CHAPTER 24

17.9K 294 29
                                    


Wag niyo ng i-research kung ano ba 'yong itsura ng Gloryhole sa story ni Atticus sa Google. Baka ma-shook kayo🤭







"What with that smile? Parang sayang-saya ka sa buhay may asawa ah." Sabi ni Wilde sa kaibigang si Carlos, niyaya niya ito sa isang high end bar dito sa bayan ng Colores na pagmamay-ari ng isa nilang kaibigan na ilang buwan na nilang hindi nakikita at hindi nila alam kung saan ba naglululusot. Nakakasawa din kase na uminom sa hacienda nito dahil tahimik masyado at gusto niya 'yong ganitong nakakapag-unwind siya pagkatapos ng maghapon na trabaho bilang congressman.



"Tsk of course not. Nasabi ko naman na sa 'yo kung bakit ko siya pinakasalan diba?" Sagot ng haciendero na tinungga ang baso ng alak niya. 



"Oo nga pero paano kung sakali na magustuhan mo talaga siya? Anong gagawin mo?" Tanong pa ulit ni Wilde, of course he knew what his reason why he married her. Alam niyang gagamitin lang ni Carlos si Misty Faith pero sabi nga win win situation 'to, dahil nailigtas naman ng kaibigan niya ang babae sa tiyahin nitong masama ang ugali and in the same time nagkaroon ng instant na asawa si Carlos. 



Tiningnan ni Carlos si Wilde at saka sinimangutan. "Teka nga bakit sa akin ba napunta ang usapan? Uminom ka na nga lang diyan." At sinalinan pa niya ang baso nito na wala ng lamang alak. Hangga't maaari ay ayaw niyang magkuwento tungkol sa kanila ni Misty dahil parang unfair naman na masyado 'yon para sa asawa niya. 



"I'm stating a fact here, natural darating at darating ang time na malalaman ni Misty kung bakit mo talaga siya pinakasalan plus 'yong bonus na nagkaroon ka ng asawa at may magpapainit ng gabi mo."





"And it will not happen okay? Hindi ko talaga siya magugustuhan dahil wala sa plano ko 'yon. Naaawa lang ako sa kanya kaya ko siya tinulungan." Sabi pa ng haciendero na napasindi na ng sigarilyo, he don't want that to happen. At ayaw niya talagang maging kahinaan niya ang isang babae o kung sino pa man dahil hindi siya gano'n. 






"Let see, mahirap magsalita ng tapos Pare, baka sa huli niyan kainin mo lahat ng sinabi mo." Kibit balikat na sabi ni Wilde, si Carlos kase ang unang nag-asawa sa kanilang magkakaibigan. At hinding-hindi din talaga siya papasok sa mundo ng pag-aasawa dahil para sa kanya maghihiwalay din lang naman ang dalawang pares na magkarelasyon sa huli. And he don't want a heartache because for him he's too old to fall in love or be in a relationship. 





"Wala ng titingnan pa, kaya wala ng let see let see Wilde. Sigurado ako do'n, at alam mo din naman na wala sa bokubolaryo ko ang maghabol ng kung sino." Sabi pa ng haciendero na parang naisip kung kaya niya nga ba talaga 'yon. He's trying his best not to like Misty Faith, dahil ayaw naman niyang kainin niya ang lahat ng sinabi niya. But the more days being with her is the more days he know more about her.  





   May inis na tiningnan ni Carlos ang asawang si Misty Faith na tumayo na at iniwan siya dito sa hapag-kainan. And what made him feel pissed is he didn't know why she's acting like that. Samantalang tulog naman na ito kagabi ng umuwi siya at hindi din naman sila nag-away o kung ano pa. Pero nitong nag-aalmusal na sila ay hindi man lang talaga siya kinakausap ng asawa at lalong hindi siya manghuhula kung ano ba ang sinisintir nito. 



"Esther halika ka nga." Tawag ng haciendero sa kasambahay niya, hindi na din naman siya makapag-almusal at nagkape lang din siya ngayon dahil sa hang-over. "Anong nangyari kay Misty? Bakit hindi 'yon namamansin?" Tanong niya dito ng makalapit ito.



"Ah 'yon po ba, baka po kase hindi kayo umuwi ng maaga kagabi." Sabi naman ng kasambahay na sinalansan na ang mga platong nagamit na sa lamesa para madala sa kusina at mahugasan. 



M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon