CHAPTER 02

17.5K 330 10
                                    




Parang hirap na hirap maka-hakbang si Misty Faith papasok sa loob ng bahay ni Carlos Elizondo, kahit naman magiliw siyang binati ng kasambahay na naroon pagdating niya ay parang hindi pa din niya alam kung ano ba ang mangyayari sa kanya ngayon. Tinotoo talaga ng kanyang Tiya Emilia na ipadala siya dito sa kabilang hacienda kahit na ayaw niya at iniyakan na niya ito kanina. Siya daw ang ipapambayad nito sa utang nito na labing milyong piso sa haciendero. 


     "Pabalik na po 'yon si Senyorito Carlos dito, hintayin niyo na lang po." Sabi ng babaeng nasa late twenties na ang edad. 


Huminga ako ng malalim at saka tiningnan ang kabuuhan ng opisina daw ni Carlos, malaki at malinis ang loob. Meroong cabinet na puno ng libro at mga old paintings na nakasabit sa dingding. Walang aircon pero bukas naman ang malaking bintana kaya naman pumapasok pa din ang hangin kahit na alas syete pa lang ng umaga. Wala akong ideya kung ano ba ang itsura ni Carlos, pero sabi kanina ng mga kasambahay ni Tiya Emilia sa bahay ay matanda na daw ito, masungit at istrikto. Kaya mas lalo lang tuloy akong kinabahan sa isipin na 'yon, paano na lang kung sabihin niyang lumayas ako? O kaya naman bumalik na ako sa hacienda namin? I'm sure ako na ang lagot kay Tiya at siguradong sasaktan na naman niya ako pag-nagkataon. Pero gagawin ko lahat para mapapayag ko siya na bigyan pa kami ng kaunting oras na makapag-bayad ng utang. 




  Halos isa't-kalahating oras pa ang lumipas bago dumating si Carlos sa kanyang bahay sakay ng kanyang kulay itim na itim na kabayo, nag-ikot siya sa loob ng kanyang hacienda dahil anihan na sa kanila ngayon ng mga pinya. He want to make sure everything is okay during the harvest season, pang-export kase ang mga inaani dito sa hacienda niya at hindi lang basta dito sa Pilipinas dinadala ang mga 'yon. 


Isang pag-tikhim ang narinig ni Misty na umagaw sa kanyang atensyon habang tahimik na naghihintay, agad niyang nilingon 'yon at doon niya nakita ang isang lalake sa may pinto kung saan siya naroon. He's wearing a maong pants, and a color brown boots and white plain t-shirts as well. May suot din itong kulay brown na cowboy hat na inalis nito ng pumasok na ito doon. He's like a modern cowboy, very rag ang dating dahil may papatubo itong balbas tapos kitang-kita pa ang matangos na ilong. 


"And who are you?" Nakakunot noo na tanong ng binata sa babaeng nasa harapan niya. Sinabi lang sa kanya ng tauhan na may bisita siya pero hindi naman sinabi kung sino. At hindi niya din ito kilala.




Tumayo ako agad at kahit kinakabahan ay lumapit pa din sa kanya. "H-Hi, magandang umaga. A-Ako nga pala si Misty Faith." Inilahad ko pa ang kamay ko na parang nanginginig dala ng kaba pero tinapunan niya lang 'yon ng tingin at hindi man lang nakuhang makipag-kamay sa akin. "P-Pinapunta ako ni Tiya Emilia dito, g-galing ako sa kabilang hacienda." I bit my lips, I can't stand the way he's looking at me. Para akong may ginagawang kasalanan o hindi maganda dahil nakakalusaw siya kung tumingin. Saka sino ba siya? Tauhan ba siya no'ng Carlos?


Kinuha ni Carlos ang pakete ng sigarilyo sa likod ng bulsa ng suot niyang pantalon, sinindihan niya 'yon gamit ang kanyang zippo lighter at humithit muna ng sigarilyo bago siya nagsalita. "Kung pinadala ka ni Donya Emilia dito para gawing pang-bayad sa utang niya sa akin ay makakaalis ka na." 


Akin? Wait, so meaning siya si Carlos? Si Carlos Elizondo? "T-Teka ikaw si Carlos Elizondo? 'Y-Yong may-ari nitong hacienda?" Parang hindi makapaniwala na tanong ko.


Wala man lang naiba sa itsura ng binata ng tiningnan niya ang babaeng nasa harap niya, hanggang dibdib niya lang ito at tamang-tama lang ang katawan. Hindi ito mataba at lalong hindi rin payat, she's wearing a color brown dress paired with sandals. At ito na nga marahil ang sinasabi ng Donya kahapon sa kanya, ang tinutukoy nitong pamangkin na ipapambayad daw sa kanya. Pero napataas ang isang kilay niya ng mapansin ang kung ano sa dalaga, he can obviously see her taunted nips through the thin fabric of her dress! So ano 'to? pinadala ba siya para akatin ako? "Ako nga, I'm Carlos Elizondo." Iniwas niya na lang ang tingin sa dalaga at humithit na lang sa hawak na sigarilyo. 


"S-Seryoso? Are you really Carlos Elizondo?" Tanong ko ulit, kase kung siya talaga 'yon ay parang mali naman ang sinabi sa akin kanina ng ma kasambahay ni Tiya. Hindi naman siya mukhang matanda at feeling ko nga ay nasa late twenties lang siya or early thirties. Pero oo mukha siyang masungit at hindi din siya approachable na tao. 


"Hindi ko na kailangan magpakita pa ng ID sa 'yo, ang kailangan ko ay mabayaran ng Tiya mo ang utang niya sa akin kung hindi kukunin ko na 'yon sa Sabado." Ani ni Carlos, hindi siya katulad ng ibang lalake na ang kahinaan ay babae. He can have any woman he want with the snap with his finger, at kung iniisip ng Donya na madadala siya nito sa ganito ay puwes doon ito nagkakamali. 


"P-Pero kaya nga niya ako pinapunta dito para kausapin ka, w-wala pa si Tiya Emilia na pera at maibabayad sa 'yo. K-Kaya kung gusto mo ay magta-trabaho na lang muna ako dito." Sana pumayag siya dahil siguradong lagot talaga ako mamaya kapag umuwi ako sa bahay. At napa-cross finger na nga lang ako dahil baka hindi siya pumayag. 


Natawa ang binata bago muling hinithit ang sigarilyong hawak. "Mero'n akong dalawang daang tauhan, at marami na din akong kasambahay dito sa bahay kaya hindi ko tatanggapin 'yang pagpa-papunta sa 'yo ng tiyahin mo dito. I need my money back, at kapag hindi niya binayaran sa akin ang pera ng inutang niya hindi na ako magbibigay pa ng ano mang palugit dahil magsasasama na ako ng pulis at abogado sa inyo sa Sabado." 


"P-Pero wala talaga kaming maibabayad sa 'yo, saka saan kami tutuloy kung sakaling kunin mo sa amin ang hacienda?" Ako puwede akong mangupahan kahit maliit na kuwarto sa bayan pero si Tiya paano siya? Eh ayaw din naman niya pumunta sa mga anak niya




"It's not my problem anymore, ang utang ay utang at kailangan mong bayaran 'yon. Tao ka kausap at sana isakokote naman ng tiyahin mo na maging tao din sa kasunduan naming dalawa. Makakaalis ka na, wala kang gagawin dito sa hacienda ko." Tinuro pa ni Carlos ang pintuan para lumabas ang dalaga, para itong maiiyak pero hindi siya magpapadala sa gano'n.


#maribelatentastories





M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon