CHAPTER 25

14.1K 249 19
                                    




Hi! Advance Happy valentines! Opo tatanggap ako ng cake bukas, libre niyo si Author, pangpa-sipag mag update😆 pm is the key!







"Parang hindi pa din ako makapaniwala Misty, akala ko talaga fake news 'yong nabalitaan ko na kasal ka na nga daw. Pero dahil sa 'yo na mismo galing ay naniniwala na talaga ako. Pero grabe no? Si Carlos Elizondo talaga ang napangasawa mo?" Sabi ng kaibigan ni Misty Faith na si Jesylyn.  Nagulat pa nga siya ng mapag-sino ang kumakatok sa harap ng bahay niya pero ang kaibigan niya palang ito. 





"Ako din pero atleast alam mo na kung bakit ako nakasal sa kanya." Kuwento ko naman, hindi ako sumabay kila Miriam na umuwi ng hacienda at nagpadaan nga ako kanina dito sa bahay ni Jesylyn, akala ko pa nga ay wala siya dito sa bahay nila dahil una naming pinuntahan ay ang baranggay kung saan doon siya nagtatrabaho. 



"At ang suwerte mo Girl, ang yaman-yaman ng Carlos na 'yan no!" Natutuwang komento ng dalaga, magkaklase sila noon sa kolehiyo at naging magkaibigan nga. Alam niya ang tungkol sa buhay ng kaibigan niyang ito at alam na alam din niya ang kamalditahan ng tiyahin nito na si Donya Emilia. 



"Tsk anong masuwerte? Inaway ko nga 'yon kanina eh." Inis na kuwento ko ng maalala ko 'yong pag-uusap namin kanina sa swimming pool. Ni wala pa nga kaming dalawang buwan na mag-asawa tapos nakuha na niya agad mangbabae? At talagang nag-iwan pa ng ebidensiya! "Kaya pala hindi nagre-reply kagabi sa akin kase busy kasama ang kaibigan niya at kung sino mang babaeng kaharutan niya, at nakita ko pa talaga na may bakat ng lipstick ang damit niya pag-uwi niya kagabi."



Natawa naman si Jesylyn habang nakikinig sa kaibigan ramdam niya kase ang inis nito ngayon habang nagkukuwento. "Gilingan mo kase sa kama, I mean kapag magse-sex kayo ikaw ang umibabaw at gumiling ka sa ibabaw niya. Ewan ko na lang kung hindi mabaliw 'yang Carlos na 'yan." 



"Jesylyn!" Ako naman ang nagulat sa sinabi niyang 'yon, oo alam kong may pagka-taklesa na talaga siya noon pa man pero parang hindi ko naman magagawa ang sinasabi niya. Gumiling sa ibabaw ni Carlos? Hindi ko kaya 'yon!



"Wala naman na tayo magagawa dahil kasal na kayong dalawa at sure ako at handa kong ipaputol ang lahat ng daliri ng kapitbahay naming crocs na may nangyari na din naman sa inyong dalawa ng Elizondo na 'yon. At tatandaan mo na ang lalake ay lalake kaya naman para hindi 'yan maligaw ng landas este maligaw ng kandungan ng ibang babae ay dapat mag-eeffort ka din."



Napaisip naman ako sa sinabi niya, gano'n ba talaga 'yon? I mean kailangan ba talaga 'yon? "P-Pero parang hindi ko kaya ang sinasabi mo saka baka nga lagot na ako sa kanya dahil inaway ko siya kanina." Sabi ko pa, inis na inis talaga ako dahil feeling ko balak niya pang i-deny ang nakita ko kagabi kaya naman talagang nasapak ko siya. At kahit gusto ko man mag-sorry ay pinanindigan ko na lang din ang galit ko at iniwan siya kanina sa swimming pool. Kaya naman natatakot na din talaga ako umuwi dahil baka mamaya ay palayasin niya na lang ako doon!



"Kaya mo 'yan Misty, ikaw pa ba." Sabi pa ni Jesylyn sa kaibigan, aba dapat lang na wala ng hiwalayan na maganap sa pagitan ng kaibigan niyang ito at ni Carlos no. "Sige ganito na lang tamang-tama may binigay pala sa akin na regalo 'yong isang kagawad ko na alak, inumin na lang natin ngayon para naman lumakas ang loob mo pag-uwi mo mamaya."



"A-Ano? P-Pero hindi ako umiinom alam mo 'yan." Sabi ko, hindi talaga ako umiinom ng alak at kung mapainom man ako ay siguradong kaunting-kaunti lang at napilitan lang ako no'n. 



"Susss para ngayon lang tayo ulit nagkita eh, tatangihan mo pa ba ako?" At saka tumayo na ang dalaga at kinuha ang alak na sinasabi niya. 





M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon