CHAPTER 30

16.9K 306 12
                                    







Sa tinagal-tagal na nagtatrabaho sa bahay niya ang dalawang kasambahay ay kanina lamang na nag-aalmusal nakaramdam ng hiya si Carlos. Bakit? The two helper on his house saw hickeys on his neck. At hindi lang isa kung hindi apat! At natural nahiya siya dahil hindi niya sukat akalain na mero'n pala siya sa leeg no'n. Still he made his self serious and even reprimanded the two, dahil ayaw niyang mapag-tawanan ng kahit na sino.






At walang ibang salarin nito kung hindi si Misty Faith na muling natulog matapos niyang gawin itong almusal sa loob ng kuwarto nila. And Esther and Miriam was right dahil ng manalamin siya ay nakita niya ngang may mga kiss marks siya sa leeg at dahil hindi komportable sa gano'n ay tinakpan niya na lamang 'yon ng band aid pero ang siste ay nagmukha lang siyang tanga sa paglalagay no'n. Kay sa inis niya ay inalis na lang din niya at hinayaan na lang na visible 'yon sa leeg niya.





Pagkalabas ng bahay ay agad siyang sumakay sa kabayo niyang si Bangis na dinala na doon ng tauhan niya, mas pinili na lang niyang lumabas sa kuwarto nila at hayaan na makapag-pahinga ngayong araw si Misty. Whatever they had last night was something sensual and very memorable at mukhang gusto niya nga talaga kapag nakainom ang asawa dahil nag-iiba talaga 'to.



"Senyorito pinadala ko na po sa kabilang hacienda 'yong mga ibang tauhan para makapag-ayos doon." Sabi ng tauhan ni Carlos na si Jimuel na tulad niya ay nakasakay din sa kabayo. Ito kase ang pinaka-kanang kamay niya at siyang humahalili sa kanya kapag wala siya dito sa hacienda.




"Good at baka mamayang hapon ay magpunta ako doon." Ani ni Carlos na hindi mapigilang mapangiti, atlast he finally owned now the land of Donya Emilia. At siya na ang legal na may-ari no'n kaya kahit anong pagwawala pa nito kapag nagkita sila ay wala na siyang pakialam pa. "At ipatanggal mo na din ang lahat ng electric fence na harang mula dito sa hacienda papunta doon dahil akin na din naman ang lupa ni Donya Emilia ngayon."



"Sige po Senyorito, tapos po ay ipapalibot ba namin 'yon sa kabilang hacienda?" Tanong pa ni Jimuel sa amo, dahil talagang mas magandang gamitin ang electric fence dahil walang nagtatangkang pumasok sa hacienda kapag gano'n ang gamit.


"Oo at ipalinis mo ng maayos, itapon ang dapat itapon na hindi na mapapakinabangan pa. At siguraduhin niyong walang ibang tao ang makakapasok pa do'n simula ngayong araw lalo na ang mga trabahador ng dating hacienda. Hindi na kamo sila puwedeng pumasok pa doon dahil ipapahuli ko sila." Sabi pa ni Carlos, nadagdagan tuloy ng labing limang ektarya ng lupain ang pagmamay-ari niya. At pag-iisipan pa niya kung anong gagawin doon.




"Masusunod po, siya nga po pala Senyorito parating na po pala mamaya 'yong inorder niyo. Kaya sinabihan ko na din po 'yong beterenaryo na titingin do'n sa kabayo niyo mamaya na pumunta dito."




"Sige salamat Jimuel, mag-iikot muna din ako sa mga nag-aani at mamaya na tayong dalawa mag-usap." Sabi pa ni Carlos na pinatakbo na ang kabayong si Bangis. Siguradong matutuwa at masosorpresa si Misty Faith kapag nakita nito ang regalo niya dito mamaya. Kahit pa hindi niya din alam kung bakit ba siya bumili ng puting kabayo para dito, still the horse he bought will finally deliver later.





Pasilip-silip pa si Misty Faith sa labas ng pintuan ng kuwarto para alamin kung nandoon ba si Carlos o wala. At nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang tao doon pero napatili na lang siya ng may biglang humawak sa kanya at hinila siya.



"Carlos!" Sa inis ko nga ay hinampas ko siya. "Bakit ka ba nanghihila?" Akala ko na kung sino tapos siya lang pala.




"Wala lang buti naman at gising ka na." Ani ni Carlos na sinuksok ang kamay sa bulsa ng pantalon niyang suot, sakto pala ang pagbalik niya dito sa bahay dahil gising na din si Misty Faith sa wakas. "Come on kumain na tayo at may pupuntahan tayo pagkatapos."



Napahinto naman ako. "Hindi ka pa kumakain? Anong oras na ah." Sabi ko sa kanya, alas tres na kase ng hapon at ngayon nga lang talaga ako nagising. Peor bago naman ako lumabas ng kuwarto ay naligo muna ako at inayos ko 'yong higaan namin. Ako na nga din ang nagpalit ng bedsheet dahil hindi maalis-alis sa isip ko ang mga ginawa namin kagabi na ako pa talaga ang nagsimula sa aming dalawa tuwing matitingin ako sa kobre kama namin!





"Hindi pa, o baka gusto mo gawin na lang kitang tanghalian ko ngayon?" May kapilyuhan na tanong pa ng haciendero pero inunahan lang siya ng asawa papasok sa kusina.






Napahigpit ang pagkakayakap ko kay Carlos ng ma-realize ko kung nasaan ba kami. At parang hindi ako makapaniwala na nilalakaran na ng sakay naming kabayo ang mismong lupain ni Tiya Emilia. Wala na ang mga electric fence na humaharang sa dalawang hacienda at lalong wala na akong makitang trabahador ni Tiya.





"Natuloy kahapon ang pagpapa-alis ng abogado ko at mga pulis sa Tiya mo, at alam mo naman na siguro ang nangyari." Sabi ni Carlos na pinatakbo ng medyo mabilis ang kabayo niya.





"N-Nagwala si Tiya? Malamang magwawala talaga siya dahil ayaw no'ng ibigay o mapunta itong hacienda sa ibang tao." Parang nagtayuan pa ang balahibo ko dahil nandito na nga talaga kami, nandito na mismo sa hacienda namin kung saan ako mismong lumaki.





"Kahit ano pang pagwawala ang gawin niya ay wala naman na siyang magagawa pa. This is mine now, at legal lahat ng dokumentong hawak ko. Isa pa ayaw naman pala niya na mapunta ang lupain na ito sa kung sino dapat pa lang noong una ay hindi na niya sinanla ito kapalit ng perang hiniram niya sa akin."





Tama naman si Carlos, pero 'yon naman na kase ang nangyari kaya ano pa bang magagawa ko? Pero kung wala na dito si Tiya Emilia nasaan na kaya siya? Pati na 'yong mga tauhan niya dito at ilang kasama namin noon sa bahay. Saka baka isipin pa pala ni Tiya na kaya nangyari ang lahat ng 'to ay dahil sa akin at hindi ko man lang nagawang awatin si Carlos.





Inalalayan ng haciendero ang asawa na makababa sa kabayo ng makarating sila mismo sa bahay ni Donya Emilia. May parte dito na giniba pero hindi ang mga tauhan niya ang may gawa nito kung hindi ang mga tauhan ng matanda kahapon.





Humawak ako sa kamay niya habang tumingin sa paligid. Mero'n siyang mga tauhan na nandito at nililinisan ang lugar. Ang kalat at hindi kagaya noong nandito pa ako, ako kase ang nagkukusang maglinis no'n dito sa labas lalo na ang pagwawalis dahil ginagawa kong exercise 'yon tuwing umaga o kaya hapon.





"A-Anong plano mo dito? I mean anong gagawin mo dito ngayong sa 'yo na 'to? Huwag mong ipapaalis 'yong mga puno ha, sayang."





Carlos smiled, ang mga puno pa talaga ang naisip niya ha. "Hindi ko naman ipapaalis 'yan, beside may nalaman pala ako kaya kita dinala dito."





I frowned. "Anong nalaman mo?"




"Nalaman ko lang naman na ampon pala si Donya Emilia ng mga Lolo at Lola mo so meaning legally ang magulang mo talaga ang dapat may-ari nitong hacienda pero dahil maagang namatay ang nanay mo at ang tiyahin mo na lang din ang buhay ay siya na lang ang nagpatuloy at nagpatakbo nito. But legally this should be your land Misty Faith and not to Donya Emilia."




#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon