CHAPTER 11

16.1K 336 22
                                    




"T-Teka anong--" Nagulat pa ako ng ipasuot sa akin ni Carlos ang hinubad niyang maong na jacket. Akala ko pa naman ay iiwan niya 'yon bago kami umalis pero hindi pala. 


While Carlos made sure his jacket will fit to her even though it's big to her body. "I don't know but I guess my wife don't use bra, or maybe hindi ka talaga nagsusuot ng gano'n dahil lagi ko 'tong napapansin sa 'yo. I can see your taunted nipples Misty and ayoko na may ibang makakakita niyan maliban sa akin." Sabi pa niya matapos ibutones ang jacket niya na pinasuot dito at talaga din namang binutones niya 'yon para hindi na makita ang pang itaas nitong damit.



Para naman akong napahiya sa sinabi niyang 'yon, hindi ko alam na napapansin niya pala na hindi ako nagsusuot ng bra kahit mero'n naman siyang pinabili no'n para sa akin kila Esther. Pero kase hindi naman talaga ako nagsusuot ng gano'n noon pa man. 





Nakita naman ni Carlos na parang hindi naging komportable si Misty sa sinabi niya. "Hey walang masamang ibig sabihin ang sinabi ko sa 'yo okay? I'm just protecting you." Sabi niya pa dito.


"S-Salamat, hindi talaga kase ako nagsusuot ng bra kaya dodoblehin ko na lang sa susunod ang suot ko o kaya naman magsa-sando na lang ako." 


See I'm really right, at para sa akin lang ang ganoong jlaseng view niya. "Sasamahan na lang kita mismo na bumili ng mga damit pero ngayon ililibot muna kita sa hacienda." At tuluyan ng inalalayan ni Carlos ang asawa na sumakay sa kabayo na nasa harapan na din naman nila. 





Mas kinabahan naman ako ng sumakay din siya sa likuran ko, akala ko pa naman ako lang mag-isa dito sa kabayo pero buti naman at hindi pala.  




Carlos sat down behind his wife, walang kabayo ang hacienda ni Donya Emilia kaya alam niyang hindi marunong sumakay sa ganito ang asawa niyang si Misty. At ito lang din naman ang magandang gamitin sa paglibot sa lupain niya. They ride his Australian draught horse it's a large and strong breed that farmers in Australia commonly used. At dahil magandang klaseng kabayo ito at talagang sanay sa bukid ay ito nga ang isa sa mga koleksyon niya ng mga kabayo at madalas gamitin kapag nag-iikot siya dito. 





"F-First time kong sumakay sa kabayo Carlos kaya ayusin mo ha, ako pa naman ang nasa unahan." Sabi ko sa kanya, akala ko patatakbuhin niya ang kabayong sinasakyan namin pero buti na lang at hindi. Medyo nalulula pa naman ako ng kaunti dahil malaki talaga ang kabayong sinakyan naming dalawa at mataas talaga ang pagbabagsakan mo kung sakali. Para nga din hindi lang dalawang tao ang kasya dito eh. 





"Don't worry hindi ka naman ilalaglag nitong si Bangis." Natatawa na sabi ni Carlos paanong hindi nakita niyang mahigpit ang pagkakakapit ng asawa niya sa tali ng kabayo kaya alam niyang takot ito. 



"Siguraduhin mo lang Carlos at talagang lagot ka sa akin." Sabi ko pa ulit sa kanya. 


Nagpatuloy silang dalawa sa pangangabayo at pag-ikot sa loob ng hacienda Elizondo. At doon napatunayan ni Misty Faith na walang-wala ang hacienda nila kumpara sa pagmamay-aring lupain ni Carlos. His land area is so huge, at iba't-ibang klase pala ang mga nakatanim dito. May gulay at mga prutas, nandoon ding patag ang nilalakaran ng sakay nilang kabayo tapos biglang magiging parang burol. Pero ang nagustuhan niya ay parang may pagka-art pa ang taniman nito lalo pa at sa isang ektarya ay puro mga berde na mga prutas o kaya naman gulay ang nakatanim tapos sa susunod naman ay iba na namang kulay. Pero ang mas nagustuhan niya ay ang maraming puno na nadaanan nila, hindi lang basta mga puno ng kahoy kung hindi puno ng saging, mangga, rambutan at iba pang klaseng puno na namumunga na. At mero'n pa silang nadaanang sapa na may nakita pa silang naliligo na mga bata. 





M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon