CHAPTER 20

18K 312 10
                                    


Hi! Long weekend ba talaga this week? Or friday lang walang pasok?




Hinayaan ni Carlos sakyan ang kabayo niyang si Bangis ng asawang si Misty Faith pero siyempre nakaalalay siya dito at nakahawak sa tali ng kabayo niya. Wala pa naman alas nuwebe ng umaga at buti na lang din hindi gano'n kainit ngayon at tirik ang araw dahil parang makulimlim pa nga. Hindi niya kailanman naisip na magtuturo siya kung paano ba mangabayo sa ibang tao dahil ang mga kaibigan niya nga ay nagpapaturo sa kanya nito pero kahit suhulan pa siya ng pera ay hindi niya din talaga tinuturuan. Pero ngayon heto at para pa siyang isang utusan na kung ano ang iutos sa kanya ni Misty ay sinusunod niya. At talagang pinahawak pa sa kanya nito ang bitbit nitong inuman ng tubig na hawak-hawak din naman niya talaga ngayon. 



"Ganito ba dapat muna kapag bago pa lang matuto nito? Iba kase 'yong napanood ko eh, ang bilis na no'ng babae patakbuhin 'yong kabayo." Sabi ko sa kanya, hinihimas ko ang katawan ni Bangis habang nakasakay ako sa kanya pero dahan-dahan lang gaya ng bilin sa akin kanina ni Carlos. At kanina nga bago ako makasakay dito ay gumamit pa talaga ako ng upuan para makaakyat lang dahil nga malaki siya, ako na lang kase ang sumakay dito sa kabayo niya at hindi na siya. 



"Iba 'yon saka baka marunong na talaga 'yon mangabayo kapag gano'n." Paliwanag ni Carlos, wala mang araw ngayong umaga ay nasisilaw naman siya sa maputing binti at hita ni Misty Faith ngayon. Kaya nga din pinaalis niya muna ang mga tauhan niya dito at pati na sa kuwadra kanina eh. Maliban sa gusto niyang masolo ito ay naka-dress lang din kase ito ngayon, pero alam naman niyang may suot naman itong shorts kaya hindi naman ito makikitaan kahit pa liparin pa 'yon ng hangin. 



"Pero ang ganda ng kuwadra mo no? Malinis tapos walang amoy sa loob saka ang laki pa." Mas nakita ko kase kanina 'yong loob ng kulungan ng mga kabayo niya, kaya din pala anim na tao ang nandoon kase ang dami na ngang kabayo ang laki pa ng buong kuwadra. Naabutan pa nga namin na nililinis 'yon kanina at ang lalaki ng ginagamit na mga pang-linis at sinasabon at zino-zonrox din 'yong bawat kulungan. Pero hindi ko alam kung dito lang din ba sa loob ng hacienda niya galing 'yong mga nakita kong dayami doon basta kanina kinuha lang namin itong kabayo niya at inilabas na dito. 



"Dahil paborito ko talaga mag-alaga nito, at dati pangarap ko lang magkaroon ng kabayo." Kuwento ni Carlos, he never dream to have many horses like what he have now. Pero kapag may natitipuhan kase din talaga siya ay agad niya 'yong binibili at hindi na niya tinitingnan pa ang presyo. At usually sa ibang bansa talaga siya bumibili kaya magastos talaga. Pero sa lahat ng kabayo niya ay ito ngang si Bangis ang pinaka-paborito niya dahil ito ang unang-unang kabayo na nabili niya. 



"Pero wala ka naman kulay puting kabayo no? tinitingnan ko kanina ang mga alaga mo sa loob pero wala naman kulay puti." 



"Why? gusto mo ba ng gano'n?" Tanong ng haciendero, wala talaga siyang kulay puti na kabayo dahil mas gusto niya ang mga kulay brown at dark brown na medyo mamula-mula ang mga balat.



"Oo, ang ganda kaya ng kulay puti." Sabi ko sa kanya. "Teka bitiwan mo na muna sandali 'yong tali para makita natin kung kaya ko na 'to na kaming dalawa lang." Sabi ko pa, hawak-hawak pa din niya kase 'yong tali dahil pag ako lang daw ay baka itakbo ako ng kabayo niya. 



Parang nagdududa namang tiningnan ni Carlos ang asawa kung kaya na ba talaga nito 'yon ng ito lang, pero dahil sanay naman sa tao ang kabayo niyang si Bangis ay kaya naman siguro nito 'yon. "Okay basta dito lang ha, at wag mo siyang tatapikin ng malakas dahil itatakbo ka talaga niyan ng mabilis at hindi ko kayo mahabol." Paalala niya pa dito. 



Tumango naman si Misty Faith at parang na-eexcite dahil siya na lang mismo ang magpapa-andar sa kabayo. Lumakad naman si Carlos papunta sa may gilid at ilalim ng puno, he watched his wife riding his horse. At tuwang-tuwa talaga ito dahil kaya na nito 'yon paandarin ng siya lang, at mukhang ka-vibes din ng alaga niya ang asawa dahil hindi ito agresibo kagaya kapag ibang tao o tauhan niya ang sumasakay dito. And she even smiling while riding his horse and calling his name. Pero sa lahat isa lang ang napansin niya, parang delikado na 'to dahil maski siya mismo ay napapangiti habang nakatingin kay Misty Faith. 





  "T-Teka hindi ba tayo uuwi? Baka lumakas ang ulan." Sabi ko sa kanya habang nagamamdali din kami na makapasok sa loob ng kuwadra niya, sumakay na din kase siya kay Bangis at ako na ang nakasakay sa bandang likod niya dahil siya na ang humawak sa tali ng kabayo. 



"Do'n muna tayo sa kuwadra hanggang tumila 'yang ulan, hindi naman siguro 'yan magtatagal." Ani ni Carlos, una siyang bumaba sa kabayo at sunod na inalalayan niya si Misty Faith na makababa doon. Kaya pala hindi maaraw kanina dahil uulan pala. "Nabasa ka na." Sabi niya pa habang nakatingin dito, basa ang buhok nito pero hindi naman gano'n kadami 'yon. 



"Okay lang ako, hindi din naman basang-basa at kaunti lang naman." Pinagpagan ko ang braso ko, wala pa naman akong dalang ano mang pamunas.



Hinubad ng haciendero ang suot na maong na jacket at inabot 'yon dito. "Suutin mo muna para hindi ka lamigin." Sabi pa niya at hinila na si Bangis papunta sa loob ng kulungan nito. 



Si Misty Faith naman ay naglakad-lakad sa loob, buti nga at tahimik lang ang mga kabayo at hindi katulad ng mga aso na maingay. Naka-tiles ang bawat kulungan pero ang kalahati naman ay lupa lang, malinis saka walang amoy dito sa loob kaya hindi ka matatakot na dumito. Lahat din ng kabayo ay nakatali pero lumalayo din siya siyempre sa takot na masipa no'n.



Matapos masigurong sarado ang kulungan ng kabayo na ginamit nila ay binigyan pa muna 'yon ni Carlos ng tubig saka niya nilapitan ang asawa. 



"Kinakain ba 'to ng kabayo o hindi?" Tanong ko kay Carlos ng pumasok ako sa isang kuwadra na puno ng mga dayami. Kulay brown na ang mga 'yon at tuyong-tuyo na talaga hinawakan ko kase at hindi naman 'to makati sa balat kapag nadikit sa 'yo. Noong maliliit pa kami ay madalas kaming maglaro sa ganito at kung minsan nga ay sasapinan namin ng malaking tela at saka hihigaan. 



"Puwede pero hindi ko siya pinapakain sa mga kabayo ko dito dahil kaunting nutrients lang naman ang mero'n 'yan at mas okay pa din talaga 'yong damo mismo." Sagot ni Carlos, rinig hanggang dito sa loob ng kuwadra ang malakas na ulan. At talagang lumakas na nga samantalang kanina naman ay ambon lang 'yon. 



Tumango-tango naman ako sabagay madalas naman talaga na nakikita kong pinapakain sa mga kabayo ay damo lang talaga at itong ganito ay baka higaan din lang nila. "Madalas kase kami noon maglaro sa mga dayami kasama 'yong dalawang pinsan ko. At minsan nga nakakatulog din kami dito kase malambot siya diba."



Carlos nodded. "Puwede naman nating gawin 'yon eh, pero hindi nga lang tayo matutulog." Kibit balikat at parang suwesyon niya.



"H-Ha? Eh ano?"



"Heto.." At saka siniil ni Carlos ng isang halik si Misty matapos niya itong hilahin. 

#maribelatentastories


#maribelatentastories

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon