CHAPTER 09

16.4K 352 16
                                    





"Where's your wife?" Tanong ni Wilde matapos inumin ang alak na isinalin niya sa kanyang baso. He usually went here on his friend hacienda, at heto nga nagkayayaan silang mag-inom ngayong gabi.



"Kitchen." Ani ni Carlos, it's been two days since they got married. Pero simula ng makasal silang dalawa ay hindi na siya kinibo ni Misty Faith. And that really made him pissed! Ilang beses na niya itong inaproached pero tatarayan o susungitan lang siya nito at doon siya napipikon! At ang malala pa ay hindi niya alam kung bakit!




Wilde smirked while looking to Carlos, base sa itsura nito ay may hindi magandang nangyari. "What's wrong? Don't tell me balak mo ng hiwalayan."




"Of course not, ngayon pa ba? Na alam na dito sa Colores na kasal kaming dalawa." Mabilis na sagot ng haciendero, hindi naman siya ang nagsabi no'n kung hindi ang mga tauhan niya dito sa hacienda. At parang may pakpak nga talaga ang balita dahil kahapon ay pumunta na naman dito si Donya Emilia pero syempre hindi niya ito pinapasok. She don't have anymore right to Misty lalo pa at hindi naman na menor de edad ang pamangkin nito. Isa pa pagkatapos ng ginawa nito sa asawa niya ay ang kapal din talaga na magpunta dito na para bang walang nangyari. 



"Eh anong problema mo? Kilala kita Pare at alam ko na may iniisip ka."



Nilapag ni Carlos ang baso sa lamesa at muling nagsalin ng alak doon. Nandito sila sa labas ng bahay niya dahil masarap dito magpalipas ng oras kapag ganitong gabi. Maliban sa mga kuliglig na naririnig nila galing sa paligid ay malamig din ang hangin dito at hindi pa malamok. "Hindi niya ako kinakausap."



"Ooohhh.." Ani ni Wilde na tumango-tango pa. "Pero bakit? Baka naman kase ginapang mo na 'yong tao, eh hindi pa nga magaling."



"Gago!" Asik ni Carlos na nag-sindi naman ng sigarilyo. Hindi naman siya gano'n kahayok sa laman o sex para mamilit ng babae no. At heto pa gustong-gusto niya na din pala komprontahin si Misty dahil tuwing nakikita niya ito ay laging bakat ang nipples nito at alam mo na hindi nagsusuot ng bra. Samantalang may pinabili naman siyang gano'n pero hindi naman nito sinusuot. "Nagalit yata siya sa ginawa ko sa mga tauhan ng tiyahin niya." Kuwento niya, 'yon lang naman kase ang alam niyang kinagalit ni Misty dahil unang-una hindi pa naman sila nagtatabi sa kuwarto niya.



"Bakit tinuloy mo ba 'yong plano mo? Don't tell me pinatay mo 'yong mga nang-gago sa kanya?"



"Hindi ko pinatay okay, that was my plan pero hindi ko tinuloy." Paliwanag ni Carlos sabay hithit ng hawak na sigarilyo at inom ng alak. "Akala ko matutuwa siya na nahuli ng mga tauhan ko 'yong tatlong lalakeng humabol sa kanya dito pero hindi pala. She got mad at me, samantalang pinahila ko lang naman ang mga putanginang 'yon na nakatali sa mga kabayo ko."



Natawa na lang si Wilde sa ekplenasyon ng kaibigan, he knew him very well. Sa tagal na nilang magkaibigan na dalawa ay alam din niya ang mga kakayahan nito kapag nakatapat ng mga abusadong tao. "Ganyan talaga Pare, babae siya eh. At iba sa atin, kung ako matutuwa ako sa ginawa mo pero iba kase kapag babae mahirap ispelingin ang mga 'yan, ang hirap intindihin tapos kapag hindi mo naman inintindi ay ikaw pa ang mali. Beside your wife look naive and of course ayaw talaga niyan sa mga ganyan Pare."



"Wow coming from you ha." Ani ni Carlos. "Ano 'yan base on your experience ba?"



"Parang gano'n na nga, diba nakuwento ko na 'yong kapitbahay kong kapitana sa Magbanua? That woman really pissed me off!" Inis na kuwento ni Wilde, paanong hindi siya maiinis sa kapitbahay at kapitana ng baranggay kung saan siya nagpagawa ng bahay, eh ang tawag sa kanya ay crocs! Crocs means crocodile dahil ang mga congressman daw na katulad niya ay buwaya!



"I know her, si Jesylyn ba? Mabait naman 'yon ah, actually nakarating na 'yon dito sa hacienda dahil may pinasok 'yon na mga tao dito sa akin."



"Yon nga, 'yong Jesylingling na 'yon kase parang may tililing at lagi akong inaaway kahit hindi ko naman inaano."



"Baka naman may gusto sa 'yo kaya gano'n." Sabi pa ni Carlos na nag-iisip na ng plano kung ano ba ang magandang gawin para hindi na magalit sa kanya si Misty o para kausapin na siya nito. Hindi naman na sila puwedeng hindi mag-usap dahil mag-asawa na silang dalawa pero hindi din siya marunong manuyo dahil wala sa bokubolaryo niya 'yon. 



"Nahhh malabo, hindi ako papatol sa may tililing na kapitana na 'yon." You can even see on Wilde the disgust on his face. Dahil hindi talaga lalo pa at isa siyang congressman at kilalang tao dito sa Colores.



They continue drinking, inubos nila Wilde at Carlos ang isang bote ng alak habang nag-kukuwentuhan silang dalawa. Sayang nga lang at sila lang ang magkasama ngayon samantalang madami naman silang magkakaibigan. 



   "T-Teka anong---"



Hindi na pinatapos ni Carlos ang sasabihin ni Misty dahil inilagay na niya ang bitbit na dalawang unan sa kama. Akala niya nga ay tulog na ito dahil pasado alas dyis na din ng gabi pero buti na lang at hindi pa pala. "I will sleep here from now on, tutal dapat naman talagang tabi ang mag-asawa matulog diba."




"A-Ano?" Nahila ko tuloy ang kumot hanggang dibdib ko, hindi pa talaga ako makatulog kase hindi pa naman ako inaantok. So tama nga ako umalis na nga ang kaibigan niya dahil narinig ko na may umalis na sasakyan. Pero ang akala ko ay pumasok na si Carlos sa katabing kuwarto ng kuwarto na ito para magpahinga pero heto at mukhang magiging mahaba pa ang gabi namin!



"I'm serious Misty dito talaga ako matutulog ngayong gabi." Carlos closed the window and turned off the aircon, ewan niya at nagpabili pa talaga siya kaninang umaga ng aircon at pinalagyan ang kuwarto niya na ito. O dahil naiisip niya na iniiwan ni Misty na bukas ang mga bintana dito sa gabi at baka may pumasok na lamok at kagatin ito? Kung siya lang kase ay mas gusto niya ang fresh air pero dahil nag-asawa na nga siya ay hindi na 'yong gusto niya lang ang palaging masusunod. 


I just watched him when he really laid down beside me, sa tingin ko ay queen size bed itong kama niya at ito naman talaga ang kuwarto niya pero pinagamit niya nga sa akin. At kung sakali ito din ang unang beses na may makakatabi ako na matulog tapos lalake pa. 



"Wag mo na akong tingnan ng ganyan Misty dahil hindi talaga ako aalis dito, we will really sleep together here in my room starting tonight." Sabi pa ni Carlos habang nakatingin sa asawa

#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon