Last update for this week, grabe pagod ko ngayong week na 'to sa pagsusulat🥴
Happy weekend!Sa 31 po ang raffle ng paid book raffle, congrats in advance sa mananalo ng book ni Daddy Marcus, Bullet at Samuel! And yes may ilan pa pong available na number. 50 php po ang pag join!
Hindi ko alam kung anong oras na pero simula ng tumagilid ako ng higa ay hindi ko na magawang makatulog pa. How I'm able to sleep now if Carlos is now here inside of the room? At hindi ko din alam kung tulog na ba siya o ano. At gusto ko mang tumihaya ng higa dahil kanina pa ako hindi komportable sa posisyon ko ay hindi ko naman magawa dahil sa isipin na gising pa siya.
At lahat ng isipin na 'yon ni Misty Faith ay natuldukan ng magsalita si Carlos na katulad niya ay gising pa din pala.
"I know your still awake Misty.." Basag ng haciendero sa katahimikan, kahit inaantok na dahil nakainom din naman siya ay hindi naman siya makatulog. His wife still aloof with him at parang gusto na niyang tanungin kung ano ba ang kinakagalit nito sa kanya o nagawang mali dito. Akala pa naman niya ang pag-tulog niya katabi ito ay magiging dahilan para magkausap sila pero parang mas lumala lang yata.
Doon naman dahan-dahang pumihit si Misty paharap kay Carlos. Kahit anong takas niya o mag-tulog-tulugan pa siya ay hindi na matatago ang katotohanan na asawa na niya ito. And she need to practice sleeping with him beside her, dahil 'yon din naman talaga ang dapat sa tulad nilang mag-asawa na.
"S-Sorry, naninibago pa kase ako." Hindi man ako makatingin sa kanya ng diretso ay atleast nasabi ko naman sa kanya. At siguro naman maiintindihan niya ako dahil biglaan naman ang lahat ng nangyari sa aming dalawa. "First time ko lang kaseng may makatabi sa higaan, tapos lalake pa." Sabi ko pa.
Unti-unting ngumiti si Carlos, his friend Wilde was right. He really married a naive woman, maliban sa mukha itong inosente ay hindi din matatago na mahiyain ito at hindi pala-salita kagaya ng ibang babae. "I know, at pareho lang tayo Misty dahil ikaw lang ang babaeng pinatuloy ko sa kuwarto ko."
Tumaas naman ang tingin ko sa mukha niya, kanina ko pa talaga iniinda ang lamig ng aircon dahil hindi naman ako sanay pero baka kase kaya siya nag-palagay no'n ay dahil naiinitan siya. Mero'n man aircon sa hacienda ni Tiya Emilia ay sa kuwarto niya lang 'yon at sa dalawa niyang anak na pinsan ko. Pero 'yong akin wala at tanging electric fan lang ang gamit ko sa kuwarto ko. "Hindi ako naniniwala."
Carlos hissed. "Anong hindi naniniwala? You don't believe that you're the only woman I let inside of my room?"
"O-Oo." Mabilis kong sagot, sabi kanina nila Esther bago ako pumasok dito sa kuwarto ay nag-iinom daw sila Carlos at kaibigan nito kanina. Pero bakit parang hindi naman siya amoy alak?
"Misty!" Medyo tumaas ang boses ng haciendero ng ilapit ng asawa ang sarili sa kanya at inamoy siya. "What are you doing?"
"Inaamoy ka, diba nag-inom ka ng alak kasama 'yong kaibigan mo? Pero hindi ka naman amoy alak."
"Dahil naligo ako sa kabilang kuwarto bago ako nagpunta dito." Ani ni Carlos na bumilis ang tibok ng puso sa paglapit na ginawa sa kanya na 'yon ng asawa. Fuck, inamoy ka lang pero kinabahan ka na Carlos? At talagang sa isang babae mo pa naramdaman ang gano'n!
"Wag kang magagalit ha, pero naiinis pa din ako sa 'yo Carlos. Hindi tama 'yong ginawa mo noong nakaraan kaya hindi kita pinapansin."
His mouth parted. What the?
"Oo galit ako sa mga tauhan ni Tiya Emilia dahil sa ginawa nila sa akin pero sana hindi mo na sila tinali sa mga kabayo mo tapos pinatakbo dito sa hacienda mo." Dugtong ko pa, first time kong makakita ng gano'n at alam kong kahit may kasalanan sila sa akin ay may tamang proseso para doon. Isa pa ayokong maging masama siya sa mata ng mga tao dahil parang siya ang gumanti para sa akin.
Parang hindi naman makapaniwala sa sinabi na 'yon ni Misty si Carlos. "Anong hindi tama? That's the right thing to do, buti nga at namukhaan sila ng mga tauhan ko at nahanap sila eh. They almost raped you Misty at kung hindi ka nakatakbo dito sa hacienda ko ay tutuluyan ka ng mga hayop na 'yon." May galit na sabi niya, he should be thankful on the first place dahil matandain ang mga tauhan niya at nakilala ang mga humahabol noon kay Misty.
"A-Alam ko pero dapat sinumbong mo na lang sila sa mga pulis at hindi mo na lang sila ginanon. Saka saan mo na sila dinala sige nga?" Nakataas pa ang isang kilay na tanong ni Misty sa asawa, alam niyang kayang gumawa ni Carlos ng mga bagay na masasamang tao lang ang puwedeng gumawa. O kaya naman mag-utos ito ng kung ano sa mga tauhan niya at 'yon ang ayoko.
"Tsk, kung ako lang puwede ko silang ilibing dito ng buhay sa hacienda ko ng walang nakakaalam kung nasaang lupalop na ba ang mga animal na 'yon." Sabi pa ni Carlos, bago niya pa ipatali ang tatlong tauhan na muntik ng gumahasa kay Misty ay binugbog niya muna talaga ang mga 'yon. Ewan niya pero naaalala niya kase ang itsura ni Misty ng dalhin ito ng mga tauhan niya dito sa bahay niya na walang malay at punit-punit ang mga damit. Dahil kung nahuli-huli lang talaga ay baka hindi lang 'yon ang inabot nito sa tatalong lalakeng 'yon.
"Carlos!" Nahampas ko nga siya sa balikat niya. Anong ilibing ng buhay? Eh mas masama 'yon dahil bawal naman pumatay. "Masama 'yang iniisip mo no!"
Shit wala pa nga kaming isang Linggo na mag-asawa pero parang magiging battered husband na ako sa kanya. "I brought them to the police station, ako na din ang nag-kaso sa kanila dahil sa ginawa nila sa 'yo." Pero syempre hindi lang attempted rape ang kinaso niya sa tatlong 'yon dahil lahat ng puwedeng ikaso ay kinaso niya sa mga ito. Including trespassing and attempted murder at sisiguraduhin din niyang mabubulok ang mga ito sa kulungan at hindi na makakalabas pa.
"S-Salamat naman, ayoko lang na may gawin kang hindi maganda. At bahala na ang mga pulis sa kanila."
"Tsk, isang utos ko lang sa mga pulis na patayin ang tatlong 'yon siguradong gagawin na nila." Sabi pa ni Carlos, o kung hindi man ang mga pulis ay mag-utos na lang siya sa mga nakakulong din doon na patayin ang tatlong 'yon para tapos na ang problema. One thing he learned from life is you need to fight sometimes for your own sake, lalo na kung naargabyado ka na at hindi na maganda ang ginagawa sa 'yo ng tao.
"Yan ang wag mong gagawin Carlos dahil masama 'yan at magagalit ako sa 'yo." Sabi ko sa kanya.
Hinila ni Carlos ang kumot hanggang sa dibdib niya, he didn't brought his own blanket dahil alam niyang mero'n naman 'yon dito sa kuwarto niya na siyang gamit-gamit nga ni Misty Faith. "I can't peomise to be nice all the time Misty and 'yon ang tatandaan mo. Sa totoong buhay kailangan hindi ka papayag na magpa-argabyado lalo na kung nasasaktan ka."
Natahimik naman ako sa sinabi niyang 'yon. parang may pinang-galingan ang sinabi niya. "M-Matutulog na ko and please wag kang gagawa ng hindi maganda." It maybe sound rude but once I fell asleep ay tulog talaga ako. Baka kase may hindi siya magandang gawin kaya mabuti na 'yong nagbibilin.
"Don't worry kung may gusto man akong gawin sa 'yo ay gusto ko din na gising ka at aware ka sa gagawin natin." Puno ng kahulugan na sabi ni Carlos. "Goodnight wife, gumising ka ng maaga bukas dahil ililibot kita dito sa hacienda ko." Sabi niya pa bago pinikit ang mga mata.
#maribelatentastories