa kanya 'yong mga damit na pinabili niya dahil kung oo parang mas nakakahiya lalo.



"Don't mind it, anyway pinapahanap ko sa mga tauhan ko ang gumawa sa 'yo ng katarantaduhan kagabi. Dahil kailangan nilang pag-bayaran ang ginawa nila sa 'yo."


"H-Ha? P-pinapahanap mo? Naku hindi na, saka baka nga alam ni Tiya Emilia na nandito ako sa hacienda mo." 'Yon talaga ang naiisip ko lalo pa at alam ng tatlong tauhan niya kagabi na dito ako nagpunta. "Baka kase magalit lang si Tiya sa akin lalo, at ayoko naman na bigla na lang sumugod si Tiya dito at baka pati sa 'yo ay magalit ka pa." Dahil alam ko nagsabi talaga ang mga tauhan ni Tiya tungkol sa nangyari kagabi sa akin, at syempre ayoko naman na magkagulo kami dito.


"I'm sure alam na ng tiyahin mo na nandito ka, but don't worry as long as you're here with me you are safe." Siguradong sabi ni Carlos.



"P-Pero hindi mo naman siguro ako sisingilin sa mga tulong mo sa akin diba?" Kabado man pero natanong ko pa din.


Carlos pulled the chair and put it beside of the bed. "Well, dahil natanong mo naman na ang tungkol diyan." Naupo muna siya at dumek-kuwatro bago nag kibit balikat.



"S-So sisingilin mo ako gano'n ba?" My God wala nga akong dala na kahit ano eh, maging cellphone ko nga ay wala sa akin kaya anong masisingil niya sa akin?




"Yes, hindi ka naman na puwedeng bumalik sa hacienda niyo dahil tiyak na magagalit lang lalo sa 'yo ang tiyahin mo. At hindi din naman kita papayagan na bumalik pa doon kahit gusto mo o gumaling ka na. So in return, kailangan mong mag-pakasal sa akin."



"A-Ano? Ayoko nga! No way."




#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon