CHAPTER 08

17.5K 336 7
                                    






"Misty are you okay?"



'Yon ang nagpabalik sa akin sa huwisyo ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko, I was looking on the wedding ring in my finger. Parang hindi pa din ako makapaniwala na kasal na talaga ako, but I know the simple wedding we had awhile ago was real. Dahil mismong judge ng bayan namin dito sa Colores ang nagkasal sa aming dalawa kanina. At mukhang mahal din ang bili ng suot kong singsing na binigay nga kanina sa akin ni Carlos. 



"S-Sorry okay lang ako." Sabi ko ng makita ko si Carlos na nasa harapan ko pala. At gano'n ba kalalim ang iniisip ko para hindi ko man lang marinig na pumasok pala siya sa kuwarto na hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto?



Naupo naman si Carlos sa harapan ng ngayon ay asawa na niyang si Misty Faith, sino bang mag-aakala na sa edad niyang apatnapu ay mag-aasawa pa siya? Maski siya ay hindi alam kung bakit ba inalok ng kasal si Misty ng gano'n lang. And their wedding is legal too, hindi 'yon kasal-kasalan lang dahil tunay na talaga silang mag-asawa ngayon. "Are you sure? Hindi ka pa kumakain simula kanina. Don't tell me nagsisisi ka na dahil nagpakasal tayo kaya ang lalim ng iniisip mo."



"N-No, hindi sa gano'n." Nahawakan ko pa tuloy 'yong kamay niya sa pagka-bigla sa sinabi niya sa akin. Nagsisisi? That's not what I felt but maybe I just can't believe I am his wife now, na asawa ko na talaga si Carlos Elizondo na isa sa pinaka-mayaman hindi lang dito sa Colores kung hindi sa buong probinsiya namin.



While Carlos made sure Misty don't see that he was shocked when she held his hand. Parang nakuryente ang pakiramdam niya ng hawakan nito ang kamay niya, at paghawak lang 'yon ha!



"T-Totoo talaga 'yong kasal natin diba? I mean hindi 'yon kasal-kasalan." Tanong ko pa sa kanya, pero mukha namang totoo talaga 'yong kasal na ginanap kanina dito mismo sa bahay niya kaya bakit pa ba ako nagtatanong. 



Carlos smiled when he saw her bit her lips after she talked. "Of course our wedding is real Misty." Sagot niya dito, ang kaibigan nga lang niya na si Wilde ang nandito kanina para maging saksi sa kasal niya ngayon. Maliban sa ito lang din naman kase ang malapit niyang kaibigan na malapit din lang dito sa hacienda niya ay madalian lang din talaga ang kasal nila kaya ang iba niyang malalapit na kaibigan ay hindi na niya inimbitahan pa. And for sure once his friends knew about his wedding they will go here without calling him.



"O-Okay.." Hinila ko ang kamay ko na napahawak sa kanya at nahihiya siyang tiningnan. "Hindi ko lang alam kung paano kapag nalaman ni Tiya Emilia ang tungkol dito. B-Baka manggulo siya o kaya naman puntahan niya ako dito Carlos." 



Pinisil ni Carlos ang kamay ni Misty, she looked so beautiful on her white dress, siya ang personal na pumili at bumili no'n kahapon at talagang sumaglit pa siya ng Maynila at doon nga 'yon binili at buti na lang ay kasya din talaga dito ang nabili niya. Hindi pa ito nakakalakad ng diretso kaya naman inaalalayan niya pa, pinaayos lang niya ang likod bahay kung saan nandoon ang pool area dahil doon sila nagpakasal. "Hindi ko hahayaan na puntahan ka niya dito o kaya kunin ka pa sa akin Misty."



"Salamat kung gano'n, pero 'yon lang kase ang iniisip ko kanina pa."



"Don't mind it, habang nandito ka sa hacienda ko ay walang puwedeng may manakit sa 'yo dito. I will protect you at all cost because you are my wife now." Parang gusto pa ni Carlos na halikan ang nakaawang na bahagya na mga labi ni Misty pero baka magalit ito sa kanya kapag ginawa niya 'yon. Magalit? But we are already married right? And kissing her is normal as husband and wife. 



"C-Carlos.." Teka bakit ganito siya makatingin sa akin?



"We only had smacked kissed earlier, and as your husband baka puwedeng humingi ako ng maayos na halik sa asawa ko ngayon."  Sabi pa ni Carlos.



"A-Ano?" Pero wala na akong nasabi pa dahil bigla na lang niya akong hinawakan sa aking beywang at hinila palapit sa kanya. He kissed my lips, wait hindi ito katulad kanina ng ginawa naming halik na mabilisan at dampi lang! Kung hindi ito na ang totoong halik!



Kinuha naman ni Carlos na pagkakataon ang nakaawang na labi ni Misty dahil ipinasok niya ang dila sa loob noon. She don't know how to kiss but he's willing to teach her of course, at siguradong hindi lang pag-halik ang kaya niyang ituro dito kung hindi marami pa. Maraming-marami pa.



Naitukod naman ni Misty ang kanang kamay sa matipunong dibdib ni Carlos, hindi niya lang basta nalasahan kung hindi naamoy niya din ang mabangong hininga nito habang hinahalikan siya. Is he going to claim me now? Dahil kung oo ay hindi pa ako handa! 



Pero huminto din naman si Carlos sa paghalik sa kanyang asawa, kung ibang babae lang siguro ito ay baka kahit tanghaling tapat ay pinapa-ungol niya na ito pero iba kase si Misty. Plus he knew she's still a virgin so.. "You have like a satin lips Misty, ang lambot ng mga labi mo." Sabi pa niya ng paraanan ng kanyang hinlalaking daliri ang labi nito na kahahalik niya lang. 



Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya, para akong mauupos na kandila kapag tumitig ako sa mga mata niya. Kaya umiwas na lang ako ulit. "Halika na at nagugutom na ako, gusto kong kumain." Hinila ko siya ulit para tumayo na kami, baka kase may iba pa siyang plano lalo at nandito kami sa loob ng kuwarto niya. Eh hindi puwede 'yon no! Hindi pa ako handa sa iniisip niya!



Carlos smiled again while shaking his head, mukhang alam ni Misty ang tinatakbo ng isip niya ngayon ha. "Okay let's go then, pero lumabas muna tayo dahil may surprise ako sa 'yo." 



"S-Surprise? A-Anong surprise?" Takang tanong ko sa kanya. 



"Basta sumama ka na lang." At saka inalalayan ni Carlos ang asawa na lumabas ng kuwarto nila. 



At kahit kinakabahan sa sinasabi niyang sorpresa ay humawak na lang din ako sa kamay niya para lumabas. 



Carlos brought her outside of his house, nakita niya ang tauhan doon na si Jimuel na agad niyang sinenyasan. 



At halos manglaki ang mata ko ng makita ko ang sinasabi niyang sorpresa, noong una nga ay hindi ko pa alam kung ano ba ang sinasabi niya dahil ang una ko lang napansin ay ang tatlong kabayo na may sakay na tauhan niya pero ng naglakad na din ang mga kabayo malapit sa tapat namin ay doon ko lang napansin na may mga tao pa lang nakatali sa mga ito at hila-hila. 



"Patakbuhin niyo na ang mga putanginang 'yan Jimuel, gusto ko sugat-sugat din sila pagbalik niyo dito." Sigaw ni Carlos sa tatlong tauhan na sakay ng kabayo at may hila-hilang tatlong lalake na nakatali ang mga kamay. 



"Sige po Senyorito." At saka tinapik na ng tatlong tauhan ni Carlos ang mga kabayo kung saan sila nakasakay at dahil doon ay hindi na lang basta naglakad ang dalawang kabayo kung hindi tumakbo na talaga ang mga ito. 



"Oh my God Carlos, kilala ko sila!" Sabi ko habang pinapanood ang ginagawa ng mga tauhan niya sa tatlong tao na nakatali sa mga kabayo. Walang iba kung hindi ang mga tauhan ni Tiya Emilia na siya din muntik gumahasa sa akin at humabol sa akin noong isang gabi. Pero paanong nandito sila?



"They deserve it, dapat din nilang maranasan ang ginawa nila sa 'yo Misty at patatakbuhin ko talaga sila dito sa lupain ko saka ko sila ililbing ng buhay dito sa hacienda." Nakangisi na sabi ni Carlos habang pinapanood at naririnig ang mga sigaw ng tatlong lalake na muntik ng manggahasa kay Misty. 'Yong dalawa sa mga ito ay nadapa na at kinakaladkad na ng mga kabayo niya at siguradong magkakasugat-sugat din ang mga ito pagkatapos. 



"Carlos!"






#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon