CHAPTER 07

15.6K 322 6
                                    




My hunky uncle is now on going on patreon and vip group.





"Salamat.." Nahihiya kong sabi ng dalhan na naman ako ng pagkain ng kasambahay ni Carlos dito sa kuwarto. Alas syete na ng gabi at kanina pa naman akong alas singko ng hapon gising.




"Ayos lang po Ma'am saka ituloy-tuloy niyo lang po ang pag-inom ng gamot niyo para gumaling agad ang paa niyo." Magiliw na sabi ni Esther, parang maski kase sila na tauhan dito sa hacienda ay natutuwa dahil ngayon lang sila nagkaroon ng bisita maliban sa mga kaibigan ng Senyorito nila. Alam nilang sa kabilang hacienda galing ang tinulungan ng Senyorito Carlos nila pero nakakatuwa lang isipin na parang may kung ano sa mga ngiti at pakikipag-usap nito sa kanila kanina habang nagbibilin na bantayan ng maigi itong si Misty at lutuan ng pagkain na ginawa naman nila syempre. 



"S-Salamat, teka nasaan pala si Carlos?" Alanganin kong tanong, simula ng mag-usap kami kanina ay hindi na siya bumalik dito at kahit nakakalakad naman na ako ng kaunti kahit papaano ay nahihiya naman akong lumabas. Gusto ko kase siyang tanungin kung totoo ba 'yong sinabi niya sa akin kanina.





"Umalis po siya Ma'am pero baka pauwi na din po 'yon si Senyorito, hayaan niyo po at sasabihan ko siya mamaya kapag dumating na dito." Nakangiting sabi ni Esther. 





Nakita ko na sinigang na salmon pala ang dinala sa aking ulam, parang puro masasarap ang pinapakain at hinahanda nila sa akin simula ng dumating ako dito. At hindi ko alam kung utos ba ito ni Carlos sa kanila o sila lang talaga ang naghahanda. Mabilisan lang akong kumain at buti din hindi ako iniwan ni Esther at may nakausap ako. 





   "Teka Ma'am maliligo po ba kayo?" Agad kaseng nilapitan ni Esther si Misty ng makitang tumayo ito at umalis sa kama pagbalik niya. 




"Oo pero kaya ko naman ng lumakad kaya puwede mo na akong iwan." Nakangiti kong sabi sa kanya, buti pa mga kasambahay dito sa hacienda ni Carlos approachable at hindi mukhang pakitang tao lang kagaya sa amin. 




"Sige po Ma'am pero kung kailangan niyo ng tulong tawagin niyo na lang po ako." Sabi pa ni Esther na kinuha naman ang pinag-kainan ni Misty. 





Dahan-dahan lang ako pumasok sa loob ng banyo, medyo makirot pa din ang paa ko kapag napapadiin ng lakad pero ayos naman na at ang importante ay kaya kong ihakbang. Malawak ang banyo  ni Carlos at ewan ko ba at bakit dito pa talaga niya ako pinag-stay, samantalang puwede naman ako sa ibang kuwarto o kaya kahit sa sofa pa. Buti na lang din at may heater ang tubig dito sa banyo kaya hindi magiging mabilisan ang pag-ligo ko at makakaligo ako ng maayos. 





Mag aalas otso na ng gabi ng makabalik si Carlos sa hacienda, ginabi na siya dahil may mga inasikaso siya kanina. Agad siyang sinalubong ng mga kasambahay sa kanyang bahay pagkapasok niya doon. 




"Kumusta si Misty? Hinatiran niyo na ba ng pagkain?" Tanong niya sa mga ito. 




"Opo Senyorito tapos na po, tinanong niya nga po pala kayo kung nasaan daw kayo kaya sabi ko umalis kayo." Sagot agad ni Esther. 




"Gano'n ba, sige mamaya na ako kakain at pupuntahan ko muna siya." Sabi naman ni Carlos na bitbit ang isang maliit na paper bag at saka naglakad papunta sa kuwarto niya. 





Doon na naabutan ng binata si Misty na inaalis ang benda sa paa nitong may sugat. "Hey.." Tawag niya sa atensyon nito matapos isara ang pintuan. 





"Carlos.." Hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto pero binaba ko agad ang paa ko na nakapatong sa kama dahil maglilinis nga sana ako ng sugat ko. 




"Let me help you." Hinila ni Carlos ang upuan na naroon at saka dinala sa tapat ng dalaga. Amoy bagong paligo ito dahil nalalanghap niya pa ang ginamit nitong shampoo. At kita pa din naman ang basa nitong buhok na nakalugay. 




"Naku wag na kaya ko naman na 'to." Sabi ko na parang nahihiya. Hindi nga parang dahil nakakahiya naman talaga na kung pati ito ay siya ang gagawa.




"Ako na para mas malinisan ng maayos." Ani ni Carlos na hinawakan ang paa ni Misty at ipinatong 'yon sa ibabaw ng hita niya. Pero 'yon na yata ang pagkakamali niya dahil nagkaroon lang siya ng tsansa na makita ang mapuputi nitong hita dahil nakasuot lang ito ng short. 




Hinayaan ko na lang siya linisan ang sugat sa talampakan ko magaan ang kamay niya at hindi siya madiin maglinis. Tapos mabilis lang din ang ginawa niyang paglilinis at doon ko nga mas nakita ang mukha niya. Moreno talaga siya at alam mong sa labas siya palagi, mahahaba ang plik mata niya pero 'yong ilong niya talaga ay napaka-tangos at parang ang sarap pisilin. At kahit nagsisigarilyo siya ay mamula-mula pa din ang labi niya.



Maingat na binaba ni Carlos ang paa ni Misty, iniwas na lang din niya ang tingin sa maputi nitong binti at hita pero parang gusto niyang mapamura ng makita na bakat ang nipples nito sa suot na t-shirt. Kaya naman tumayo siya at napakuha ng sigarilyo at sinindihan 'yon.





"Hmmnn.. May itatanong nga pala ako." Mahina kong sabi, buti na lang at wala akong asthma dahil ilang beses na siyang naninigarilyo kapag magkaharap kami.





"About what?" Tanong ng binata.




"T-Totoo ba talaga 'yong kasal na sinasabi mo kanina sa akin?"




Carlos smirked when he heard what she said. "Yes, bakit? Napag-usapan na natin ang tungkol diyan diba? And uulitin ko lang bawal ng mag-back out Misty."





"P-Pero kase hindi ba magtataka ang mga tao dito sa hacienda mo? Alam nila na tinulungan mo ako tapos heto papakasalan mo ako."





"I don't care, wala akong pakealam sa iisipin nila. Isa pa gaya ng sabi ko ikakasal tayo bukas." Dinampot ni Carlos ang bitbit niya kaninang paper bag at inabot 'yon sa dalaga.




"Ano 'to?"



"Cellphone, binilhan ko na din ng sim card 'yan." Tipid na sabi ni Carlos. "Matulog ka ng maaga dahil maaga pupunta dito ang judge na magkakasal sa atin."




At naiwan na lang na si Misty Faith na nakatingin sa inabot ni Carlos na paper bag. Nawala na kase ang mga dapat niyang itanong dito.

#maribelatentastories

M.V series 01 Carlos ElizondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon